Sol
Pagkalagay ko ng aking mga gamit ay namataan ko ang rosas na may mga tinik. Maingat na iniligay ko ito sa taas ng mga nakatuping damit.
Inikot ko ang aking mata sa kuwarto para masigurong wala na akong nakalimutan pa. When I was convinced that I got everything I closed my luggage and went to the elevators.
Ngayong araw ang flight ko pabalik ng Pinas. Pagkababa ko sa lobby ay itinawag ko muna ang lahat ng staff upang makapagpaalam at makapagpasalamat.
Habang nasa lobby hinanap ng aking mga mata si Aku ngunit kahit ang napakalaki niyang stick ay hindi ko makita.
Nilalabanan ko ang lumalakas na antok dahil na rin sa tulong ng marahang paghele ng tren. Pabalik na kami muli sa Kyoto.
Pinagmasdan ko ang katabi ko na nakatitig sa may bintana habang hawak parin ang mga Winnie The Pooh merchandise na napili niya.
Sikreto na lamang akong napangiti.
Stop it, Sol! It's the same man who threatened to kill you.
Then why am I not afraid?
"Bukas na pala ang flight ko pauwi ng Pinas" inaantok na banggit ko kay Aku. Napatingin lang siya sa akin. "Gusto mo sumama? Para mabilhan na kita ng ticket sa eroplano" sabi ko muli.
He shook his head and took his focus back at the calm scenery behind our window. "I have to go up there later. Susunod nalang ako sa Pilipinas"
Napatango nalang ako "Itinatakbo mo ba ang buong mundo? At paano mo nalalaman kung nasaan ako?" I said with humour.
"I can teleport. I just have to picture the place in my mind and then within a milisecond I will find myself in that place. Also, since I used my ability on you, I always know where you are"
"Ehh bakit ngayon ka lang nagpakita ulit? After 15 years?" Tanong ko sakanya at ipinikit ang aking mga mata.
"I waited until you were fully grown. You were just a child, and a traumatized one" rinig kong sambit niya. Bumalik muli sa aking utak ang nga nangyari noon.
Dumilat ako at nilingon siya "Bakit ako? Bakit di ka nalang naghanap noon ng nasa edad na at experienced?"
He looked at me and said "Because it is you that I saw"
Inihatid ako ni Hany papunta sa kotse na maghahatid sa akin sa airport. Nagpaalam ako sa aking utak sa lahat ng bagay na nadadaanan namin. sa mga tao, sa mga bahay, sa mga puno. Mamimimiss ko ulit ang Japan.
Pagdating doon sa airport ay hinanap ko ang Pilots' lounge. Nang makapasok ay nagbihis ako sa aking uniporme at isinurrender ang aking maleta.
Tinignan ko ang orasan, kalahating oras pa bago ang flight. Naglibot libot muna ako sa Airport.
Pumunta ako sa duty free para bumili ng mga masasarap na tsokolate. Iipunin ko ito sa ref. May nakausap din akong Haponesa na nagkakape sa isang coffee shop. marunong siya mag-Ingles kaya madali kaming nagkaintindihan.
Nalaman kong parehas pala kami ng flight papuntang Pinas at sinabi kong ako ang piloto ng eroplano. Madami pa kaming napag-usapan bago itinawag ang flight number namin.
Dali dali akong nagpaalam at bumalik sa lounge para makapunta malapit sa runway. Ako ang naunang pumasok sa eroplano at grineet ko ang crew. pagkatapos ay naghanda na ako sa cockpit.
BINABASA MO ANG
Man in Moon
Fantasy√ Sol √ Young Sol Esguerra found herself dangling at the edge of the underworld on the night of April 21st. Out of desperation and naiveness, she silently wished to the moon that she may live a little longer. Luckily, somebody heard her. Thus, 15...