Chapter 26: Knife And Blood

63 14 0
                                    

Dali-daling tumakbo si Vyl papasok ulit sa event hall ng marinig ang kakila-kilabot na sigaw ng isang babae. Siyempre, sumunod ako agad sa kaniya. Pagpasok namin sa loob ay nagkumpulan na ang nagtatakang mga tao sa tapat ng main entrance ng event hall.

Naabutan namin doon si Zy na pinapakalma ang isang tagapag-silbi na kasalukuyang nakaupo sa lapag na namumutla at nakatulala na lang sa kawalan. Bahagya pang nanginginig ang kaniyang buong katawan.

What the hell happened?

Lumapit si Vyl upang tanungin kung ano'ng nangyari.

"She was shouting hysterically while barging in from the main entrance. I've been asking her what happened but she won't talk," paliwanag ni Zy na nakaupo na rin sa may lapag upang magka level sila ng tagapag-silbi.

Pillow is standing beside us looking so worried too. Iginala ko ang aking tingin sa paligid at may napansin.

"Where's King Reynaldi?" Hindi kasi siya mahagilap ng aking mga mata.

"He said he was tired so he wants to take a rest. Elliya is with him." Zy was the one who answered my question. And because of what he said, the maid jumped a little. It was like she just woke up from a deep trance.

Takot na nilingon-lingon kami ng kaniyang mga mata. When she noticed that Zy was just meters away from her, she desperately grabbed his arm. Nagtataka kaming inaantay ang gusto niyang sabihin.

"Th-The king... the k-king is..." Hindi niya matapos ang gusto niyang sabihin dahil sa matinding panginginig, bakas ang takot sa kaniyang mukha. Parang nangangapa pa siya ng mga salita at sa tingin ko, hindi siya makapaniwala sa kung ano man ang kaniyang nakita.

"What? What happened to the king?" Pansin kong medyo naiinis na rin si Zy dahil tumataas na ang tono ng kaniyang boses. Pinapakaba kami ng todo nitong tagapag-silbi.

Bago pa man siya makasagot, kumaripas na ng takbo si Vyl palabas ng event hall.

"Vyl?!"

Agad naman akong sumunod sa kaniya ng hindi niya pinansin ang aking pagtawag. Ang bilis niya tumakbo but I somehow managed to keep up. Naririnig ko rin ang yabag ng iba na sumusunod na rin sa amin. Ilang pasilyo pa ang aming nilikuan bago huminto si Vyl sa tapat ng isang double door. Hingal akong huminto sa tabi niya. I looked at him and was about to say something but stopped when I saw his expression. It's a mixture of dread, fear, nervousness at marami pang iba na hindi ko na matukoy. Pati ako ay kinakabahan na sa nangyayari.

He slowly opened the door. I clutched tightly at my gown, preparing myself to what will happen.

The moment we saw what's inside, I felt all the colors of my face fled in an instant. Ganoon na lamang ang panlalamig na naramdaman ko ng makita kung ano ang nasa loob.

King Reynaldi.

Knife.

Blood.

And Elliya.

Rinig ang nakakatindig-balahibong hikbi ni Elliya mula sa loob ng madilim na silid. Isang luha ang tumulo mula sa aking mata na aking isinawalang-bahala na lamang.

Nakahandusay ang walang buhay na katawan ng hari sa malamig na sahig. May kutsilyong nakatarak sa mismong dibdib nito kung saan umaagos ang malapot at masaganang kulay pulang likido.

Nang ibaling ko ang aking tingin kay Elliya, puno ng dugo ang kaniyang mga kamay at may iilang bahid din ang kaniyang damit na malamang ay tumalsik galing sa bangkay ng hari.

Tulala lang akong nakatingin dito. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Unti-unti na ring nanginginig ang aking mga kamay.

Mula sa aking tabi ay humakbang papasok sa loob ng silid si Vyl. Dahan-dahan ito na para bang wala sa sarili. Ngayon lang ata napansin ni Elliya ang aming presensya kaya tumingala ito mula sa pagkakayuko at napaawang ang labi ng makita kami ni Vyl.

Emerald EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon