Jiro's POV
Masaya ako dahil kompleto kaming lahat dito ngayon na magkakaibigan. Pero nakakalungkot lang isipin dahil hindi namin nakakausap ngayon si Naze. Pero sigurado ako, naririnig niya kami ngayon kahit di niya iminumulat ang mga mata nito. Krisha was here, Randy and Bella.
"Naze, gumising ka ha? Kung kelan ka namin makikita sa ganitong kalagayan pa. Ni hindi ka namin makausap ee." - si Krisha na kanina pa hawak ng hawak sa paa ni Naze.
"Krisha, kulang nalang ata tanggalin mo yang paa ni Naze. Hindi mo pa ba bibitawan yan."- asar naman ni Randy sa kanya.
"Hoy! Kapag to si Naze gumising ipapakalbo ko yang mahaba mong buhok. Kasing haba ng nguso mo"- nagtawanaman naman kami sa banat ni Krisha dito.
"Tumigil nga kayo. Alam niyo ba noong minsan kaming nagkita ni Naze, sabi namin sa susunod lahat tayo magkikita at magbabonding. Pero hindi ko naman alam na dito na pala sa hospital ang tagpuan natin at sa ganitong pangyayari pa." - si Bella. Napatigil naman kaming lahat sa sinabi nito. Bumuntong hininga ako para basagin ang katahimikan.
"Gagawin natin yan pagkagising niya at maka recover siya. Guys, wag tayong mawalan ng pag-asa. Alam naman natin na sa ating lahat, si Naze ang pinakamalakas. She can do it." lumapit ako sa kanya at humawak sa kamay niya.
"Friends reunion?" nagulat kaming laht na napatingin sa pinanggalingan ng salit.
"Ano bang paki-alam mo hah?" maangas namang sagot ni Krisha. Ang pinakapalaaway sa lahat.
"Krisha stop." awat naman ni Bella.
"Bro, we are just visiting our friend. Kung mamasama-""No, I know she will be happy to see you all here. Hindi niya lang makita ngayon o makakwentohan kayo." putol naman ni Vin sa paliwanag ni Randy.
"At dahil yun sayo!" susugurin na sana ni Krisha si Vin pero pinigil siya ni Randy. "Alam mo Mr. Fontivilla, sana man lang nirespeto mo ang kasal na meron kayo ni Naze. Sana man lang wag mong ininsulto ang pagkatao niya."
"Krisha let's go. Tama na yan. Halika na. Pakalma ka muna." kinuha naman siya ni Bella para ilabas. Tumayo ako para sundan ang tatlo pero hinawakan ni Vin ang braso ko.
"Paki sabi sa kanila salamat." tinanggal ko naman ang kamay nito at binuksan na ang pinto para lumabas.
Vin's POV
Hindi ko maiwasang umiyak. Humagolgol... "Babe, gumising kana please..." tanging salita na lumalabas sa bibig ko. Humawak ako sa kamay niya. Umaasang gumalaw yun. "Babe... I'm sorry. Gumising kana paki usap. Hinihintay kana ni Pj. Wag mo siyang bibiguin, dahil nangako ako sa kanyang gigising ka. Bubuhatin mo pa siya. Hinihintay niya na may Mama siyang hahalik sa kanya tuwing umaga. So please, wake up. Naze Wake up!" ang sakit sa dibdib, ang sakit sa pakiramdam.
"Vin, anak... Kailangan mo munang magpahinga. Hindi makakabuti sayo ang ganyan. Kailangan mong maging malakas para kay Pj." tumango lang ako kay Mama at pinigilan ang pag-iyak. Tumayo ako at iniwan silang walang sabing lumabas ng kwarto nito. Hindi ko alam kong saan ako pupunta. Laglag ang mga balikat kong naglakad hanggang marating ko ang rooftop ng hospital.
I took a deep breath and stop myself from crying. I need to start from all. Kailangan kong ayusin ang sarili ko. Gusto kong magsimula pagkagising niya. Gusto kong magsimula ng magandang ala-ala kasama niya. Alam kong mahihirapan ako pero gusto kong ihanda ang sarili sa mga posibleng mangyari.
------------------------
It's almost one month since that car accident happens. Kasama ko ngayon si Pj at papunta na kami ng opisina. He is my buddy from now. My little bodyguard. He can also pronounce a little bit of word like Daddy and Mama.
"Goodmorning Sir, welcome back po." masayang bati sa akin ng mga empleyado. Pumunta ako sa main door ng team office kaya nagsitayuan sila ng makita ako.
"Hai everyone, I'm sorry for being not here for almost one month. I guess you all know the reason why." tumango naman ang ilan sa kanila. "But I hope you guys will continue do your work despite all of this happens. I just want to congratulate you all, team leaders with your team mates because of your hard works, we are now on the top 1 for being a most famous architectural company for the whole Asia. And yesterday, nakakuha kami ng bagong contract sa Europe and Africa. Konting pagod pa, kikilalanin na tayo sa World grand Architectural Builders." pumalakpak naman ang mga ito, parang excited sa mga pwedeng susunod na mangyayari. "I guess you are all happy to hear it. Thanks for your time. Continue your work. I have to go." paalis na kami ni Pj nang biglang magsalita ang isa sa mga team leaders ng companya.
"Sir, we all here are praying for the fast healing of Mrs. Fontivilla. We would be happy kung kasama siya sa success nating ito. Siya kasi ang nagturo noon sa pwedeng I design sa hotel ni Mr. Tormente na inilaban namin sa Asia’s Architectural design competition." napatingin naman ako sa kanila.
"Thank you. She will be happy for this." dumeretso na ako ng opisina. Pero pagpasok ko na datnan ko si Beverly na hinihintay ako. Tinawagan ko kasi siya to clear all things right now.
"Bev, thanks for coming." I said.
"Off course Love, Namiss na din kita." she give me a kiss pero hindi ko na siya tinugon. "Are you okay?" tanong nito pero hindi ko siya sinagot at umupo na sa presidential chair. "Look Love, I’m sorry for what happened. Hindi ko sinasadyang makita tayo ni Naze ng ganon."
"It's not your fault Bev. Kasalanan ko ang lahat. Pinapunta kita dito para kausapin ka. Ang tungkol sa atin." nanatili itong nakatayo na parang naguguluhan sa mga sinasabi ko.
"Bev, Naze is in coma because of me. Because of my stupid decisions. I want us to stop and finish this relationship." nakita ko sa mukha niya ang galit na pinipigilan niya.
"No! Sabi mo mahal mo ako. Sabi mo ipaglalaban natin ang kung anong meron tayo. Before Naze andito na ako. Kung meron man dapat magalit dito ako yun. Hindi si Naze. Inagaw ka niya sakin. She used your parents to get you from me tapos ngayon makikipaghiwalay ka sakin?" nakita ko ang pagdaloy ng luha sa mga pisngi pero hindi ko yun pinansin. Gusto kong ayusin ang buhay ko. At magagawa ko lang yun sa tamang desisyon.
"Bev, this is not about you and me. It's all about my wife fighting for her life at sa konsensiya ko. Halos hindi ako makatulog dahil lagi kong iniisip kong bakit ko nagawa ang mga bagay na to kay Naze." tumayo ako at naglakad para mapigilan ko ang pag-iyak. Paikot-ikot lang sa opisina para hindi mahalata ang halo-halong emosyon.
"Gigising akong si Pj ang nakikita ko at mas lalo akong kinakain ng konsensiya ko tuwing iniisip ko na dapat ang Mam niya ang kasama niya sa paggising habang hinahalikan niya nito sa noo. Tuwing umiiyak siya, dapat nakayakap siya sa mga bisig ng Mama niya pero hindi na niya yun magagawa dahil nandun siya. Nakahiga at walang malay." pilit kong ipinapaintindi kay Beverly ang lahat. Ayaw ko siyang masaktan pero kailangan. Kailngan ko tong gawin.
"Vin, alam kong nakokonsensiya ka pero hindi natin kasalanan ang lahat. Ipinaako niya ang batang hindi sayo. Inagaw ka niya sa akin. Nung panahon na nakakasama mo siya, inisip ba niya kong anong relasyon ang sinira niya? " umiling lang ako dito.
"Bev, alam natin pareho na naghiwalay tayo bago kami ikinasal. Kaya walang agaw na nangyari. We just choose to cheat on her." tinitigan ko siya para ipaalala ang totoo.
"Because we love each other. Oo, hiwalay na tayo noon Vin but we know na mahal parin natin ang isa't isa. Hindi yun panloloko Vin, ipinaglalaban lang natin ang nararamdaman natin na dapat ipinagpatuloy kong hindi siya umeksena." habol nito ang hininga habang nakikita ko ang frustration sa kanyang mukha. "Konsensya ba ang meron ka Vin? O mahal mo na siya?"
Nagulat ako sa tanong ni Bev. Hindi ko alam kong anong isasagot ko sa kanya. Para akong nabuhusan ng tubig sa kinatatayuan ko at hindi na kayang umikot ng utak ko.
"Are you in love with her? Kaya ka nakikipaghiwalay sakin?" kalmado lang ang tono niyang iyon pero alam kong nasasaktan siya ngayon. Hindi ko maintindihan pero tumango ako sa kanya. Walang sinasabi ang utak ko pero bumilis ang pintig ng puso ko.
Parang hindi pa ito makapaniwala sa pagtango ko sa kanya at umiling lang ito abago umalis na ng opisina. Nanatili akong nakatayo at hindi makagalaw hanggang sa marinig ko ang boses ni Pj.

BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...