Chapter 33: Barrow Beast

33 9 0
                                    

Little stray branches broke as I stepped on them, together with dry crispy leaves scattered all around the forest floor. I gripped Vyl's hand more tightly when thick grayish mist started surrounding us, adding more creepiness to the place. Obviously, this is not the kind of forest I'm fond of.

Madilim na kaya hindi ko na gaanong maaninag ang nadadaanan ko kaya naman ay ilang beses akong natatapilok sa mga ligaw na bato. Mabuti na lang at nakahawak ako sa kamay ni Vyl kaya hindi ako tuluyang nadadapa.

Ilang minuto pa lang kaming naglalakad ngunit paglingon ko sa likod, hindi ko na makita ang daan palabas ng gubat na ito. The way back completely disappeared and was replaced with more of these towering dark trees. Their trunks almost look like burnt coal.

I kept on glancing sideways, being drawn too much by curiosity. I see birds as black as raven flying to and fro. One had stopped on one of the branches to stare at us with its deep red eyes. Iniwas ko ang paningin dito nang biglang tumaas ang aking balahibo dahil sa pula nitong mga mata. Ngunit agad akong naantala sa paglalakad at napahawak sa ilong ko ng may maamoy akong kakaiba.

"Guys, do you smell that?" My nose twitched when a strong smell of putrefaction hung in the air around us. Napansin na rin nila iyon at agad ring napangiwi sa masansang na amoy.

"It smelled rotten. What the heck is this?" Sambit ni unan na kasalukuyang nakahawak na rin sa kaniyang ilong at napapangiwi.

They started searching where the rotten smell came from. Nakatakip lang ang isang kamay ko sa aking ilong habang ang isa ay nakahawak pa rin kay Vyl.

Napatalon ako sa gulat ng isa-isang umingay ang mga kulay itim na ibon na nakapatong sa mga sanga ng puno. The continuous flaps and flutters of their wings added to the noise they make. Iritado akong napapapikit dahil sa malakas na ingay.

"What's going on?!" Inis kong sigaw. My companions' expressions are also confused so I was not expecting any answer from them.

After a few seconds, the loud noise from the birds died out and it was replaced with silence. Hindi maganda ang pakiramdam ko rito. It's like they're giving us a warning that something is coming.

As if giving confirmation to my thoughts, Vyl spoke. "I think I know what this is."

Kabado akong nakatingin sa kaniya. He immediately grabbed my hand na hindi ko napansin ay nakabitaw na pala sa pagkakahawak sa kaniya dahil sa nakakabinging ingay kanina.

Pumunta sa harap ko sina Zy at Pillow at tumabi kay Vyl na para bang itinatago nila ako sa likod nila.

"Willow, if anything bad happens, run away with Ven."

"Copy," diretsong sagot ni unan kay Vyl habang nakatingin sa harap.

I was actually shocked when I didn't hear any complaints from her. She immediately agreed. 

"Can somebody tell me what's happening?" I asked irritatedly.

I can almost feel my limbs shaking with nervousness. Kahit malamig ay namamasa sa pawis ang aking mga palad. They should at least tell me something so I could be aware of what's coming.

"In this situation, you might prefer not knowing."

Napapadyak ako sa inis at ipinukol ng masamang tingin si Vylant. Do I look like someone who would prefer ignorance than being aware?! Of course not!

"Tell. Me."

Vyl sighed frustratedly. Hindi siya lumilingon sa akin dahil alam niyang iritadong mukha ang bubungad sa kaniya.

"It appears that we have stumbled upon the domain of a Barrow Beast."

I have encountered again an unfamiliar term. "What's a Barrow Beast?"

Emerald EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon