Naze's POV
"Vin!" sigaw ko mula sa kusina. "Vin! Please help!" sigaw ko ulit. Sumasakit kasi ang tiyan ko at hindi ako makapaglakad. Tumakbo naman ito pababa ng kwarto at agad akong nilapitan.
"Naze, what happen?" tanong niya. "God, bakit may lumalabas na tubig?" he asked again. Even me, I don't know. Binuhat niya ako at agad na isinakay sa kotse. Pinatakbo niya ito. Habang nasa biyahe kami may tinawagan siya sa cellphone niya.
"Hello, this is Vin Fontivilla. Yes, manganganak na ata siya. Please... Prepare for her. Oh! One more thing doc, please choose your nurses. Ayaw kong may lalaking nurse na aasikaso sa asawa ko. Yes! Okay... We are on our way." nakatingin lang ito sa daan at nababasa ko sa mukha niya ang kaba at pag-aalala. PAG-AALALA? sana...
"Hold on baby. Malapit na tayo..." he said habang inilagay nito ang isang kamay niya sa tiyan ko. Hindi ako matahimik sa upuan ko. Galaw ako ng galaw hanggang sa makarating na kami ng hospital. May mga nurses na sumalobong sakin at inilagay ako sa wheelchair. Maya-maya ay pinunta na ako sa delivery room.
"Vin, please stay..." hinawakan ko ang kamay nito ng mahigpit. Hindi ko alam kung bakit gusto kong dito lang siya sa tabi ko. Natatakot kasi ako. Kinakabahan. Ipinahiga ako sa kama at sinamahan ako ni Vin sa loob ng delivery room. Nasa tabi ko lang siya habang hawak-hawak ang kamay ko.
Tinanggal ng nurse ang underwear kong pang ibaba at pinatihaya ako. Nahihiya ako kaya pinagdikit ko ang mga binti ko."Ma'am please spread your legs. Para makita namin kung nabitak na po ang panubigan niyo." sabi sakin ng isang nurse na babae. Ang guest what, puro lahat babae ang nurse na nandito at may kasamang dalawang doctor.
"Naze, you can do it okay." Mahigpit lang na hinawakan ni Vin ang kamay ko habang nakayuko siya at tila hinihintay ang susunod na pangyayari.
"Mr and Mrs. Fontivilla. Mukhang mahihirapan ka sa panganganak. Nabitak na kasi ang panubigan mo. Pero subukan po natin kung kaya mung iire ang bata. Dahil kung hindi, baka i-cs kanalang namin Mrs. Fontivilla." paliwanag ng doctor. Sobrang sakit na ng tiyan ko. Para akong natatae at parang mahuhulog ang pagkababae ko sa pakiramdam.
"Mrs. Fontivilla, umiri ka lang. Nurse, help her. Push her womb." utos ng doctor. Tinulungan naman nila ako para mailabas ang baby ko. But I can't. Hindi na ako makahinga. Nahihirapan na ako sa paghinga kaya nataranta ang mga doctor.
"Get the oxygen faster." utos nito sa mga nurses.
"What happened? Anong nangyayari sa kanya?" narinig ko ang pagpapanic ni Vin at natataranta.
"Kailangan mo munang lumabas Mr. Fontivilla. Please. We'll be having for operation. Please, go... We are running out of time." natataranta na din si Doctora Suason. Binitawan ni Vin ang kamay ko at lumabas na siya. Humalik pa ito sa noo ko bago lumabas. Hanggang sa naunti-unti ko nang ipinikit ang mga mata ko....please save my baby...
Vin's POV
Kanina pa ako lakad ng lakad dito sa labas ng delivery room. Kinakabahan ako. Huminga ako ng malalim. Gusto kong pumasok sa loob at tingnan kung ano na ang nangyayari sa asawa ko. Umupo ako sa gilid at yumuko ng marinig ko ang boses ni Mama.
"Vin, where is she? Ano na ang lagay niya?" tumayo ako at niyakap siya. Doon ko na namalayan ang pagtulo ng luha ko. Nakita ko rin ang pagdating ni Daddy Paul kasama s iEd at si Daddy Jack.
"I---I don't know Ma, bigla nalang siyang nahirapang huminga. Hi---hindi ko alam kong ano na ang nangyayari sa loob." naiiyak kong sagot kay Mama. Nakita ko naman ang sobrang pag-aalala ni Daddy paul pero kalmado parin itong umupo sa bench sa gilid.
"Come on Vin. Relax. She will be fine okay... "Mama try to comfort me.
"Ma, how could I relax? Hindi ko na nga alam kung anong nangyayari sa loob." halos masuntok ko na ang pintuan ng delivery room para buksan iyon pero pinigalan ako ni Daddy.
"Will you please relax? Alam mo ba na noong pinapanganak ka habang nasa delivery room ang Mama mo, tahimik lang akong nagdadasal sa labas. Praying that you and your Mam will okay." hinawakan ni Dad ang braso ko at pinaupo ako sa gitna nila ni Daddy Paul. Yumuko nalang ako at pilit na kumalma.
Ilang oras pa ang hinintay namin ng biglang bumukas ang delivery room at nakita ko ang paglabas ng mga nurses kasunod doon ay si Doctora Suasan. Agad naman akong tumayo at hinarap siya.
"Mr. Fontivilla, congratulations. You have a new member of the family. His really a cute baby boy." inilabas nila mula sa delivery room ang bata na nakalagay sa mini-basket. Napangiti nalang ako habang tinitingnan ito.
Hindi ko maigalaw ang sarili ko. Dahil oras na gumalaw ako, siguradong babagsak na ang mga luha ko. Pero hindi ko mapigilan. Unti-unti kong tinaas ang kamay ko para hawakan ang pisngi ng baby. Ang pagdapo ng kamay ko sa pisngi kasabay ng pagbagsak ng luha ko.
"Kailangan mo namin siyang dalhin sa nursery Mr. Fontivilla hanggang magising ang Mama niya. Kailangan niya ang breastfeeding para sa paggising niya. Makakabuti yun para sa kalusugan ng bata. Pwede na kayong pumasok sa loob para tingnan si Mrs. Fontivilla. Excuse me." tumango lang ako sa doctor. Pagka alis niya ay pumasok kaming lahat sa delivery room.
Ang daming nakakabit sa katawan niya. Oxygen, dextros...naawa ako sa itsura niya. Napaiyak nalang ako habang nilalakad ang distansiya para maabot ang.mga kamay niya. Hinawakan ko yun hinalikan.
"Babe, please... Wake up." bulong ko habang umiiyak sa mga kamay niya.
"Vin, later maggising rin siya. She just need to rest dahil naoperahan siya. Antayin nalang natin okay..." niyakap ako ni Mama. Paano kung matagal pa bago siya magising o paano kung...hi--no... Magigising siya. Alam ko yun. Magigising siya.
Mel's POV
I saw my son how he cried for Naze. I can see in his eyes the pain. When he saw the baby, alam kong sobra siyang natuwa. Vin is very good in hiding feelings but not when he saw the baby, not when he saw his wife fighting for life.
I am his mother. I can feel when he was hurt. And right now, I can say he is. All I can do as a mother is to be his shadow especially in time like this. It's already 5 pm nung tumayo na si Jack at ayain akong umuwi.
"Vin, kailangan muna naming umuwi ng Mama. Babalik kami bukas to see her. Okay." tumango lang naman ito.
"Paul..." tawag ko sa Daddy ni Naze. "Babalik kami bukas." paalam namin dito.
"Mag iingat kayo sa biyahe." sagot naman niya. Niyakap ko si Vin bago tuluyang lumabas ng kwarto.
Vin's POV
Umuwi na si Mama At Daddy. Halos mag 10 pm na pero andito parin sila Daddy Paul at Ed. Nakita kong nakatitig lang siya sa kawalan na para bang nag-iisip kung ano ang nangyayari.
"Dad" agaw ko ng pansin dito. Lumingon naman ito sakin. "You need to take a rest. Ako na po munang bahala dito."
"Okay lang ba sayo? Eh, talagang kaangan ko din umuwi sana kasi may klase pa itong si Ed bukas." tanong nito.
"It's okay Dad. I'll call you anytime magising si Naze." tumayo na siya at lumapit kay Naze para halikan ito sa noo.
"Wag mo siyang iiwan dito kuya aa." paalala naman ni Ed. Napangiti naman ako sa kanya.
"Off course. Don't worry." lumabas na sila ng kwarto at pinikit ko na rin ang mga mata ko para makakuha ng kahit konting tulog lang.

BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...