Chapter 12: Mind Link

103 42 32
                                    

"Vyl?!" Nasigaw ko ito ng malakas kaya napatingin na naman silang lahat sa akin. Fuck. I look crazy.

"Ven, you're acting weird," sabi ni Rain. Pansin kong nag-aalalang nakatingin sa akin si Colleen kaya napa-iwas ako ng tingin at napayuko. Napatulala ako sa kawalan.

Fuck. Not again. Not these stares again.

"S-Sorry. Excuse me for a moment," paalam ko at nagpunta ng cr. Pumasok ako sa isang cubicle at doon napahinga ng malalim.

"Vyl?" Sinabi ko iyon sa isip ko.

"Finally you answered."

Napasabunot ako sa sarili ko nang marinig na sumagot nga siya sa aking isipan.

"What the fuck is going on?! You're scaring me!"

Sinabi ko ngunit sa isip pa rin. Mukhang sa isip lang kami magkakarinigan. Ano na naman ba ang nangyayari?

"Calm down. I'll explain when you get home. Where are you anyway? Look at the time."

Napatingin naman ako agad sa orasan. Alas nuwebe na pala. Hindi ko napansin. Ayoko na rin namang kumain kaya napagpasyahan kong umuwi na lang. Nawalan na ako ng gana dahil sa kaniya.

"I ate outside. I'm coming home now."

Sagot ko at lumabas na ng cr. Hindi na rin naman siya nagsalita ulit. Pagdating ko sa table namin, inabot ko agad ang bag ko at nagpaalam na kahit marami pang pagkain ang nakahain sa lamesa.

"Guys, mauuna na ako. May kailangan akong asikasuhin," sabi ko na lamang.

"Are you sure you're okay, Ven?" Paninigurado ni Colleen at tinanguan ko lang siya habang nakangiti.

"I'll give you a ride," sabi ni Rain at tumayo agad sa kaniyang upuan. Dali-dali naman akong tumanggi sa alok niya. I can also see Colleen staring and I don't want my friend to be hurt.

"No, it's okay. I can manage."

"Ven, sa tingin ko mas maganda kung ihahatid ka niya. Babae ka pa naman. Delikado na rin ngayon kasi gabi na," pangungulit naman ni Tyrone. I appreciate their concern but I really don't want to. It's not like it's my first time going home late.

"I'll just call a taxi. Really, I'm okay." I assured them.

"Make sure you get home safely, Colleen," sabi ko at dali-dali nang umalis at lumabas ng restaurant. Narinig ko pang tinatawag nila ang pangalan ko ngunit hindi ko na sila nilingon. Buti na lang at marami pang taxi ang dumadaan kaya nakasakay naman ako agad.

"Where are you?"

I jumped on my seat when I heard his voice again inside my mind. Buwiset, nakakagulat!

"Will you stop that?!"

My palms curled into fists when I heard his amused laugh. Tuwang-tuwa siya sa pinanggagagawa niya. Do I sound like I'm happy?

"You'll get used to it. So, where are you?"

Ano daw? I'll get used to it? Lagi-lagi na niya akong kakausapin sa isip ko?!

"Nasa taxi na. Patience please," I said with sarcasm. Napaka bossy ng lalaking 'to.

"This is your first time coming home this late."

"You're acting like my dad."

I answered sarcastically. Naiinis na rin ako sa mga reklamo niya. My parents are  not even that strict. Why is he being like that?

Emerald EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon