Chapter One

84 2 0
                                    

Isang oras bago ang itinakdang oras ay narito na ako sa opisina kung saan papasok bilang office staff.

Bachelor of Science in Vulcanizing Work major in Metal and Bottle management ang tinapos ko and isa ako magna cum laude and saka best in practicum pa ako.

Maraming nag-approach sa aking mga may-ari ng mga kompanya na gusto nila akong kunin.

Meron din sa international, tawag nga ng tawag sa mamahalin kong phone na di maafford ng karamihan.



Joke lang hahahaha.

Galing no? hahahaha aliwin muna ang sarili habang hinihintay ko ang Miss sa reception para sa papel na nafill-up ko kanina
tatawagin daw ako para kung saan ako iaassign na department.

Computer Secretarial na two year course ang natapos ko sa isang paaralang hindi gaanong kilala pero suportado ng munisipyo namin tapos may training din ako sa office work na organize ng aming paaralan na kapartner ang ilang negosyo at munisipyo namin. Kaya siguro nakapasok ako sa sikat na company na ito pero thankful ako dahil at least makakaalis na ako sa inuupahan kung napakaliit na kuwarto.

"Mr. Erese"tawag noong babae sa akin.

Tumayo naman ako para puntahan siya.

"Punta ka sa Marketing department hanapin mo si Miss Josephine huh tapos siya na magsasabi ng trabaho na gagawin mo"wika niya sa akin.

"Salamat po mam"binalikan ko ang mga gamit ko sa inupuan ko at saka na pumasok sa loob.

Sana okay ang lahat, sana okay ang lahat....

Nasa pinto na ako ng Marketing Department kumatok muna ako bago pumasok sa loob at doon.

"Yes"grabe si ateng taray charot.

"Good morning po mam hinahanap ko po si Miss Josephine" inabot ko sa kanya ang letter na nakuha ko mula sa email na pinadala sa akin.

"Ah ikaw pala yung bagong hire na office staff."binaba niya ang sulat at tumingin sa akin "upo ka muna parating pa lang si Miss Josephine hintayin mo siya kasi magsasabi ng mga gagawin mo."

"Thank you po"umupo naman ako.

Habang naghihintay kinuha ko ang phone ko na may goma na siyang yumayakap para di maghiwalay sobrang hi-tech kasi at bagong-bago.

Nasaan na kaya sina Mika at Tammy?
Kasabay ko silang nag-apply sa kung saan-saan kasama na dito kaso mukhang ako lang ata natanggap dito.

Nagtext na lamang ako sa kanila para kumustahin sila sana matanggap din sila dito o kaya kung saan para sabay-sabay na kaming magkatrabaho.

"Benny yung bayad sa upa at bayad natin sa tubig at kuryente ah wag kalimutan this week na ang bayaran" si Aling Elena.

"At saka nga pala medyo tumaas ang kuryente at tubig dagdagan ko ng 300 ang singil sayo huh"dagdag nito, hala siya.

"Eh manang bakit po ganoon eh lagi po akong wala tapos sa gabi nasa trabaho po ako tapos mga tatlo hanggang apat na oras lang po akong natutulog dito at once a week lang ako naglalaba bakit po ako may dagdag sa singil unfair naman po yun."

"Eh anong gagawin ko? At saka ganoon din ang ginawa ko sa ibang naupa dito makisama ka na lang"

Hanggang saan ang tayo?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon