Chapter Six

16 1 0
                                    

Naze’s POV

Nagulat si Daddy ng umuwi ako. Hindi niya siguro inaasahan ito. Isang pulis si Daddy pero tumigil siya dahil mas pinagtuunan niya ng pansin ang agricultural business nito. Hindi lang siguro siya pumasok kaya naman andito lang siya ngayun sa bahay kasama ang isang pinsan. Dito siya ngayun nag-aaral at nakikitira dito sa bahay.

"Anong nangyari hah?" nag aalalang sabi ni Daddy. Di ako nagsalita bagkus niyakap ko siya ng mahigoit. Pakiramdam ko kasi safe ako sa mga yakap ni Daddy.

"It’s okay baby... Everything will going to be okay." sabi nito at pinapatahan ako gamit ng pagtapik niya sa likod ko. Mas lalo akong naiyak. Siguro dahil miss ko na din siya.

"Daddy, can I stay here for a while please." sabi ko dito...

"Kahit habang buhay pa anak...” sagot naman nito.

"Ate Naze?" tanong ng pinsan kong kagagaling lang ata ng school. Nilingon ko siya at tumakbo naman ito para yakapin ako.

"How are you Ed hah?" tanong ko dito.
"Ayus lang ate. Malapit ng maging pulis gaya ni tito...” sagot naman nitong masayang masaya sa balita.

"Dapat lang aa. Kapag graduate kana dito ka parin okay."

"Ou naman ate. Ako na ang body guard ni tito." sagot naman ulit niya.

"Sige na Naze, Ed ihatid mo na ang ate mo sa kwarto niya. Sigurado akong pagod siya sa biyahe. Magpahinga ka na." ngumiti naman ako at sinundan na si Ed na dala ang mga gamit ko. Nagtungo kami sa kwarto ko. Aalis na sana si Ed nang parang bigla siyang may maalala itanong.

"Ate, bat parang naglayas kana man na kila kuya? Ang dami mo atang dalang gamit?" nagtatakang tanong nito. Ngumiti lang ako.

"Magpapahinga lang ako dito para makagawa ng libro habang pinapalaki itong pamangkin mo sa tiyan ko." sabi ko dito. Matagal nang alam ni Ed na buntis ako kaya hindi na siya nagulat.

"Ate, sabihin mo lang kung sinasaktan ka ng Vin na yun aa. Uupakan ko talaga yun!" mayabang niyang sabi habang naka ngiti.

"Ikaw talaga kung anu-ano sinasabi mo. Sige na nga alis na para makapag pahinga na ako." pumakawala pa ako ng hangin bago ako nahiga at tuluyang hinatak ng antok.

Vin’s POV

Pauwi na ako. Alam kong hindi nanaman umalis si Naze. Alam kong ipipilit parin niya ang sarili niya sa bahay. Naiirita na ako. Pero tila nadismaya ako dahil pagbukas ko ng pinto, walang naze na nakaupo sa sala at nag hihintay. Lumapit ako sa annulment paper na iniwan ko sa kanya. May notes na nakalagay dito.

"I’m leaving but I’m still your wife!" -Naze

Hindi ko alam pero parang natuwa ako sa ginawa niyang hindi pagpirma sa annulment. Tumayo ako at walang ganang umakyat sa taas at tinungo ang kwarto namin. I switch the lights on. Ang tahimik ng kwarto. Walang naze na natutulog doon. Pumasok ako at tinungo ang cr. Walang naze na naliligo.

Umalis na siya.

And here I am alone...

Bumaba ako para maghanap ng makakain.
Wala nanam ang naze na nagluluto o naghahain ng pagkain. Kumuha ako ng drinks sa ref at pumunta sa sala. Naglaklak ng beer. Hanggang makatulog...

Nagising ako sa busina ng sasakyan sa labas. Tumayo ako para pagbuksan iyon ng gate, Si Beverly. Agad naman ako nitong sinalubong ng yakap.

"Love amoy alak ka? What happened?" nag aalalang tanong nito.

"Uminom lang ako kagabi. I can't sleep that’s why…" paliwanag ko naman dito.
"Come on, you need to change, may meeting tayo with the board. Ako muna ang pinapunta ni Dad."

"Get inside just wait me here. Magpapalit lang ako." sabi ko dito saka hinalikan sa labi. Pumasok naman siya sa loob at hinintay ako dun. I texted beverly kasi na umalis na si Naze kaya siguro naisipang puntahan ako ngayun dito sa bahay. Pagkatapos kong maligo, bumaba na ako at sinuot ang necktie ko.

"Love," tawag sakin ni Bev.

"Mmmm," tugon ko naman dito habang inaayos ang necktie. Hindi ko kasi ito maayus ayus dahil na din siguro kakamadali.

"Let me fix it." sabi ni bev at kinuha ang necktie ko at inayos to.

"Thanks love." sabi ko dito at hinalikan siya.

"I love you." sabi nito kaya naman hinalikan ko siyang muli. "Let’s go."

Naze POV

"Ed...Ed... Tulong...” sigaw ko mula sa kwarto. Kasalukuyan akong nagsusulat ngayun ng bigla kasing sumakit ang tiyan ko. Agad naman akong nakarinig ng papatakbo sa kwarto.

"Ate anung nangyari… Ate manganganak ka na ba?” Nagpapanic na tanong ni Ed.
"Ed, 6 months palang toh!" sigaw ko habang iniimpit ang sakit.

"Tito... Tito... Si ate dalhin natin sa hospital...” sigaw ni Ed.

"Ano? Anong nangyayari...”

Agad naman nila akong binuhat at sinakay sa kotse at tinungo ang hospital. Nagising nalang ako ng maramdaman kong may nakahawak sa kamay ko. Si Daddy. Naalala ko nalang  ang mga nangyari at nabahala. Kinapa ko ang tiyan ko.

"Daddy yung baby ko? Daddy okay lang ba siya?" tanong ko na sobrang nag aalala.
"Shhh... Baby, he’s fine okay. Don't worry. Wag ka kasing masyadong magpuyat at ma-stress. Para hindi na ulit mangyari to okay" Nagpasalamat ako sa Diyos at ayos lang ang baby ko. Baka mabaliw ako pag may nangyari sa kanya.

"His fine? Dad?? You mean, lalaki ang baby ko?" tanong ko dito. Tumango naman si Daddy... Napakalaki ng ngiti ko sa sinabi niya. Lalaki ang baby ko... Nakangiti lang ako habang hinahaplos ang tiyan ko ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko dito sa hospital. Nakita kong papasok sina Mama Mel at Daddy Jack. Ang mga magulang ni Vin.

"Tinawagan ko sila."  Mabilis na sabi ni Daddy dahil tiningnan ko siya. "Sa labas muna ako." sabi nito at tuluyang lumabas.
"I heard what happen." sabi ni Mama mel.
"Ma, okay na po ako. And the baby is fine." sagot ko naman dito

"Vin should be the one who’s here with you right now!" galit na sabi ni Daddy Jack.
"Ma, Dad.. I’m sorry if I did not sung the annulment paper. Mahal ko po si Vin." paliwanag ko sa dalawang matanda.
"Don't say sorry iha. You have all the right not to sign it okay. Wag mong bibitawan ang anak namin Naze. Alam kong balang araw, maiintindihan din niya kung bakit." napangiti ako sa pag asang binigay ni Mama Mel. Kinuha ko ang kamay niya at nilagay ko ito sa tiyan ko.

"Magiging maswerte po ang anak na magkakaroon siya ng lola at lolo kagaya niyo." sabi ko sa mga ito. Bahagya naman silang napangiti.

"Kami ang magiging maswerte sa anak mo iha. Siya ang unang apo na magdadala ng pangalan namin." sagot naman ni Daddy Jack.

"Aalagaan ko po siya Daddy." maya-maya rin matapos ang ilang kwentohan ay umalis na rin. Nag ligpit narin si Ed sa kalat ng pinagkainan namin sa kwarto dahil makakauwi na rin naman ako maya maya lng din daw sabi ng doktor.

Unseen Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon