Chapter 28. Oddly Sweet

43 3 0
                                    

Sol

"What happened to your hair?" Takang tanong ko kay Aku.

"What about my hair?" Sabi niya at hinawakan ang kaniyang ulo.

Lumapit ako at marahang hinawakan ang kaniyang buhok. Sa pagkakaalam ko ay itim ito, pero ngayon may strands na siya ng kulay puti.

"Some of it are turning white" I stated while surveying his hair.

Para siyang may pulbos sa ulo, mala-Elsa ba.

"Really?" He asked, wide eyed. Marahan siyang tumayo at pumuntang cr. Sinundan ko naman siya dun at naabutan kong tinitignan niya ang kaniyang repleksyon.

Magic mirror on the wall, who is the fairest of them all?

"Normal lang ba iyan?" Tanong ko, fscinated sa kaniyang buhok.

Ibang klase ang kaputian nito, purong puti. Para siyang may snow sa ulo.

"No.." Aku whispered.

"Anong....bakit nagkakaganyan?" I asked starting to feel nervous. Tinignan ko si Aku sa salamin, nagkakaroon ng kulay asul ang mga mata niya. Iba rin ang timpla ng kaniyang mukha.

"This is nothing...my hair might just be having a tantrum" Pagsasawalang bahala niya at umiwas ng tingin tsaka lumabas.

Nanliliit ang matang lumabas din ako doon, he isn't telling me something.

Actually, he isn't telling me anything.

Nakaupo siya sa sala habang nanonood. Nakahalukipkip na lumapit ako sakanya at tinakpan ang tv.

We stared at each other for a while. I made sure I was wearing the hardest gaze I could muster.

"Will you now tell me what's going on?" my question came out like a growl.

Ilang beses na bumuka ang bibig ni Aku at sumara. Obviously, having an internal struggle. Pagkatapos tinignan niya ako gamit ang mga nangungusap na mata.

Kumirot naman ang puso ko at umiling. Naupo ako sa tabi niya.

"Nevermind, sorry" Seryosong tinignan ko siya "Just....just tell me if you're hurting like yesterday, okay?"

Tumitig saglit si Aku bago ngumisi at tumango.

"Aww, my girlfriend is worrying for me" He sweetly said in a cooed voice.

Napatawa ako.

"Nagw-worry lang ako na mawawalan ako ng translator pag may nangyari saiyo" Biro ko pabalik.

Nag smirk sya, pero kalaunan ay bumalik sa pagiging seryoso.

"But seriously Sol, don't worry. I'm fine" the assurance and confidence in his voice made me feel at ease.

Ngumiti ako at tumango. Naglabas naman ako ng phone at pinakita sakanya ang listahan ng mga pwede naming puntahan ngayong araw.

"Ano? Saan mo gustong pumunta?" Excited kong tanong.

Last day na namin dito dahil bukas ang balik namin ni Aku. May shoot din kasi siya bukas at may kailangan naman akong asikasuhin sa hotel.

"Where do you want to go?" Napaisip naman ako saglit sa tanong niya at tinignan ang mga pictures na nandoon.

"Sa lotte world!" I happily said as I looked at the colorful castle and rides.

Nahiya ako saglit dahil baka hindi pala mahilig si Aku sa mga amusement park. Hindi ito katulad ng disneyland na may Winnie The Pooh at kung saan may 'two gigantic talking mice and its friends amuse people to death'.

Man in MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon