Chapter four

27 1 0
                                    

Naze’s POV

Pagpasok palang namin ng hotel, nakita na namin ang mga reporters doon. Mga camerang kinukunan kami ng litrato. Nagulat ako ng hawakan ni vin ang kamay ko. Well of course, what do I expect? Nasa harap kami ng media. Pinaupo kami sa isang reserve table at sinimulan na ang interview.

Nakaka-ilang dahil business ang tinatanong nila kay Vin. At wala akong alam doon kaya tahimik lang ako at pangiti ngiti na mukhang tanga. Natigilan naman si Vin at ako ng makarinig ng isang tanong ng reporter. Tila napansin kasi ata ako na di nagsasalita.

"Ammm, sir Vin, kamusta naman po si Ma’am Naze as a wife?" tanong nito. Tiningnan naman niya ako at ngumiti.
"She's a good wife. After almost three months of being together , wala na akong mahihiling pa. Alam niyo yun? Maganda na, maasikaso pa at alam kong wala na akong hahanapin pa because shes almost perfect. No, not almost, she’s too perfect…" sagot nito. Maiiyak sana ako kung totoo ang lahat ng ito. Ngunit tila mas maiiyak ako sa kaisipang walang katotohanan ang lahat ng sinasabi niya.

"Kayo Ma’am Naze? Kamusta si Sir Vin bilang asawa mo? Ano ang masasabi mo sa kanya? Ano ba ang pakiramdam na maging asawa ang isang Vin Fontivilla?" tanong muli ng isa pang reporter. Nagulat ako at kinabahan. Nilingon ko si Vin na tila hininitay ang sagot ko. Nagulat ako ng yumakap ito sa bewang ko. Tila sinasabing ayusin ko ang sagot ko.

"Ah---si...  Si Vin? He's actually not the husband I -- I dreamed for." tila nagulat siya sa sagot ko at napahigpit ang yakap niya sa bewang ko. "Kasi, mas higit pa pala siya sa pinangarap ko. The sweetest men I have in life. Vin Fontivilla who’s wearing a formal suit is not what you think if he wear apron in the kitchen and serving you food in bed when you’re sick. And thank you for choosing me to be your wife" sagot ko sa mga ito at pilit na ngumiti. God! The last sentence of my answer must be the best lie I’ve tell to anyone. Nagtawanan naman ang mga reporters at tila kinilig sa mga sinabi kong kasinungalingan.

"So, kelan kami makakakilala ng Tagapagmana ng V company Mr. Fontivilla?" tanong ulit ng reporter na siya namang ikinatuwa ng mga kapwa niya reporter sa tanong.

"Hahahaha, we are actually thinking of that. Sooner or later, baka anjan na. Don't pressure us guys." natatawang sagot naman nito. Napangiti nalang ako sa mga ito. See, for the sake of their company, kailangan mong magsinungaling sa media. Sa harap ng ibang tao.

Natapos ang interview at pumasok kami sa isang hotel kung saan magaganap ang party ni Mr. Mac. Pagpasok namin nandoon lahat ang mga kilalang business man. And one them is Beverly. Kasama ang Daddy nito sa isang table. Inilagay muli ni Vin ang kamay niya sa bewang ko at inakay ako papalapit sa table nila. Tumayo namam si Mr. Mac na daddy ni Beverly upang batiin kami.

"Mr. Fontivilla. Andito ka na pala." paunang pagbati nito.

"Ah yes mr. Mac. Actually kagagaling lang namin sa isang interview for the lauching of my new project in Cebu." paliwanang naman ni Vin.

"Hi Mrs. Fontivilla. Nice to see you again. Last time nagkita tayo ay sa kasal pa ninyong dalawa. So, how are you?" tanong nito sakin.

"Im doing good Mr. Mac." tipid kong sagot dito. Maya maya pa ay inaya na din kami nitong umupo sa tabi nila. Kumakain kami ng biglang mag excuse si Beverly papuntang cr. Wala pang limang minuto at sumunod si Vin na pinag paalam ang sarili para mag cr din. Nakipagkwentohan ako kay Mr. Mac. Pero tila na iirita ako dahil puro kasinungalingan lang din ang sinasagot ko sa mga tanong niya tungkol sa pagiging mag asawa namin ni Vin. Buti nalang at may dumating na isang matanda para makakwentohan niya at nag excuse na rin ako para pumunta ng cr..

Ngunit parang may sariling utak ang mga paa ko at dinala ako sa dulo ng building kong saan makikita duon ang hagdan na dinadaanan kapag sira ang elevator. Bumaba pa ako kunti hanggang sa may narinig akong nag uusap.

"I miss you so much vin. Mahal na mahal kita." alam kong si Beverly yun. Humakbang pa ako pababa ng dalawang beses at nakita ko silang magkayakap.
"Don't worry love. Kunting tiis na lang. I would be yours okay. Mahal na mahal kita." sobra akong nadurog sa sinabing iyon ni Vin. Gusto ko silang lapitan at takdyakan. Gusto kong magwala. Pero bago pa ako maka alis tila napansin ako ni Beverly.

"Naze?" gulat nitong sabi. Kumawala naman agad siya sa yakap ni Vin. Lumingon sakin si Vin ngunit walang emosyon na makikita sa kanyang mukha.
"Enjoy flirting. I just going to watch from here." kalmado kong sabi.
"I'm sorry Naze" ang tanging nasabi ni Beverly.

"No, don't. Ang ganda nga ng palabas ee. Baka pwede kong isulat to sa libro ko. In titled the "The Mistress", di ba maganda. Exciting." ngmuti pa ako hanggang sa galit akong nilapitan ni Vin at hinila ako pabalik sa taas. Nasasaktan ako sa higpit ng hawak niya.

"Don't make a scene here Idiot!" galit nitong sabi. Don’t make a scene eh sila nga itong parang pinapanood sa cine. Sumakay kami ng elevator papuntang parking lot. Hindi na kami nagpaalam sa mga bisita at kay mr. Mac at agad niya akong tinulak sa kotse para sumakay. Umiiyak na ako.
Napahawak ako sa kamay kong sobrang pula na sa pagkahawak niya kanina.

Sobrang bilis ng sasakyan. Natatakot ako. Pero nanaig parin ang galit ko sa kanila. Narating namin ang bahay at agad niya nanaman akong hinila sa loob. Pahagis niya akong binitawan at napalakas ata ito kaya naman natama ang tiyan ko sa may upuan. Napahawak ako dito dahil sobrang sakit. Napapikit nalang ako sa sobrang sakit at napaupo sa sahig. Naramdaman kong tila may umaagos sa binti kong tubig. Kinapa ko kung ano yun. Mapaiyak ako. Dugo! Nakita ata yun ni Vin kaya nataranta.

"Naze, what's that? Naze!" narinig kong sigaw nito kaya agad akong binuhat  at dinala sa kotse upang itakbo sa hospital.

Unseen Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon