Chapter 24: Illusionary Creature

44 13 0
                                    

The little girl kept pulling me until we entered the woods. Mga nagtataasang damo at halaman ang bumungad sa amin kaya medyo nahirapan akong humakbang ngunit nakita kong parang wala lang ito sa bata. Tuloy-tuloy lang siya sa paghakbang na para bang hindi alintana ang mga nagtataasang damo.

"Where are we going?" Kunot-noong tanong ko nang mapansing malayo na ang aming napuntahan. The little girl didn't answer and I'm starting to feel nervous because of it.

After a few more seconds of walking, we stopped in a small clearing in the middle of the woods. The girl looked at me and pointed something above the trees. Tumingala ako at may nakitang parang sapatos na nakasabit sa isa sa mga sanga ng puno. Napaawang ang labi ko sabay tingin ulit sa bata. Ngayon ko lang napansin na wala pala siyang suot na sapatos sa isang paa.

"Who did this? Why is your shoe up there?" Instead of answering, she just shook her head and bit her fingers. Bakit ayaw magsalita nito?

I bended down to check her shoeless foot. Baka kasi may sugat o gasgas dahil sa paglakad namin dito sa kakahuyan. Mabuti na lang at wala. Madumi nga lang ito. I stood straight and thought of a way to get her shoe from one of the branches.

Kumuha ako ng bato sa paligid at buong puwersang hinagis ito papunta sa direksyon ng nakasabit na sapatos. But I freaking missed. Agad akong kumuha ulit ng isa pang bato at hinagis ulit ngunit hindi ko na naman ito natamaan.

Ilang beses ko pa itong ginawa hanggang sa mapagod dahil ganoon pa rin ang resulta. I heaved a frustrated sigh and looked around me again hoping to find something useful. But my eyes landed at the little girl again. Malungkot siyang nakatingin sa akin dahil nakikita niyang nahihirapan akong kunin ang sapatos niya.

I gave her a small smile. "It's okay. I promise I'll get it for you."

Nagpatuloy ako sa paghahanap ngunit hindi maalis sa aking isipan kung bakit napunta ang kaniyang sapatos doon. Was she bullied? Napag tripan ng ibang bata? Ayaw naman kasi niyang magsalita kapag tinatanong. Napailing na lang ako.

Dumako ang tingin ko sa isang sanga na pakalat-kalat sa damuhan. Pinulot ko ito. I'll try throwing this. Maybe it'll work.

After trying a few times, finally! Naalog ang sanga na kinalalagyan ng sapatos. One more throw and it'll fall off. Buong lakas kong itinapon ulit ang maliit na sanga at napatili ako sa tuwa ng matamaan ko ang sapatos. The shoe fell off from the tree and I ran towards it immediately.

"Yes!"

Napasigaw ako sa isip ko sa tuwa ng makuha ko na ito.

"What?"

Napatigil ako ng marinig ang nagtatakang boses ni Vyl sa aking isipan.

"What do you mean yes? Shit! Ven, where the hell are you?!"

I must have accidentally delivered my 'yes' to Vyl. Narinig niya tuloy. He sounded like he's panicking so he must've just noticed that I've wondered around somewhere out of his sight.

"I'm in the woods, Vyl. A little girl asked me for help--"

"What?! Woods?! Ven, get the fuck out of there now!"

He sounded so frustrated that made me feel nervous. Ano bang problema niya?

"I told you, a little girl asked me for help. Her shoe was--"

Natigil ako sa pagsalita dahil paglingon ko sa bata ay wala na siya dito. I looked around and she's nowhere to be found. Where is she?

"Ven? Ven?!"

Emerald EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon