Chapter 04: Vylant Augen

156 47 59
                                    

I'm staring at his almost perfect, angelic face. I didn't notice it before but he has a perfect jawline, long lashes, thick eyebrows and pinkish lips. He has these aristocratic features that are rarely seen in this generation. Grabe! Mas maganda pa yata sa akin ang lalaking ito.

Lalaki ba talaga 'to?

He's the type of person whom you would instantly notice in a very crowded place. The type of guy who definitely stands out and unconciously steal everyone’s attention.

Napailing ako sa naisip ko. Matapos ang nangyari kanina at nang nakahuma ako mula sa pagkagulat, tinayo ko siya’t inalalayan papuntang condo. I'm not evil enough to just leave him there, lying on the middle of the street.

Hirap na hirap pa ako dahil mabigat siya. Pagkapasok namin sa loob ng building ay pinagtitinginan kami ng mga tao dahil sa duguan at walang malay itong lalaking akay ko.
Someone offered me assistance ngunit tinanggihan ko lang ito at sinabing kaya ko nang mag-isa. Sinabi ko na lang na kaya siya duguan dahil nakipagsapakan siya sa kung saan. Hindi na rin naman sila nangulit.

Nasa 17th floor pa iyong condo ko. Pagdating naming do’n, ihiniga ko siya agad sa kama at naligo nang mabilisan. I was covered in sweat and I didn’t like it.

I just finished taking a bath and here I am, staring at him like an idiot. His face is quite fascinating for my eyes. Napatingin ako sa sugat niya sa ulo kung saan may umaagos pa ring masaganang dugo. Kailangan kong bumili ng pang-disinfect ng mga sugat niya. Nagsuot lamang ako ng jacket at lumabas na ng condo. Mabuti na lang at may malapit na pharmacy dito. I think it's just two blocks away.

Papunta roon, nadaanan ko ulit ang kalye kung saan bumagsak iyong lalaki. Napatigil ako dala na naman nang pagkagulat.

Parang walang nangyari. The crack created by the fall disappeared. Bumalik sa dati iyong daan na para bang guni-guni ko lang lahat ang nangyari kanina. But I know it's not. The guy is in my condo unit this very instant. He's real.

Come to think of it, sa sobrang lakas noong impact ng pagkahulog niya, wala man lang mga taong nagsipuntahan o naki-tsismis at naki-usyoso. Imposibleng hindi nila narinig o naramdaman man lang ang nangyari. It should have been a big commotion. Napakalakas noon!

Bakit? Tangina, lahat yata ay hindi ko na maintindihan. Gulong-gulo na ang isip ko. Balak ba talaga niyang sirain nang tuluyan ang utak ko?

Instead of thinking further into it, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad papunta sa pharmacy. I checked my wrist watch. It's already eight o'clock in the evening. Anong oras na pero wala pa akong kain. I can already feel my stomach grumbling. I decided to also buy food for dinner after I went to the pharmacy.

Hinahanda na ng pharmacist ang mga binili ko at hinihintay ko na lang ang mga ‘yon. Nag-iisip din ako kung ano ang masarap kainin ngayong gabi. And I'm also thinking if I should buy food for him too. Should I? I mean, will he even wake up tonight? Sa lagay niya, mukhang hindi pa yata. Huwag na lang muna kaya? Baka mapanis lang ang pagkain. Sayang ang pera.

"Excuse me, Miss?" Tawag ng isang lalaki sa tabi ko. Kapapasok niya lamang sa pharmacy.

"Bakit?" Walang ganang tanong ko rito. I don't even know the guy so I expected he'll flirt with me or something. That's what guys always do whenever I'm alone.

"Ikaw si Heavenly, ‘di ba? Heavenly Salazar? Kaibigan ni Colleen Garcia?"

I looked at the stranger with my forehead creased. Bakit ako kilala nito? Kilala rin niya si Colleen. Is he from our university? Hindi pamilyar sa akin ang mukha niya.

Emerald EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon