Chapter Thirty

15 1 0
                                    

Jiro's POV

Burol ngayon ng Daddy ni Naze kaya pumunta ako para damayan siya. Nandito kami ngayon sa memorial park at kasalukuyang binabasbasan ng pare ang katawan at kabaong ni Tito Paul.

Buhat-buhat ko ngayon si Pj na pinapanuod ang ginagawa ng pare. Nakita ko naman si Naze sa tabi ko na umiiyak.
Nagulat na lang ako ng lumingon si Pj sa likuran ko at parang gustong umalis sa akin at nagpapabuhat sa kung sino man ang nasa likuran ko. Nilingon ko kung sino ito.

"Baka pwede ko siyang buhatin." sabi nito. Tumango naman ako at ibinigay sa kanya si Pj.

"Kayo po pala yan Sir Jack." dumating pala sila ngayon. Akala ni Naze hindi nila alam ang nangyari. But me, I expected na talagang pupunta sila ngayon.

"Pasensiya na kung late kami." pabulong naman nitong sabi.

"Si Madam Mel po?" tanong ko dito.

"Hindi siya nakapunta ngayon dahil may inasikaso. Marahil bukas dadalawin niya si Naze para kamustahin." paliwanag naman nito. Tumango nalang ako bilang sagot.
Natapos ang burol at nag si uwian na ang mga bisita. Naiwan ako, si Naze at Sir Jack dito. Pinagmamasdan ang bagong bahay ngayon ni Tito Paul.

"Naze, ipinapaabot muli ng Mama Mel mo ang kanyang pakikiramay. Hindi siya nakapunta dahil sa dami ng inaasikaso niya." paliwanag nito kay Naze na kanina pa nakatitig sa lapida ng ama.

"Salamat po Daddy Jack. Salamat din po sa pagpunta." sagot nito.

"Mauuna na ako Naze. At sabi pala ng Mama Mel mo, kung hindi parin siya makakapunta sa bahay niyo bukas, ipapasundo ka niya at nang makabisita kana rin sa bahay." tumango naman si Naze bilang sagot kay Sir Jack. Umalis na ito at naglakad na rin kami ni Naze kasunod ng pag takbo ng sasakyan nila.

"Are you okay?" tanong ko kay Naze. Tulala kasi ito habang naglalakad.

"Mmm, yeah. Oo. Naninibago lang ako dito sa Pilipinas. Dati kasi parang ang ingay ng mundo ko dito. Ngayon parang ang tahimik." lumipat naman si Pj para magpabuhat sa mama nito.

"Dahil na rin siguro wala na si Tito na nangungulit sayo. Wag kang mag alala, ako ang kukulit sayo ngayon." tumawa naman ito ng malakas.

"Babalik din kami ni Pj sa US.  After 2 days siguro. Pag-uusapan muna namin ni Ed kung paano ang pag aaral niya. At syempre, tutulungan na din muna siya sa pag dadalamhati. Mahal na mahal din kasi nun si Dad ee." sumakay na kami ng kotse para maka alis na din.

"Pupunta ka ba bukas sa bahay nila Madam Mel?" tanong ko. Parang nag iisip naman ito kung ano ang isasagot.

"Oo siguro. Mabuti na rin yun para makabonding niya si Pj kahit saglit lang at maipaalam ko na din ang anak ko. Nung pumunta kasi kami ng US hindi ko naipaalam si Pj dahil na rin siguro sa gulo ng takbo ng buhay noon." tumango naman ako bilang sagot at pagsang ayun sa sinabi niya.

Naze's POV

Nandito ako ngayon sa Living area kasama si Mama Mel. Nakikipaglaro siya ngayon kay Pj. Parang miss na miss na din siya ng anak ko at sobrang tawa niya habang kinikiliti siya ni Mama.

"Okay baby, stay with yaya muna sa room hah. Mag uusap lang kami ni Mama mo." ibinigay naman niya si Pj sa katulong na si Jen. Tuwang-tuwa pa ito dahil kakapanganak palang noon ni Pj nung una niyang makita ito. Ngayon naglalakad na.

"Ah, ma... After 2 days babalik na po kami ni Pj sa US." paalam ko sa kanya.

"Bakit parang ang bilis naman iha." medyo may pagkagulat sa tinig niya.

"Yun lang po kasi ang binigay na leave sa trabaho ko. 2 weeks lang, pero wag po kayong mag-alala. This whole day, iiwan ko muna dito si Pj para makapag bonding kayo." napangiti naman ito sa sinabi ko.

"Madam, andito na po siya.  Pinapunta ko na po siya sa office niyo madam." sabi ng isang katulong na lumapit sa kinauupuan namin.

"Sandali iha. Si Mr. Grey ata ang dumating. May pag-uusapan kasi kami ngayon. Wag kang mag alala, babalik ako agad. Mabilis lang ito." paalam naman ni mama at tumayo na para umalis.

Limang minuto na at wala paring bumabalik kay Mama Mel. Medyo nainip ako kasi wala naman akong kausap. Pupuntahan ko na sana sila Pj sa kwarto nila pero nahagilap ng mata ko ang kwarto ni Vin. Alam kong ito ang kwarto niya dahil dito kami noon madalas matulog kapag bumibisita kami dito sa mansiyon. Lalong lalo na pag nagpatawag si Daddy Jack ng Family dinner.

Hindi ko maintindihan pero parang hinihila ako papalapit doon. Hanggang tuluyan ko nang hinawakan ang doorknob ng pinto at unti-unting binuksan iyon. Pumasok ako at pinagmasdan ang buong kwarto. Wala paring pinagbago. Yung chandelier sa kisame, yung TV sa kabinet, yung mga paintings sa dingding, ang malaking kurtina na pinanggagalingan ng liwanag tuwing umaga, at binubuksan para pumunta sa veranda at ang weeding picture namin na malaki sa isang side ng wall malapit sa pintuan. Nagtaka ako nung napansin ko ang kumot at unan niya. Gulong-gulo ito. May natutulog ba dito? Tanong ng isip ko.

Lumapit ako sa side table at tiningnan ang nakalapag doon na picture frame. Larawan niya noong bata pa siya at ang picture ni Pj sa hospital noong kakapanganak palang niya. Magkamukha talaga sila. Sa mata, kilay, ilong at labi. Pati na rin hugis ng mukha. Ano ba ang namana ni Pj sa akin? Bakit parang wala? Kutis? Eh maputi naman ako sa pagkakaalam ko, maputi rin naman si Vin. it's a tie pagdating sa kutis. Siguro sa ugali nalang ako babawi. Marami kaming pagkakatulad ni Pj sa ugali ee.

Pinuntahan ko ang kurtina na kanina pa ihinahagis ng hangin. Lumapit ako at binuksan ang mini-door doon papunta sa Veranda. Pumikit ako para pakiramdaman ang simoy ng hangin. Ang sarap lang lasapin dahil ang bango nito. Dahil din siguro yun sa bulaklak na nakalagay dito. Pagdilat ko ng mata ko, nahagilap ko sa gilid ang isang wheelchair. WHEEL CHAIR? bakit may wheelchair dito? May nalumpo ba? Pero hindi ee. May stick dito na ginagamit ng isang.... Isang bulag? Bakit may ganito dito? Anong meron? Sino ang bulag?

Hawak-hawak ko ang stick na yun. Kinuha ko yun at itatanong kay Mama. Tinitingnan ko parin iyon habang naglalakad pabalik sa kwarto.

"What are you doing here?" nabitawan ko ang stick dahil sa gulat. Sobrang bilis ng kabog ng dibdib ko. Dahil ba sa kaba? Sa pagkabigla? O sa takot? Unti-unti akong tumingin sa nagsalita. Sinimulan ko sa paa hanggang maabot ng mata ko ang ulo niya. Tinitigan ko lang ang mukha nito. Nanginginig pa ang kamay ko na napahawak sa dress ko.

"So-sorry..." pati mga labi ko ay nanginginig na rin sa pagbigkas ng mga salita. Kasabay noon ay ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko.

"Sorry for what?" tanong nito. Pinulot ko ang stick na nahulog ko habang pinupunasan ang sarili kong luha. Sa kanya ba ito? Kay Vin ba ang stick at wheelchair? Bulag ba siya? Paano? Bakit?
Ang dami kong tanong sa sarili ko pero parang alam ko na ang sagot. Hindi ko alam kong paano itatanong yun sa kanya.

"Sorry for coming inside your room without anyone's permission." nakita kong nahulog na ang mga luhang kanina pa nito pinipigilan. Kasabay ng pagkurap niya ay ang pagtingin saking mga mata. Gusto ko siyang tanungin kong nakikita niy ba ako.
Pero bago ko pa iyon gawin ay humakbang na ito papalapit sa kinatatayuan ko. Umiiyak lang ako ng mga sandaling yun, humakbang rin ako para salubungin siya. Mabilis ang paghakbang ko hanggang makaharap ko na ito ng lubos. Niyakap ko siya. Isinandal ang ulo sa dibdib niya habang patuloy ang pag-iyak.

Naramdaman ko ang pag angat ng mga kamay at niyakap ako pabalik. Naramdaman ko rin ang pagtaas at baba ng kanyang balikat. Pinipigilan ang paghagolgol nito. Walang ibang maririnig sa kwartong ito ngayon kundi ang mga iyak naming dalawa.

"Vin, I'm sorry." hirap man akong bigkasin yun dahil sa pag iyak ay nabigkas ko parin ng maayos. Hinawakan niya ang mga braso ko inilapit ang mukha nito sakin. Ramdam na ramdam ko ang init ng hininga niya. Pinaglapat niya ang mga noo namin habang nakapikit na umiiyak.
Hindi ko na napigilan ang ang sarili kong halikan siya. Wala akong iniisip ng mga sandaling yun kundi ang nararamdaman ko para dito. Sinusunod ang tibok ng puso. Patuloy lang ito sa pag-iyak at dumadaloy ang luha niya sa pisngi ko. Ilang minuto din kaming nasa ganong posisyon, longing each other kiss, no one is moving magkadikit lang ang aming mga labi.

We took a deep breath when he move and give space to our lips. Hinaplos ko ang kanyang mukha. Tiningnan siya sa mga mata. Alam kong nag-iba ito. His eyes, it's not like his black eyes before but it’s brown now. Parang may nakikita ako sa mga mata niya. Hindi ko alam kong sino? Ano? Pero parang pamilyar ang mga matang ito.
Hindi ko na yun pinansin at dahil naramdaman ko ang paghawak niya sa bewang ko. Ikinawit ko lang ang mga kamay ko sa leeg niya at inilapit pa ang mukha dito.

Unseen Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon