Vin's POV
"Noong gabing yun, hinanap namin siya. Halos maikot nanamin ang buong bar pero hindi namin siya nakita. Natatakot kaming sabihin yun kay Tito Paul dahil alam naming magagalit ito at inisip namin ang sakit niya." kasama ko ngayon si Jiro dito sa rooftop ng hospital. Iniwan kasi namin si Naze doon sa kwarto niya kasama ang mga kaibigan nito. Maybe Jiro followed me when I go out in her room.
"At ako ang tumangay sa kanya" sagot ko dito. Lumapit siya sakin.
"Nagsisi kaming lahat. Sabi namin, sana hindi nalang namin siya tinakas kay tito Paul. Sana hindi nangyari ang ganito. Sana hindi ka niya nakilala at sana hindi ka niya minahal. Pero bakit naman sana kung may magandang Pj naman na dumating." ngumiti pa ito at umiling.
"Pj... He is best gift ever happened for me and Naze." I said at tumungga ng konting kape.
"Noong hinanap ni Tito Paul kung sino ang ama ng batang dinadala ni Naze, nalaman niyang anak siya ng may-ari ng V company. Nag-alangan siya para sabihin sayo ang lahat. Kaya lumapit ako kay Naze, inalok ko siya ng kasal at aakuhin ko ang bata. But she refuses. She can't love me back dahil kaibigan lang ang turin niya sakin. Which is I understand." tiningnan ko siya na parang may panghihinayang sa lahat.
"And she loves me for being a stupid and for being worst." may nangingilid na luha sa mata ko kaya tumingala ako para hindi yun bumagsak.
"Alam mo bang gusto kitang pagsusuntukin. You hurt the women I love. Pero hindi ko yun gagawin dahil wala na akong magagawa for loving you instead of me." Jiro just laugh and wipe the tears on his eyes. "Pagkatapos nun, may pumunta sa bahay nila. Sabi ng babae,You are going to merry my son. Nagulat nalang kami sa sinabi niya. Tumawa pa nga kami ee. Sino ba naman kasi ang taong papasok sa bahay nila at uutusan si Naze na pakasalan ang anak niya. Pero dumating si Tito Paul ang sabi niya, hindi. Kaya nagulat nalang kami. Parang kilala siya ni Tito Paul ee."
"Si Mama?" tanong ko. Tumango naman ito kaya napangiti nalang ako na hindi makapaniwala.
"Until we realize na siya pala ang asawa ng may-ari ng V Company. Pero nagpumilit ang mama mo. Hindi niya tinigilan si Tito Paul at Naze."
Flashback...
Jiro's POV
"This is for her own good. The baby needs his Dad. At hindi niyo pwedeng itanggi at itago ang baby sa anak ko." galit na sabi ni madam Mel.
"Hindi namin kailangan ang tulong niyo. Kaya kong buhayin ang magiging apo ko at ang anak ko." ang sagot naman dito ni Tito Paul.
"Pulis ka Paul. Alam kong hinanap mo kung sino ang ama ng apo mo. Alam kong nalaman mo na ang anak ko ang ama. Kaya ba ayaw mo? Kaya ba hindi mo gustong ipakasal ang anak mo dahil iniisip mo parin ang nakaraan? Ang tagal na nun Paul, at ang kailangan natin ang sinasalba natin buhay at buong pamilya ng magiging apo mo, natin!" napabuntong hininga pa si madam Mel sa mga sinabi nito. Aawat na sana si Naze pero pinigil ko siya kaya pinakinggan namin ang buong pag-uusap nila.
"Paano kung hindi nila kayang mahalin ang isat isa Mel? Hah? Ni hindi nga sila magkilala. Gumawa lang sila ng bata pero walang namagitan na pagmamahal dun. Paano kung iwan lang siya ng anak mo hah? Paano?" - Tito Paul
"Gaya ng ginawa ni Zy sayo? Paul, wag mong itulad ang anak ko sa ninang niya. Anong kinalaman ng ninang Zy niya sa mga nangyayari hah? Wala." -Madam Mel.
"Tinulungan mo siyang mangibang bansa para iwan kami ni Naze. Tinulungan mo siyang lumayo sa amin!" -Tito Paul.
"Dahil ang sabi niya lalayo siya para sa anak niya. Para kay Naze, hindi ko naman alam na lalayo siya para pabayaan kayo at kalimutan. Paul, para ito sa anak ko, anak mo, at lalaong lalo na sa magiging apo natin. They can learn to love each other. Matutunan nila yun. At andito tayo para gabayan sila. Para tulungan sila. Para panatilihing buo sila bilang pamilya. Wag mong ipagkait sa magiging apo mo ang bagay na wala si Naze ngayon." aalis na sana si madam Mel ng tumakbo si Naze at pigilan siya.
"Madam..." tawag niya dito. Lumingon naman ito at hinarap siya. "Naiintindihan ko po ang hangarin niyo, at Dad... Alam ko pong natatakot kayo. Pero tama po si Madam, hindi po natin pwedeng ipagkait ang anak ko sa ama niya, hindi po natin siya pwedeng pagkaitan ng buong pamilya. Bakit hindi natin subukan diba?" napaiyaak pa ito dahil alam niyang mahihirapan ang kanyang ama.
"Naze..." tawag nito sa anak niya.
"Dad, si Mama hindi lumaban para sakin, sa atin. Hindi pwedeng hindi ako lumaban para sa anak ko." tumango naman ang Dad nito at ngumiti.
"Okay, the decision is final. I will settle the Weeding for two days. No worries about everything."-Madam Mel.
End of the flashback...
Vin's POV
Matapos magkwento ni Jiro ay napayuko nalang ako at napa-iyak. Jiro just offer his coffee to cheers with. Napangiti nalang ako dito.
"Thanks for telling me everything Jiro. Maswerte si Naze to have a friend like you."
"You should take care for her right now. Lalo na sa kalagayan niya. Ngayon mo iparandam sa kanya ang pagmamahal mo Vin. Alam kong mahal mo siya.
Napatunayan ko yun nung nagsuntukan tayo sa bahay niyo. I know you’re jealous, at mas napatunayan ko ang pagmamahal mo sa kanya mula noong nasa gitna siya ng pagka coma." tumango ako at ngumiti sa kanya.---------------------------------------
Pumunta ako sa bahay para kunin si Pj. Bibisitahin namin ngayon ang Mama niya. Kumuha kami ng separate room for Naze para makapasok si Pj. Hindi pa kasi siya pwede sa hospital. Alam kong magiging masaya siya pagmahawakan niya ulit si Baby.
Papasok na kami ng room at nakita ko namang andun si Mama Mel na kausap niya.
"Naze, I have a surprise for you." sabi ko at ngmiti lang siya. Inilagay ko naman si Pj sa lap nito.
"Ma...ma." Pj said to her Mama at tinaas pa nito ang mga kamay na parang humihingi ng yakap.
"Baby..." nakita ko ang pag-iyak nito. Kinuha niya si Pj at niyakap. "Baby, Mama is here. Hah? How is my baby boy? Hindi ka ba masyadong nagkukulit kay Daddy?" tanong niya dito. Ikinawit naman ni Pj ang kamay niya sa leeg nito.
"Excited siyang makita ka kanina." sabi ko.
"Thanks for bringing him." pasasalamat niya and trying to look where I am. "Baby, hindi ka man makita ngayon ni Mama, alam kong pogi ka parin. Be a good boy okay. Wag mong bibigyan ng sakit ng ulo si Lola at Lolo. Even you’re Dad. Mmmm. Ginigising mo ba siya pagpumapasok siya ng office?" napaluha nalang ako habang kinakausap nito ang anak niya. Ang sakit lang makita na sa ganyang kalagayan niya pa makakasama si Pj.
"Naze, iiwan ko muna kayo okay. I'll be back later. May aasikasuhin lang ako." paalam naman ni Mama. Tumango lang ako bago siya umalis.
"Can I join you for especial hug?" tanong ko kay Naze habang nakayakap parin sa anak. Ngumiti lang ito kaya lumapit ako at niyakap silang dalawa.
"I hope you can forgive me for everything Naze. And I'm willing to wait for It." bulong ko sa kanya.
"Hindi ko alam kong paano. But Vin, gusto kong magsimula ulit. Tama nga siguro si Dad, kung pagod na pwede nang sumuko para makita ang mas magandang darating sa buhay. Pagod na ako. Kailangan ko nang sumuko." napabitaw ako sa mga sinabi niya. Maybe this is she need. She need space for everything happened.
"Hindi kita susukuan Naze. As you said before when I want you to sign the annulment paper, you said that you’re leaving but you are still my wife. And I'm going to repeat that message again. I'll be leaving, but I'm still your husband." napayuko ito at umiyak. Pj wipes her mother’s tears like he understand that she's in pain right now.

BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...