Chapter 17: Dark Silhouette

85 32 5
                                    

"V-Vyl help."

Kahit na nahihirapan, pinilit ko ang sarili na tumayo. Napadako ang tingin ko sa malaking butas sa lupa na ginawa ng pagsabog. I could feel my whole body shaking. I have scratches on my arms which are currently bleeding because of the explosion. I'm being targeted again.

Agad na hinanap ng mga mata ko kung saan tumalsik si Rain at nakitang nakahiga siya sa may puno na hindi kalayuan sa kinaroroonan ko. He was also having a hard time getting up from the ground. Kahit nanghihina ay pumunta ako sa kaniya.

"Hey, you okay?" Sabi ko at inalalayan siyang tumayo. Hindi ko agad napansin ang pulang mainit na likidong dumadaloy sa kaliwang parte ng kaniyang mukha. Napuruhan ang ulo niya at napamura na lamang ako dahil pagtingin ko sa paligid, may ibang taong naapektuhan din ng pagsabog.

"W-What the hell happened?" Nahihirapan niyang tanong habang akay-akay ko siya at nagmamadaling umalis sa puwesto namin.

"I don't know either."

Bigla akong napatigil sa paglakad ng may maramdaman akong malamig na hangin sa aking batok. Parang may mabilis na bagay na dumaan sa espasyo sa pagitan ng batok at buhok ko. Sa sobrang bilis ay tila hinangin nito ang mahaba kong buhok.

Mukhang nakita rin ito ni Rain dahil kahit siya ay napatigil at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kabilang gilid ko. Mabilis akong napabaling sa tinitingnan niya at napasinghap. There I saw, currently stuck on one of the trees again, a familiar small knife. It has the same design like the knife thrown at me the day we went to the amusement park.

Agad akong namutla. Whoever is attacking me right now, is the same one who attacked me last time. He even went out of his way to create a commotion inside the university grounds.

Naagaw ng pansin ko ang mabagal na pagtaas ng kabilang kamay ni Rain at parang may itinuturo sa harapan. Base sa kaniyang ekspresyon ay pinaghalong takot at kaba ang kaniyang nararamdaman ngayon.

I slowly looked at the thing he's pointing in front. Pakiramdam ko ay tuluyan ng tinakasan ng lahat ng kulay ang aking mukha. Tuluyan na ring nilukob ng takot ang aking buong sistema.

In front, just a few meters away from us, we saw a dark silhouette of a person, a guy to be exact, standing still and looking exactly right at us. I can't see his face but I know he's looking at our direction. Para kaming pinako sa aming kinatatayuan dahil hindi na kami muling nakahakbang pa.

Nakatitig lang kami sa itim na bulto ng lalaking nakatayo hindi kalayuan sa amin. Unti-unti nitong itinaas ang kanang kamay at itinutok ang palad niya sa amin ni Rain. I hitched my breath as I nervously wait for his next move.

May nakita akong ilaw na unti-unting namumuo sa kaniyang palad. From a small circle of light, it's getting bigger and bigger until it became the same size of his head. Gumalaw ng kaunti ang kaniyang ulo patagilid, at bago pa man kami makapag-isip ng kailangan naming gawin, may isang bola na ng ilaw ang bumubulusok papunta sa aming direksyon.

Wala akong ibang nagawa kundi pumikit at sumigaw na lamang. Nakayuko kong hinihintay ang malaking bagay na tatama sa amin na baka magiging kamatayan ko na.

Ngunit ilang segundo na ang nakaraan, wala akong naramdamang kahit ano. Walang tumama.

I slowly opened my eyes and to my surprise, I saw the familiar green hair that I've grown so fond with kissed beautifully by the sunlight. I am faced with his sturdy back and his right palm is currently stopping the circle of light that was coming at us just a few seconds ago.

"Are you okay?!" Worry can be heard obviously in his tone. My eyes landed on his glowing emerald iris that is currently looking at me. I'm lost in words and was unable to say anything so I just slowly nodded my head.

Emerald EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon