Chapter 9. E for Esmeralda

59 5 10
                                    

Sol

Ibinalik ko ang cellphone sa bag at nagmaneho na. Tila ayaw pang tanggapin ng aking utak na andito na si tita Esme.

I shook my head and tried to forget that idea since I have another problem to deal with at the moment. Nilingon-lingon ko si Aku na nakatitig lamang sa labas ngunit nananatiling asul parin ang mata.

Binuksan ko ang wiper dahil halos wala na akong makita sa daan dahil sa lakas ng ulan. I bit my lower lip and forced myself to be couragous enough to ask Aku this "Pwedeng patigilin mo muna ang ulan, please? Mahirap kasi magmaneho.."

Sabi ko habang unti unting humihina ang aking boses dahil unti unti rin tumatalim ang kaniyang mata sa akin. Ang nagyeyelong mata ni Aku ay parang isang powerful source na pinanggalingan ng lamig.

"It's not that easy. Specially after what I saw" Matalim na sabi niya sakin. He closed his eyes and using his stick, he poked the floor of the car. And then rain abruptably stopped as if it's a faucet that was turned off. 

Not easy daw.

Medyo nagkaroon naman ako ng relief dahil hindi na bumubuhos ang ulan. Ngunit ang pagtigil nito ay hindi nakagaan sa nakakatakot na awra ni Aku ngayon.

"umm, yung kausap ko kanina a-" pambabasag ko sa katahimikan pero  pinutol niya agad ang sasabihin ko.

"Save it for later"Madiin na sabi niya at nananatili ang tingin sa labas ng bintana.

Huminga naman ako nang malalim at napalunok. Bahala sya, wala naman akong ginawang masama eh.

Nang makapag-park na ako sa bahay ay lumabas ako at hinarap si Aku na papalabas rin. "Di ka ba pupuntang buwan?" Tanong ko sakanya para kung sakali ay doon nalang siya maglabas ng sama ng loob.

Kaso hindi niya ako nilingon at dire-diretso lamang ang pasok sa loob. Pumasok na rin ako at pinet muna si Miffy bago umakyat sa taas. Pagdating ko doon ay natagpuan ko si Aku na nakasandal sa may pinto ng kwarto ko.

"Excuse me" Sabi ko sakanya ngunit hindi ako nagaabalang lumapit.

"May I come in?" matalim na tnong niya at tango na lamang ang naisagot ko. Nanigas ang aking mga paa at umaayaw na pumasok sa kwartong pinuntahan ng monster.

At mas lalo naman silang namanhid nang itinuro ako nung monster at sinabing "Pumasok ka" Sinabi niya ito na parang inaaya niya ako papasok sa aking execution chamber. 

Dinahan-dahan ko ang paglalakad papunta sa kamatayan ko. Dreading every step, what did I do wrong?

Nothing Sol, you did nothing wrong.

Oo tama, dapat 'di ako matakot.

Tinignan ko sya sa mata  "Bakit?" Tanong ko sakanya at itinuro niya naman ang kama ko kaya dun ako naupo.

"We have a deal, Sol" Mariing sabi niya sakin habang iniikot ikot ang kaniyang stick.

"Alam ko" Sabi ko naman sakanya. Aware kaya ako.

Ngunit mukhang mali ang nasabi ko dahil bumalik nanaman sa pagiging pula ang kaniyang mata at nanlalamig ang paligid.

"And yet you had a 'date'" Pangdidin niyang sabi. I was about to defend my side when he cut me off again

"And don't tell me it's a business meeting" Pagbabanta niya na sya namang ikinainit ng aking ulo.

"Friendly meeting lang iyon, Aku. At kung meron nga akong date, bakit bawal?" Sagot ko naman sakanya at humalukipkip.

Man in MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon