Chapter 25: Moonless Sky

57 12 6
                                    

"Ouch."

Napadaing ako sa sakit ng mahila ang aking buhok.

"I'm very sorry, Miss," she nervously said.

"No, it's okay." I gave the maid a small smile so she can continue her work.

Kasalukuyan akong nasa loob ng aking silid at inaayusan ng mga tagapag-silbi. It's exactly two hours away before the start of the Windel where I will be formally welcomed and introduced here in Pluvilia. Buong araw kahapon, puro preparations lang sa Windel ang kanilang inatupag kaya hindi kami nakapag tour ni Vyl sa ibang lugar. Vyl and Zy are busy handling the preparations. Buong araw lang akong nasa loob ng kuwarto, hinaharot si Klyne at dinadalhan lang ng pagkain ng mga tagapag-silbi.

"Be careful with her," rinig kong pagsaway ni Elliya sa tagapag-silbi na nag-aayos ng aking buhok.

Elliya is applying make-up on my face while two other maids are doing my hair. Si Vyl ang nagpadala sa kanila rito dahil kailangan daw akong ayusan para sa gaganaping Windel. He specially requested Elliya for me to be comfortable and all. Siya ang nangunguna sa pag-aayos sa akin.

Kanina pa nila ako inaayusan. Nangangati na nga ang anit ko dahil sa kung anong pinaglalagay ng dalawang tagapag-silbi sa buhok ko. Si Elliya naman ay inuunti-unti ang pag-apply sa akin ng make-up.

Naramdaman kong hinihimas-himas ni Klyne ang kaniyang katawan sa may binti ko. I giggled because it tickles a little. Agad akong sinaway ni Elliya kasi baka lumampas daw ang make-up. Kanina ko pa gustong harutin itong si Klyne ngunit hindi ko magawa dahil nga kanina pa nila ako inaayusan.

Sabi nila sa akin, lahat ng mga prominenteng pamilya sa buong mundo ng Pluvilia ay dadalo sa gaganaping Windel. Naroon na rin ang mga pamilya ng mga officials ng kaharian katulad na lamang ng pamilya Veillar. I should look extra presentable today kaya todo effort sila sa pag-aayos sa akin.

My long, midnight gown dress that reflects the beauty of a starry night sky is currently lying on my bed. I was amazed when I first saw it being carried by one of the maids. Ang sabi nila, personal na pinagawa raw talaga ito sa akin ni Vyl. Siymepre nagulat ako dahil noong isang araw lang naman namin napag-usapan na may gaganaping party tapos may gown na agad na nakahanda specifically para sa akin.

Perks of having magic, huh?

The long gown has the color of the galaxy in its midnight-colored view with thousands of twinkling star designs. Parang nasa kalawakan ka kapag tinitigan mo ito. Different small white gems are also present on the linings of the gown. May parang pa cross na design ito sa dibdib at itatali sa bandang leeg ko, revealing my cleavage a little.

When they're finally done with my hair and make-up, they made me wear the long gown. Tinulungan pa nila ako dahil medyo nahihirapan ako sa pag suot. Ganito na yata talaga ako sa lahat ng isusuot kong damit dito sa mundong ito.

After finally wearing it right, the look of both satisfaction and amazement can be seen clearly in their eyes. They even made me twirl and the dress shone with my movement. They quietly clapped their hands for successfully making me presentable tonight. Ngumiti na lang ako sa kanila para naman magmukhang hindi sayang ang kanilang effort.

Because of this look, I will definitely stand out in the crowd. Sa gown pa lang, kabog na.

"Don't move too much, okay? It'll be messy if your Collorrete will smudge," pagpapaalala sa akin ni Elliya. She's very gentle and kind, the reason why I feel comfortable around her. Masiyado rin siyang maasikaso sa akin kaya siguro siya ang napag-utusan ni Vyl na manguna sa pag-ayos sa akin ngayong Windel.

Emerald EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon