Sol
Pasimple kong ninanakawan ng litrato si Aku mula sa kinauupuan ko. Napangiti ako sa suot niyang tuxedo. Lalo pang na-highlight ang mga muscles nito at nagmuka siyang malinis na businessman.
Nuks, sexy pala itong si Aku.
Tigil Sol! Kino-complement mo ang nagtatangkang pumatay saiyo?Mukhang na Stockholm syndrome ata ako....
Nonono!
Itinabi ko ang aking cellphone at tinignan ulit si Aku.
Napapaligiran siya ng mga nag-aayos sa kaniyang buhok at mga naglalagay ng light make up sakanyang mukha. Para namang istatwa si Aku dahil hindi siya umiimik o gumagalaw habang inaayusan.
Ngayon kasi ang na-set kong araw para sa audition niya. Ngunit kahit hindi pa man siya official na natatanggap ay parang nakuha na nito ang trabaho kung umakto ang mga tao dito.
"Okay, let's start!" Nakakabinging sigaw noong direktor. As he said this everyone moved and continous blinding lights engulfed the room.
I gave Aku a side glance but my focus is still on the road. "Basta kapag nakuha mo ang trabaho ay magp-picture ka lang suot ang brand nila ng damit at babayaran ka na nila para doon" paliwanag ko sakaniya.
He must be accepted. I have done so many illegal things just to make this happen. Pinagawan ko siya ng fake birth certificate, fake ID, atsaka fake resume. Naku, pag hindi nila tinanggap si Aku magpapa-request ako na paulanin ng yelo ang loob ng studio.
"And stick to our story, Aku" mariing sabi ko sakanya. Nagkasundo kasi kami sa isang storya tungkol sa pagkabata niya dahil baka bigla siyang tanungin ng 'Saan ka pala nag-aral?' at ang isagot niya ay 'There are no schools at the moon'
"K" Maikling sabi niya. pinagmasdan ko naman ulit siya, mukhang mas kabado pa ako dito.
Bigla ko naman naalala ang masamang tingin sa akin nun ni Aku habang pinipicturan ko sya doon sa Japan. Natakot ako bigla at baka samaan niya ng tingin ang mga tao dun.
"Aku, just do what you did the other day. Ngumiti ka lang at lalanguyin na nila ang pasipiko para sayo" sabi ko sakanya habang inaalala ang sumbrero noon ni Aku na napupuno ng pera.
Nakita kong ngumisi siya at nilaro ang hawak niyang stick "Relax and trust my charm" sabi niya at kumindat.
Naku, tumigil siya at baka mabangga ko itong kotse.
"Give us a smile please" Narinig kong sabi noong direktor kay Aku.
Bigla namang sumama ang mukha ni Aku at tumalim ang kaniyang mata sa lalaking nagsabi nun.
Oh no
Maigi akong kumaway mula sa aking kinauupuan para kunin ang atensyon ni Aku. Nang mapatingin siya sakin ay bigla akong sumenyas na ngumiti siya. Sumenyas din ako ng pera para pang-bribe.
Nanliit lamang ang mata niya sa akin at ngumiti nang sarkastiko. Mukhang ito lang ang gusto niyang i-offer. I think it's not because he dosen't smile, but because he dosen't like getting ordered to smile.
Kung tutuusin ay lagi ngang ngumingisi itong si Aku. Lalo na kapag nangaasar siya o may binabalak siyang kasamaan.
"Fine! Just be yourself" I heard the director sigh as he said this. Which is a good idea if you ask me. Dahil nang bumalik sa pagiging seryoso si Aku at mariin na tinitigan lamang ang camera ay nakarinig ako ng mahihinang tili sa aking paligid.
BINABASA MO ANG
Man in Moon
Фэнтези√ Sol √ Young Sol Esguerra found herself dangling at the edge of the underworld on the night of April 21st. Out of desperation and naiveness, she silently wished to the moon that she may live a little longer. Luckily, somebody heard her. Thus, 15...