Naze’s POV
Nagising ako nung maramdaman kong may humahawak sa tiyan ko. Minulat ko ang mga mata ko at isang doktor ang nakita ko. Kasunod nun ay si Vin na nakatayo habang nakapamulsa ang mga kamay. Hinarap ng doktor si Vin.
"Mr. Fontivilla, she needs to rest. Even though malakas ang kapit ng baby sa tiyan niya di parin niya maiiwasan ang pananakit kung lagi siyang stress. She’s 3 months and 2 weeks pregnant. Kailangan niya ng pahinga." narinig kong payo ng doktor. Napahawak ako sa tiyan ko. Kapit lang baby. Umalis ang doktor at hinarap ako ni Vin. Galit ang mukha nito. Pero bakit parang siya pa ang may ganang magalit.
"Now tell me Naze! Who is the father of that baby?" tanong niya sakin. Di ako makapaniwalang tumingin sa kanya. Bakit niya tinatanong? Why did he act like he don't know? Tahimik lang ako at iniiwas ang tingin sa kanya.
"Wag mong sasabihin na ako ang amaa ng batang yan naze! 2 weeks ago lang may nangyari satin pero your almost 3 months pregnant? Bago pa tayo ikasal buntis kana! How dare you na ipaako sakin ang batang hindi naman akin? Huh?" hindi parin ako umimik. Ganun na lang siguro kababa talaga ang ingin niya sakin kaya ganyan siya ngayon kung magsalita. Muntik nang mamatay ang anak ko nang dahil sa kanya. Pero siya parin ang may ganang magalit.
"Ipapasundo kita sa driver bukas dito. Pag uwi ko nang gabi wala ka na sa bahay." gusto ko siyang sumbatan pero wala akong lakas. Ang hina ko pagdating sa panunummbat sa kanya. Hanggang Kaylan ko to titiisin?. Nanatili akong tahimik. Umalis siya at pinikit ko na ang mga mata ko. Gusto kung magpahinga kahit saglit lang. Gusto kong maramdaman ang bata sa loob ng tiyan ko.
Matagal ko nang gustong sabihin kay Vin na buntis ako. Pero paano? Paano ko sasabihin sa kanya ang lahat? Lagi siyang galit. Lagi niya akong iniiwasan. Kahit man lang tingnan ako ay hindi niya magawa. Pakiramdam ko lagi siyang nandidiri sa akin. Paano ko ba babayaran ang kasalanan kong pagpapakasal sa kanya? Noong gabing pinilit niya akong angkinin, gusto kong isigaw sa kanya na buntis ako. Pero mas pinili kong manahimik at magpaubaya dahil alam kong mas lalo lang niya akong sasaktan lalo na at lasing siya ng mga gabing iyon.
Kahit dinurog na niya ang dignidad ko at respeto niya man lang sana bilang asawa ay pinili kong ipawalang bahala ang bagay nayun. Dahil inisip kong sa ganong paraan mawala ang galit niya.
Kinabukasan maaga ko siyang pinagluto dahil gusto kong subukan na sabihin sa kanya ang totoo pero nabigo ako dahil ipinamukha nanaman niya sakin ang pandidiri. Lahat ng pagkakataon sinubukan ko. Pati noong interview. Gusto kong sabihin sa lahat na buntis ako pero mas nauna niyang sinagot ang tanong ng reporters. Sa totoo lang gustong -gusto kong sabihin sa kanya pero bakit parang ang hirap. Ngayun alam na niya. Ngunit mas lalo siyang nagalit at ang hindi ko matanggap, ay ang hindi niya pagtanggap sa anak ko.
Pasado 6 pm na nang gabi pero hindi parin ako umalis ng bahay. Alam kong magagalit siya pagdating niya dahil hindi ko sinunod ang gusto niya. Pero gusto ko parin magbakasakali. Gusto ko parin maniwala na baka pag-uwi niya biglang magbago ang isip niya at tuluyan niya kaming tatanggapin sa pamamahay niya. Pero tila nabigo ako. Bumukas ang pinto ng bahay at nakita ko siya. Tiningnan niya ako ng matalim. Alam kong galit siya.
"What are you still doing here? Alin sa mga salitang sinabi ko sa hospitala ang hindi mo maintindihan?" tanong nito at lumapit siya sa harap kong nakapamewang. Bigla akong kinabahan. Tinayo ako ni Vin gamit ang buhok ko. Hinablot niya ito para maitayo ako. Nasasaktan ako. Parng matataggal ang buhok ko sa ginawa niya. Inaagaw ko sa kanya ang buhok ko pero hindi siya maawat.
"Ayaw mong umalis, ako ang kakaladkad sayo palabas. Naiintindihan mo hah?" sinabunutan niya ako at dinala sa labas ng bahay. Sinara niya iyon at hinayaan ako sa labas.
"Vin, please... I’m sorry... Please..." nagmamakaawa kong sabi dito. Hindi parin niya ako pinagbuksan ng nito. Umupo lang ako sa tapat ng pinto, nagbabakasakaling pagbuksan niya ako. Yumuko ako habang umiiyak. Hanggang sa makatulog ako. Nagising nalang ako sa kagat ng isang lamok sa braso ko. Ramdam ko din na mag uumaga na. Siguro nasa 4 am na. Tumayo ako upang subukang buksan ang pinto pero di parin ito mabuksan. Ilang oras pa akong naghintay sa labas hanggang sa bumukas ito. Mataas na ang sikat ng araw at nakita kong siya nakapagsuot na ng office suit. Hindi niya ako pinansin at iniwang nabakus ang pinto ng bahay at umalis na siya.
Malaya akong nakapasok muli sa loob ng bahay pag alis niya. Umupo ako sa sofa hanggang sa makatulog. Kumalam ang sikmura ko na siyang ikinagising ko. Gutom na siguro ang baby ko. Pinilit kong bumango kahit masakit ang ibang bahagi ng katawan ko para magluto. Kumain ako at naligo... Nanood ng tv maghapon.
"I want you to sign this!" nagulat ako nang may nagsalita sa likod ko. Hindi ko pala namalayan ang pagdating ni Vin. Inabot ko ang ibinigay niya. Annulment paper. "After signing that, you can go. Please Naze, just do it. Wag mong antayin masaktan pa kita."
Tulala ako sa mga sinabi niya. Kalmado siya at seryong iniabot sakin yun. Pero ayaw kong permahan. No! Hindi ka makakawala Vin. I am your wife.
"Aalis muna ako. Pagbalik ko, napirmahan mo na yan. At... Makakaalis kana."
Umalis ito at pinaandar ang kotse. Umiiyak nanaman ako. Pero wala akong nagawa kundi mag empake. Umiiyak ako habang nililigpit lahat ng gamit ko. Nakita ko sa dingding ng kwarto ang malaking wedding picture namin doon. Hinawakan ko ito. Sa huling pagkakataon, gusto kong titigan ang buong sulok ng kwartong ito."I’m leaving you, but I’m still your wife!" -Naze
Bago ko nilisan ang bahay, iniwan ko ang annulment paper na may sulat. Hindi ko ito pinirmahan.
Ipaglalaban ko ang kasal naman ni Vin. Pero kailangan ko munang ilayo ang anak ko sa kanya. Ayaw kong mawala siya sakin dahil sa pananakit ni vin. Ayaw ko...
BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...