Naze's POV
I'm wearing a color yellow gown that fit to my body. Well, the gown was beautiful. Mas lalong lumalabas ang kaputihan sa kulay nito lalo na ngayong gabi. Here are also some makeup artist na kinuha ni Vin para ayusan ako.
"See, I told you Ma'am. Ang ganda mo tonight. Labas na labas ang kaputihan mo lalo." puri ng isang baklang nag-aayus ng buhok ko.
"Ay yes, trulaley mars. Tingnan natin kung hindi madadagdagan ang baby ng mga to after the party." napangiti naman ako sa baklang inaayos ang nail polish ko.
"Ma'am ang cute ng baby niyo aa. Nakita ko kanina sa sala niyo. Manang-mana kay Papa Vin ang pogi." sabi nanaman ng baklang kanina pa nag aayus sa buhok.
"Thanks. Kayo? Wala ba kayong Jowaness ngayon?" tanong ko naman sa kanila at naghalakhakan lang mga ito.
"Madam, waley. Kung kasing pogi ni Papa Vin ang magtatangkang ligawan ako, isusuko ko ang bataan." natatawang wika ng isa.
"Chosera kang palaka. Mukha kang palaka nangarap ka pa ng prince charming." basag naman ng isang bakla sa likod kong may hawak na box. Natapos na nila akong ayusan and I'm just waiting Vin to come.
"Ma'am, itong sandal mo oh. Kabibigay lang ni Sir sa kabila."
Kinuha ko naman ang box na iniabot niya at tiningnan ito. It's a silver 2 inch heel. Ang ganda lang kasi kaya lahat kami dito ay napatitig lang doon. Kinuha ko yun at sinuot.
"Ma'am... Bakit ang ganda?" sabi ni Jen na kakapasok lang ng kwarto.
"Uwi na tayo mga maring palaka." biro naman ng isang bakla sa mga kasama niya. Tumawa naman ako sa mga ito. Napatigil lang kami ng may kumatok sa pinto.
"Ma...ma." pumasok si Pj na naka formal suit na din. Isasama kasi namin siya ngayon. Binuhat ko siya at lumabas na ng kwarto. Lumabas na ako at nakita kong naghihintay si Vin sa labas.
"Let's go." anyaya nito kaya tumango lang ako. Binuksan niya ang front sit at inalalayan kaming umupo ni Pj. Ilang minuto pa ang lumipas ng marating namin ang hotel kong saan gaganapin ang party. Kinuha na ni Vin si Pj at binuhat niya ito sa kabilang braso niya. Hinawakan naman ng isang kamay niya ang bewang kong papasok sa grand entrance.
As usual, mga media nanaman ang nakapaligid dito. May mga ilang tanong sila na sinasabi pero hindi yun sinagot ni Vin hanggang makapasok kami sa loob.
Sinalubong kami ng organizer at tinuro ang upuan namin. Pagpunta namin sa table ay nakita namin si Mama Mel at Daddy Jack na duon din nakaupo. Tumayo sila para batiin kami."Good evening. Nanditi na pala kayo. Malapit ko nang simulan ang party." sabi ni Daddy Jack habang nakipagbeso sa akin at nakipagkamay sa anak. Pinisil pa nito ang mukha ni Pj.
"Come on, umupo na kayo." aya ni Mama Mel at kiuha si Pj kay Vin. Namiss niya ata ang apo at hindi na niya ito binitawan. Ilang minuto pa ang lumipas at pumunta na ang MC sa stage.
"Good evening everyone. We are gathered tonight for a very especial announcement by the CEO, president and the owner of V Company. No other than Mr. Jack Fontivilla." tumayo ang lahat at nagpalakpakan. Tumayo naman si Daddy Jack at kumaway sa mga bisita bago pumunta sa stage at kinuha ang mic sa MC.
"Please sit down everyone. Thanks for coming tonight. Masaya akong makita kayong nakangiti ngayon. Dahil ako din, masaya ako ngayon. Hindi namin nasabi sa inyo ang lahat sa biglaang pagkawala ng dating President ng V company noon na si Vin Fontivilla… ang anak ko. My son suffered from blindness. Yes, you heard it. Nabulag ang anak ko for almost 6 months kaya bigla siyang nawala sa V company." napayuko ako sa sinabi ni Daddy Jack. Pakiramdam ko kasi kasalanan ko kung bakit. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Vin sa kamay ko ng mahigpit. Tiningnan ko siya pero nakatuon siya sa pakikinig sa nagsasalita.
BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...