Sol
Pinagmasdan ko ang mga bumabagsak na patak mula dito sa natutunaw na yelong hawak ko.
Nakakapaglakad na ako nang maayos ngunit masakit parin ang sprain ko. Siguro naman ay gagaling din ito bukas.
Inilapag ko na ang yelo at lumabas sa balkonahe para damdamin ang malamig na simoy ng hangin. Alas-kwatro palang ng umaga, maaga akong nagising dahil may tatlong flight pa ako mamaya.
Inilabas ko ang cellphone para sana magpatugog nang makita ang text sa akin ni Maximus
091********
Good evening ms. Sol, I am delighted that you are now feeling well. But my concience is not letting me sleep. Perhaps inviting you for dinner will ease it?
Aba, smooth din itong lalaking ito ah?
Nagreply naman ako agad
091********
Sure. I'm free tommorow. :)
Inilapag ko ang aking telepono para maligo na. Hihintayin ko nalang ang reply niya sa kung saan niya gustong magkita bukas.
Pagkatapos maligo ay nagblower ako ng buhok at nagbihis. Nilagay ko sa aking bagpack ang uniporme ko at ibang mahahalagang gamit.
Lumabas na ako sa kwarto at napahinto nang madaanan ang nakasarang pinto ng kwarto ni Aku.
Kumatok ako at binuksan ito kahit na alam kong walang tao. Tanging kadiliman lamang ang nakita ko at ang mga Winnie The Pooh niyang gamit sa taas ng kaniyang malinis na higaan.
Lagi kasi syang nagpupunta ng buwan tuwing gabi at hindi naman siya natutulog kaya bihirang magamit ang kwartong ito. Noong sinabi ko nga na bibigyan ko si Aku ng silid ay nagtaka sila Ana ngunit hindi na nagtanong pa.
Pagdating ko sa baba ay nagsulat ako ng iilang habilin para kaila Ana at tahimik na nagpaalam sa natutulog na si Miffy.
Pagkalabas ko ay nagpunta ako sa aking jeep at nagpabukas ng gate sa nga gwardiang nandoon. Habang nagmamaneho ay pinagmasdan ko ang kalsadang walang laman at napaisip. Parang maganda siguro kung gawin ko ang step 4 Sa 'how to make a man fall for me'
3. Hang with him
4. Then dissapear
Oo, sakto dahil na rin marami akong flight ngayong araw. Nagawa na rin namin kasi 'yong step 3.
Pagkadating ko sa Airport ay nag-park na ako at nagbihis sa pilots' lounge. Nang matapos magbihis ng uniporme ay pinatong ko na ang aking jacket at lumabas doon.
Napangiwi na lamang ako nang makita ang lalaking nakaupo sa lobby at nagkakape. Binalak ko ulit na tahimik na lumisan doon ngunit nakita nanaman niya ako
"Sol!" Sigaw sa akin ni Seth habang tumatakbo papalapit sa akin.
"Aga natin ah, anong oras flight mo?" He initiated the conversation as if he didn't call me ugly the other day. Pinasadahan niya naman ako ng tingin mula ulo hanggang paa at nag-cringe nang makita ang hoodie ko.
"Mayroon akong 8:00 papuntang Indonesia" I said trying to be polite.
His face suddenly lit up. "What a coincidence! Ikaw pala ang co-pilot ko ngayon" Malakas na sabi niya habang hanggang tenga ang ngiti.
Ikinabagsak naman iyon ng buong mukha ko. Pakiramdam ko bigla din nanghina pati ang loob-looban ko
Superman tulungan mo ako!
*****************************
Narrator's POV
Nagtaka na lamang si Aku dahil wala siyang makitang Sol pagdating niya sa bahay. Nais sana niya magpaluto ulit ng pagkain.
BINABASA MO ANG
Man in Moon
Fantasy√ Sol √ Young Sol Esguerra found herself dangling at the edge of the underworld on the night of April 21st. Out of desperation and naiveness, she silently wished to the moon that she may live a little longer. Luckily, somebody heard her. Thus, 15...