Naze’s POV
This is not the marriage I dreamed.
Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar.
Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang kamay ko.
Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa..
Kabaliktaran ang lahat.This marriage is full of anger and hatred.
At ako ang dahilan sa lahat ng iyon.The man beside me whom I exchange my vows is just forced marry me.
Sabi ni Dad matutunan ko din siyang mahalin. And yes, alam ko yan. Pero hindi ko alam kung kaya niya akong mahalin.
But I had to stay in this marriage. Nangako ako sa harap ng Daddy ko at sa harap ng Diyos. Hindi ako matutulad sa Mama ko na hindi niy kami pinaglaban dahil lang sa rason na nahihirapan na siya. Kahit minsan, hindi ko nakitang sinubukan niyang lumaban kahit man lang sana para sa akin nalang. I will stay no matter how painful it is."Hey! What are you thinking at!? Kanina pa kita kinakausap!!" sigaw ng lalaking nasa harap ko. "Where is my necktie?" tanong niya.
"A-ah, sandali kukunin ko." tumayo ako agad at tinungo ang closet sa kwarto. Kinuha ko ang blue necktie niya. Isusuot ko na sana ito sa kanya pero kinuha niya ito sakin at kusang isinuot.
"Nagpakasal ka para pagsilbihan ako. Wag kang mag feeling senyorita dito." Sermon pa niya habang inaayos ang necktie.
"Ah, so-sorry, napuyat kasi ako kagabi sa pag rereview ng sales sa bo---"
"I don't need your excuses Naze. Kung wala ka din naman palang kwentang asawa umalis kana!" Ouch..masakit yun. Pagkasabi nun’ lumabas na siya ng kwarto. Gusto kong maiyak, gusto kong magwala pero para saan pa. Eh, nasasanay naman na ako. Siguro ito na ang kapalaran ko. Ang maging useless wife sa paningin niya. Pumunta ako sa baba para maglaba nalang at gawin ang gawaing bahay. Medyo hindi naman mahirap linisin kahit malaki ang bahay kasi di naman ganun kakalat at dalawa lang kami dito.
Naglilinis ako ng biglang tumawag si bella. One of my bestfriend. Kakarating lang niya galing Davao kaya nakipagkita ako sa kanya.
"So, how is life of being married?” tanong niya sakin. Nguniti ako kasi hindi ko alam kong ano ba talaga ang isasagot.
"Masaya at mahirap." sagot ko at tipid na ngumiti.
"Sa tingin ko mas pabor ako sa sinabi mong mahirap. I see it in your eyes na hindi ka masaya." hinawakan ni bella ang kamay at siya naman biglang tulo ng luha sa pisngi ko.
"I'm sorry Bella. Siguro, iniisip mong ang tanga ko dahil pinakasalan ko siya. I'm sorry" sabi ko habang pinunas ang luha sa pisnig ko.
"Don't Naze. Kaibigan mo ako at naiintindihan ko kung bakit. Wag mong iisipin na hinuhusgahan kita dahil kahit kaylan alam kong hindi mo ginusto ang nangyari. Pero Naze, minsan kailangan mo din isipin ang sarili mo. Kung hindi mo nakayang lumaban, magpahinga ka Naze. Tapos mag laban ka ulit.ganun lang yun.” Siguro tama nga si Bella. Pahinga, laban, pahinga, laban. Baka yun nga ang routine ng buhay. And I’m very thankful kasi nandito ngayun si bella. Ngumiti ako at niyakap siya.
“Medyo matagaltagal na mula noong gabi ng huli nating pagkikita bilang magkakaibigan. Namimis ko na kayo ng sobra.”
“Baka next time, kailangan din nating tawagan o itext ang iba pang kaibigan natin para makapagbonding.”
“Pero next bonding natin, No more drinks.” Paalala ko ditto at siya naming ikinahalak-hak niya ng malutong.
“So, takot kana sa alak?” pang-aasar pa nito.“No! But off-course after what happened I need to protect myself from now.”
“Ngayon pa! may asawa kana girl. And syempre kapag nagbonding tayo, your husband should be there para bantayan ka. Eh si Benj nga, halos ayaw akong palabasin nun kung wala siya.” Ang saya niya habang nagkwekwento kaya ngumiti nalang ako. Pero napansin niya ata na pilit lang ang ngiti ko.
“Okay Naze, I understand. Pero malay mo naman diba. Magbago ang ihip ng hangin at mapunta sa kanya ang lahat ng Virus ng kabaitan.” Napaka imposible kasi ng iniisip ni Bella kung sasamahan ako nun kapag nagkataon nga bonding naming magkakaibigan. Baka nga lahat sila kasama mga asawa nila at ako lang ang walang kasama. Iniisip ko palang ang bagay na yon, nahihiya na ako sa kanila.
“Sana nga magdilang anghel ka.”Napabuntong hininga naman ako. Sana… hanggang sana kana lang Naze. “Alam mo Bella, maswerte ka. Meron kang Benj sa buhay mo. Noong college nga tayo saksi na ako sa love story niyo. Kaya alam kong kahit anong mangyari hinding-hindi ka iiwan ni Benj.”
“Naze, wag mo naman akong paiyakin oh!” reklamo nito habang maarteng pinupunusan ang luha sa mata. “Pag natanggal tong eyeliner ko dito aa. Ibibili mo ako ng bago.”
“Bella naman ee. Dinga ako naka eyeliner ibibili pa kaya kita.”
“Kasi, kahit wala ka nang eyeliner maganda kana. Pero seryoso Naze. Kung meron akong Benj sa buhay, meron ka namang Jiro, Bella, Krisha, at Randy ee. Andito lang kaming mga kaibigan. One call and we are all be there for you.” Tama naman si Bella ee. Madami pang tao na anjan para sakin. At sobra akong nagpapasalamat dahil dun.
“And thank you, thank you dahil doon. Hindi ko kayo makakalimutan sa buong buhay ko.”
“Let’s go… maglakad-lakad lang muna tayo at uuwi na. malapit na rin kasing gumabi.”
Tumayo na kami ni Bella at tinungo ang mall malapit sa kinainan namin.Napakasaya lang na andito siya ngayon dahil kung hindi baka nakatulog nanaman ako sa bahay ng ganitong oras. At least now, meron akong kausap at nawala muna ang mga iniisip kong problema. Namili naman si Bella ng damit para sa anak niya. May anak na kasi ito ee. Mag one year old narin sa susunod na buwan.
“Ikamusta mo ako sa inaanako ko hah.” Sabi ko sa kanya habang tinitingan ko rin mga toy car nan aka display doon.
“Mmmm, ou naman. Ikaw aa. Excited to have a baby.” Biro pa nito.“Wag ka jan Bella. Tumitingin lang din ako ng pwede kong bilhin para sa anak mo. Early gift ko na din sa birthday niya sa susunod na buwan.” Kinuha ko ang mini toy na kotse-kotse. Hindi naman ito gaanong Malaki. Sakto lang sa one year old boy.
“Ang sweet naman ng ninang ng baby ko.” Natutuwa pa nitong pang-aasar hanggang makarating kami ng cashier.

BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...