Vin's POV
Hindi ako makapaniwala sa lahat ng narinig ko mula kay Daddy Paul. Yung bracelet niya, yung kwento ni Daddy Paul, ang nararamdaman ko ngayon. Lahat patunay yun sa nangyari sa amin. Anak ko si Pj. Dugo ko ang dumadaloy sa bawat ugat ng batang itinanggi kong akin. Napakawalang hiya kong tao.
Napakawalang hiya kong ama.Kung mas maaga ko lang sanang inamin sa sarili ko ang nararamdaman ko para sa kanya, kung hindi sana ako natakot sabihin ang nararamdaman ko, sana hindi umabot sa ganito. Sana magaling siya ngayon. Sana masaya kami ngayon. Umupo ako sa tabi niya at hinaplos ang kanyang mukha.
"Naze, I'm sorry. I am really sorry. Hindi ko na alam kung paano pa hihingi ng tawad sayo. Kasalanan ko ang lahat. Please wake up. Please... Bigyan mo ako ng pagkakataong makabawi sayo at kay Pj. Pakiusap... Please babe..." Bulong ko sa kanya habang umiiyak. Alam kong nariring niya ako. Alam kong nararamdaman niya ang bawat haplos ko sa mukha niya. Tatayo na sana ako ng bigla kong makita ang luhang dumaloy mula sa gilid ng kanyang mata. Kasabay nun ang paggalaw ng isang daliri niya.
Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako na parang natanggal lahat ng takot. Tinawag ko ang doktor at agad naman itong dumating. Pinalabas nila ako to check her. Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na din ito.
"Mr. Fontivilla, there is two news for you. The Good news is gising na ang asawa niyo. Pwede na naming tanggalin ang tubo sa kanya mamaya, she just need a little bit of rest. The bad news is, baka hindi na po siya makakita. Natunaw po ang dugo na nailagay sa utak niya pero naapektohan po ang mga mata." halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Masaya akong nagising na siya pero sa kabilang banda, sobra akong nanlulumo na marinig na hindi siya makakakita.
Tinawagan ko si Mama at Daddy pati na rin si Daddy Paul para sabihin sa kanila ang balita. Agad naman silang dumating at naghintay lang sa sasabihin ng doctor kong pwede na ba kaming pumasok.
After an hour, lumabas na ulit ang doctor."You can wait her to wake up inside po. Baka maya-maya gigising na din po siya." pumasok kaming lahat sa room niya. Umupo ako sa tabi nito at humawak lang sa kamay niya. Wala na ang tubo at oxygen na nakasaksak sa katawan niya. Dextrose nalang ang natitira.
Ilang oras pa at naramdaman ko ang paggalaw ng kamay niya. Tumayo ako para tingnan siya.
"Mmmm." unang narinig ko sa kanya. Kinusot pa nito ang mga mata niya, palingalinga ang ulo nito na parang hinahanap ang liwanag. "Dad..." tawag niya sa Daddy niya."Daddy, the lights please..." she said. Umupo ito at kinapa ang paligid niya. Umiiyak na si Daddg Paul, si Mama at Daddy Jack. Tila naramdaman naman ako nito sa tabi niya.
"Who is this? Who are you? Where is Dad? Dad, the lights..." patuloy parin siya sa pagkapa sa paligid nito. Hindi ko na matiis na tingnan siya kaya lumapit ako dito at niyakap siya. Niyakap ko siya ng mahigpit. Pinipigilan kong humikbi para di niya mahalata na umiiyak ako. Pero narinig ko ang paghagolgol niya. Kaya mas lalong humingpit ang yakap ko dito.
"No... Please... Hindi!" sigaw nito sa gitna ng paghikbi niya. "Tell no please."
"Babe, I'm sorry." yan lang ang tanging lumabas sa bibig ko habang umiiyak. Hinalikan ko ang ulo nito para maibsan ang sakit na nararamdaman niya. Ramdam na ramdam ko na basang basa ang damit ko dahil sa luha nito.
"No, ang anak ko... Asan ang anak ko? Pj? Vin ang anak ko?" she is in panic.
"He is fine. Nasa bahay siya ngayon. Don't worry. Ayos lang si Pj okay. He is okay." kinapa niya ang mukha ko. Mula mata hanggang labi.
"Where is Dad?" tanong nito. Tumayo ako at lumapit naman sa kanya si Daddy Paul. Kinapa nito ang pisngi ni Daddy Paul at pinakiramdaman kung siya nga ba talaga ito.

BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...