Naze's POV
"Mmmm, dito ka lang." aalis na sana ako pagkakayakap ni Vin sakin ngunit mas lalo lang niyang hinigpitan ang pagyakap sakin. Nakaunan kasi ako sa dibdib niya at nakayakap sa bewang niya.
"Vin, late kana. 9:30 na kasi." mahinahon yun pero may kunting lambing. Nakakailang lang pero parang ayaw ko na din bumangon at dito nalang ako sa bisig niya.
"Mmmm.." reklamo nito at ginulo ang buhok. Napangiti nalang ako sa ginawa niya dahil para siyang bata na ayaw magising.
"Vin.." tawag ko ulit dito at sinubukan muling umalis sa pagkakayakap niya. Nagawa ko naman ito at bumangon na ako para ayusin ang sarili ko. Bumaba ako ng kusina. Naghanda ng makakain at kape para sa kanya. Aakyat na sana ako ulit ng makita ko siyang nakatayo na sa pintuan ng kusina.
"Ah... Kanina ka pa jan?" tanong ko dito.
"Watching you preparing breakfast." sagot niya at lumapit sakin. Hinalikan ako nito sa labi. Smack kiss lang naman pero nagulat ako. Kung teenager lang ako, kanina pa ako nagtatalon dito sa kilig. "Sino nagsabing umalis ka sa tabi ko kanina mmmm?" yumuko ako para itago ang kilig na naramdaman ko sa ginawa niya."Tanghali na kasi... At, naisip ko baka may pasok ka pa."umalis ito sa harap ko at umupo na sa upuan. Hinarap nito ang hinanda kong pagkain kaya umupo narin ako kaharap niya.
"Hindi ako papasok ngayon." napatigil ako sa pagkain dahil sa sinabi niya.
"Ganun ba? Pupunta kasi ako ngayun sa bookstore ee." tila siya naman ngayun ang napatigil sa pagkain dahil sa narinig nito.
" Naze, This month na to ang due date mo. Anytime lalabas yang baby mo. Who would be there for you kung manganganak ka? Yung staff mo? Si Jiro?" inirapan pa ako nito sa inis niya. "And no, dito ka lang sa bahay."
Hindi na ako kumibo at tinuloy na ang pag kain. Baka mapunta lang nanaman ito sa away. Mahirap na...
Vin's POV
It's just good to see her reading a book in the living area while I’m here watching TV. Hindi talaga pumasok dahil gusto ko siyang makasama. I don't know pero parang gusto ko lang nasa tabi niya ngayon. I cancel all my meeting kaya nagulat nalang ako nang tumawag ang secretary ko.
"Sir, I'm sorry kung naistorbo ko kayo. Bigla po kasing tumawag si Mr. Grey kailangan po niya ng pirma mo para masimulan na nilang itayo ang project sa bacolod. Aalis daw po kasi siya bukas ng bansa." paliwanag nito.
"Okay, I'll be there in a minute." tumayo ako at tiningnan si Naze. Narinig niya ata ang sinabi ng secretary ko kaya nakatingin siya sakin ngayon na parang nagtatanong kung saan ako pupunta.
"They need me in office. I'll be back. May pipirmahan lang ako." paliwanag ko dito. Hindi siya umimik at ipinagpatuloy lang niya ang pagbasa sa librong hawak niya.
"Naze, wag kang aalis." bilin ko dito at kinuha ko na ang susi ng kotse. Di na ako nagpalit dahil madali lang naman yun. God! It's the first time na pupunta ako ng office na ganito ang suot. T-shirt and short at naka tsinelas pa.Papasok na ako ng companya pero natigilan ako dahil halos lahat ng pumapasok sa companya they wearing their formal attire. Hindi ata ako good model ng sarili kong companya. Nakita ko pa ang guard na nakatayo doon. Baka hindi rin ako papasukin ng guard na to dahil ganito ang suot ko. I made the rule of wearing decent before entering the company pero ako mismo ang sisira nun.
Tatawagan ko na sana ang secretary ko para dalhin nalang dito sa parking lot ang pipirmahan ko pero puteks! Naiwan ko pala cellphone ko. I had no choice but to get inside the company. Papasok na akong nakayuko para di ako makilala pero hinarang ako ng guard."Sir, bawala po kayong pumasok." huminga ako ng malalim at tiningnan siya. "Sir... Kayo pala yan. Kala ko po kasi bawal ang ganyang suot." nagulat ata ito at kitang kita sa hitsura niya.
"I'm in hurry." sagot ko at pumasok na. Nakita ko naman ang ibang empleyado na nakatingin sakin pero nakayuko lang akong takbo lakad na tinungo ang elevator. Narating ko naman ng maayos ang opisina ko. Nakita ko ang secretary ko sa table niya at nagulat din sa suot ko.
"Sir?" hindi pa ata naniwala na ako to at nilapitan pa ako ng masiguro kong ako nga ito.
"Where are the papers?" tanong ko dito.
"Ah-... Nasa table mo po. Andun din si Mr. Grey sir, hinihintay ka." pumasok ako sa loob at nakita kong nakaupo doon si Mr. Grey. Lumingon ito at tila pati siya ay nagulat."Sorry Mr. Grey if I'll make you wait." sabi ko at nakipagkamay sa kanya bago umupo sa presidential chair.
"It's okay Mr. Fontivilla. If I only know na kagigising mo palang, I couldn't---"
"Ah, no Mr. Grey, actually I just really need a rest day and time for my wife kaya hindi ako pumasok today. But off course you are important kaya pinuntahan kita agad." Ini-alok ko sa kanya ang muli niyang pag upo.
"I am surprise for that Mr. Fontivilla. Ang sarap marinig na importante ako sayo, pero mas masarap pakinggan ang sinabi mong hindi ka pumasok para magkaroon ka ng oras sa asawa mo. Such a responsible husband." natutuwang sabi nito.
"Thanks for the compliment. So, shall we start?"
"Off course. Here, just sign the contract para masimulan na ito ng mga tauhan ko bukas at iiwan ko nalang ito kay Engineer Lucas. Dahil kagaya mo, aalis din ako bukas to visit my family in U.S . And I hope I can come ASAP next week to check the project."
"I'll pray for your safe trip Mr. Grey." sagot ko habang pumipirma.
"And I'll pray for the happiness of your life Mr. Fontivilla. You're still young at marami pa kayong pagdadaanan ng asawa mo. But all you need to do is to protect her and love her no matter what." Mr. Gery is like a father to me since we become partners in Business. I saw her how he handle and manage his time between work and family. Kaya nakikita ko ang saya sa mukha niya pag pamilya ang pinag uusapan.
"By the way, thanks for signing this. I know, nagmamadali kang pumunta dito at alam kong kailangan mo din magmadali umuwi dahil hinihintay ka ng asawa mo."
Sabay na kaming pumunta ni Mr. Grey sa parking lot. Binilisan ko ang pagdra-drive para makarating sa bahay. Halos 45 minutes na din kasi ang lumipas. Pagdaring ko nang bahay, akala ko may bisita sa loob dahil parang may kausap si Naze. Pero pagpasok ko nasa phone pala ang kausap niya at parang hindi rin napansin ang pagpasok ko.
"Who's that?" tanong ko dito. Nagulat naman siya kaya nilingon ako mula sa likuran.
"Si----Bella." sagot nito saka nagpaalam sa kausap at binaba na nito ang phone niya.
"Why did you ended the call, kung si Bella lang naman. Not unless si Jiro yun." pranka kung sabi dito."Nangangamusta lang siya." sagot niya. Tumayo ito at naglakad papunta sa garden. Nakatayo lang siya doon habang nakatingin sa aquarium malapit mga orchids. Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likuran niya. Bumaba ang kamay ko sa tiyan niya at pinakikiramdaman iyon.
"Are you mad because I'll make you wait?" tanong ko at inilagay ang baba ko sa kanyang balikat. Umiling naman siya. "Then why are you still don't talk to me?"
"Where is my pizza?" nagulat ako sa tanong niya. Pizza? Anong pizza? Hinarap niya ako at binigyan ko siya ng nagtatanong na emosyon. "Did you receive my text? I texted you to buy me pizza." parang tumaas naman ata ang kilay ko sa sinabi niya. Umalis ito sa pagkakkayakap ko sa kanya at bumalik sa loob.

BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...