Chapter 09: The Connection

111 43 20
                                    

"They already know I'm here."

Napakunot ang noo ko sa kaniyang sinabi. "Who? What do you mean?"

Hindi siya sumagot sa tanong at nanatiling nakahiga lamang ang kaniyang ulo sa aking balikat. I kept massaging his hair, thinking it will calm him down. I think he likes it kasi mas lalo siyang dumikit sa akin.

Ilang minuto rin kaming nasa ganoong posisyon. I looked at my wrist watch, maga-ala sais na pala. Tiningnan ko si Vyl at nakapikit na siya. Nakatulog yata. I tried waking him up by gently tapping his shoulder.

"Hey." Ginalaw ko na rin ang aking balikat kung saan siya nakahiga. "Vyl, wake up."

"Hmm..." He moved a bit while groaning then he slowly opened his eyes. His eyes looked really tired. He was so energetic just a while ago.

"Anong nararamdaman mo?"

Ilang beses pa siyang pumikit-pikit bago sumagot sa aking tanong. "I'm okay now." Sabi niya sabay bangon sa pagkakahiga sa akin. "I'm sorry I slept on your shoulder."

Binigyan ko lang siya ng isang tipid na ngiti. "Dinadaganan mo nga ako kagabi tapos magso-sorry ka ngayon?" I joked to lighten the mood. I'm actually worried about him.

Napangisi naman siya sa sinabi ko at napailing. He stood up to stretch his limbs. He even massaged his head.

"Can you tell me what happened? Bakit biglang sumakit ang ulo mo?"

"I'll tell you later." Napatango na lang ako bago tumayo na rin. Humugot ako ng isang malalim na hininga. "Let's go home. It's getting dark."

Yaya ko sa kaniya. Pumayag naman siya agad at lumabas na kami ng mall. We called a taxi at sinabi na sa Ton Hall Condominiums.

Napansin kong tahimik lang si Vyl buong biyahe. Malayong-malayo sa sigla niya kaninang umaga noong papunta pa lamang kami sa mall. He looks like he's deep in thought while looking out the window. Hindi ko na lang muna siya pinansin at tumanaw na lang din sa bintana.

Nakarating na kami sa harap ng condominium but Vyl is still not himself yet. He still looks off. I'm not that dense. I know that what happenerd earlier must have something to do with his world.

I looked around and remembered that there's a park nearby. It's a good place to clear your mind. Naisipan ko siyang yayain doon.

"Hey," I said and nudged his shoulders upang magising siya mula sa pagkatulala. Napatingin naman siya sa akin. "Maglakad-lakad muna tayo doon sa may park. Loosen up a bit."

Sabi ko ng may isang malaking ngiti. He didn't say anything but just looked at the direction where I'm pointing at then looked at the sky. Napatingin din tuloy ako sa kalangitan.

"It's already dark, Ven."

"So?" I asked confusedly. Alam kong gabi na but what's wrong? "Ano ngayon kung gabi na?"

"The moon is already out." Napataas ang isang kilay ko sa kaniya at napatingin sa buwan. It's only a crescent moon tonight but it still looks beautiful.

"What's wrong with the moon? You don't like it?" Sabi ko ng nakakunot ang noo sa kaniya. He's acting weird. "Come on, Vyl. Just for a bit."

Bumuntong-hininga siya na parang sumusuko. Ang laki ng naging ngiti ko at hinila na siya papunta sa park na malapit lang dito sa condo.

This park is big kasi puwede kang mag jogging dito. Mayroon pa rin ang gusto mag jogging ng ganitong oras kaya medyo may iilan kaming nakakasalubong ni Vyl. Napaka sariwa ng hangin dito dahil maraming mga puno at halaman. It feels very relaxing.

Emerald EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon