Chapter 28: Song Of Realization

53 10 3
                                    


The Enchantress gestured for me to follow her. Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo at kinarga si Klyne bago sumunod sa kaniya.

"I'm sorry,"

Vylant said through mind link that made my forehead creased. Hindi niya naman kailangan humingi ng tawad tungkol dito. Hindi niya naman kasalanan na mabilis akong mapagod.

Hindi ko na lang siya sinagot at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad habang sinusundan ang Enchantress. Umakyat kami sa ikalawang palapag kung saan maraming pintuan ang mga nakahilera. May mga naglalakihang bintana rin na makikita dito kaya natatanaw ko ang mga nagliliparang mga alitaptap sa labas.

She went inside the second door so I followed her. It's an average-sized bedroom. Isang kama, isang lamesa at isang upuan lang ang makikitang gamit dito.

"Come sit," sabi niya sabay tapik sa taas ng kama. Nauna na siyang maupo roon kaya sumunod na ako. Klyne immediately jumped to the soft bed to lie down. The Enchantress was waiting for me to be comfortable. I think she wants to talk to me about something.

Naninibago pa rin ako sa kaniya at hindi ko magawang tumitig nang matagal dahil sa taglay niyang kakaibang kagandahan. My eyes are having a hard time to adjust to her beauty.

It's like she knows what I'm thinking so she flashed me a smile.

"You were very brave for agreeing to come here," sabi niya pagkaupong-pagkaupo ko sa kama.

Ngumiti na lamang ako. All Pluvenians look at me like I'm their savior or something when in fact I'm just someone who will be used in the process. Ang totoong magliligtas sa kanila ay walang iba kundi ang kanilang unang prinsipe. Kailangan lang ako para mahanap iyong bato na makakapag bura ng aming koneksyon sa isa't isa.

"I want to ask you something," the Enchantress continued.

"Yes?" Ginawa ko ang makakaya kong hindi mailang sa pagtingin sa halos perpekto niyang mukha.

"Are you prepared for what's going to happen after you're unbounded?"

Agad napakunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. "Umm... I t-think I am?"

Now, I'm not quite sure. After all this, I'll get back to my world, right? Pagkatapos nito, babalik sa normal ang aking pamumuhay. Wala na ang mga senaryong lagi kong nakikita at ang puno't dulo ng pagkagulo ng aking buhay. Wala ng lalaking taga-ibang mundo na may kulay berdeng mata ang mangungulit sa akin araw-araw. Wala ng Vyl. Babalik ang lahat sa dati.

"I need to be, right?" Mahina kong dagdag.

I haven't really thought about this before. Dati, gusto ko lang naman bumalik sa pagiging normal pero hindi ko naman akalain na ganito kalalim ang kuwento sa likod ng mga senaryong iyon. Hindi ko naman akalain na may lalaking taga-ibang mundo ang susunduin at mangangailangan ng aking tulong. Hindi ko naman akalain na may koneksyon pala kami. At higit sa lahat, hindi ko naman akalain na mapapalapit ako sa kaniya at masasaktan kapag iniisip kong mawawala na siya sa tabi ko sa susunod na mga araw.

The Enchantress touched my hand and gave me a comforting smile. She looks like she knows that pain that I'm currently feeling.

"You should rest," sabi niya sabay tayo sa kama. She made me lie down and tucked me on the bed like how my mother used to do when I was still a child. Hindi ko nagawang umangal nang gawin niya iyon. Her movements are so gentle and precise that makes you want to stare at her the whole day.

Klyne snuggled closer to me. When the Enchantress thinks that I'm comfortable enough, she left the room and closed the door softly.

Silence filled the room and tiredness immediately crept up to my system. So after a few seconds of staring at the ceiling, I dozed off to sleep.


Emerald EyesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon