Chapter 25. Stick

51 3 0
                                    

Third Person.

Aku leaned back as he watched the Earth slowly rotate.

The world is quite fascinating from the moon's point of view. Payapa kasi ang itsura nito at di alintana ang gulong nangyayari dito.

Dati, tuwing pinapanood niya ang mundo, ang tanging nararamdaman niya lang ay kuryosidad at inggit.

Curiousity and jelousy for the humans, because they have Earth. While him? He only has the moon, a lonely space with only the rocks and craters to accompany him.

Pero ngayon, tuwing pinapanood niya ang mundo, ang tanging naiisip niya lang ay ang mga panahong ginugol niya dito at ang mga lugar na pinuntahan niya.

Natatanaw niya ang Japan, kung saan sila pumunta ni Sol sa Disneyland. Natanaw niya ang HongKong, kung saan siya bumili ng phone kasama si Sol. Yung Pilipinas, kung saan nakatira si Sol..

Umiling-iling si Aku at nahiga para tanawin ang mga bituin, ang bukod tanging maganda dito sa buwan.

He closed his eyes and purposely triggered something inside him. Pagkatapos ay nagsimula na siyang makarinig ng mga tunog galing sa mundo.

"Felicidades por el nacimiento de su niño!" a cheerful voice said.

"Okane o karite mo īdesu ka?" boses ng isang binatang lalaki.

"Wahhhhhh!" iyak ng isang sanggol.

"Break na tayo, dun ka na sa babae mo" iyak ng isang babae.

"Bon anniversaire!" Exclaimed an old man.

"You look...wild" A woman whispered coquettishly.

"Dame tu cosita ah ah, dame tu cosita ah ay!~" Pinapatugtog na musika sa isang speaker.

Napadilat agad si Aku at tinanggal ang trigger. Naupo siya pagkatapos ay huminga nang malalim, kahit wala siyang malanghap na hangin.

His hands went to grab something on his left. But he stopped when he realized he was unconciously holding out for his stick, and felt nothing.

The feeling of emptiness in his hands matched what his insides felt.

Nilingon ni Aku ang kaniyang baling stick na tinatakluban ng tela sa hindi kalayuan. Tumayo siya para puntahan ito, sinasawalang-bahala ang nakakapanibagong pakiramdam na tumayo habang walang suporta mula sa kaniyang kapitan.

Nang makalapit ay hinawakan niya ulit ang dalawang piraso. Sa ika-isang daang pagkakataon, ipinagdikit niya ito at ginamit ang kaniyang mahika para ayusin ito.

At sa ika-isang daang pagkakataon, umusok lang ito ng kulay asul at nagdikit nang limang segundo bago kumalas ulit.

Napapikit si Aku, kung may ulap lang sa buwan ay kanina pa bumabagyo.

Samantala, may isang lalaking naka-itim mula ulo hanggang paa ang bigla nalang lumitaw sa gitna ng buwan. Kaniyang masuring pinagmasdan ang tagapagbantay.

"Have you fixed it yet?" Napalingon si Aku sa boses na nagmula sa kaniyang harap. Once in a blue moon lang nagkakaroon ng bisita si Aku sa buwan.

Binitawan niya ang kaniyang hawak at tumayo. "Why are you here, Z?"

The man's lips thinned very lightly and tipped his hat to Aku. "To visit you" maikli niyang sabi at naupo sa isa sa mga crates.

Aku glanced at him with outmost vigilance "Why?"

Lumingon-lingon muna sa paligid si Z bago sumagot. "I want to know about the human"

Man in MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon