Vin’s POV
Natutulog na Naze pag akyat kong muli sa kwarto galing sa mini office ko. Nakatagilid ito at kitang kita ko ang hubog ng tiyan niya dahil hindi ito naka kumot. Hindi ko alam pero tila may utak ang paa kung nilapitan ito. Lumuhod ako sa tapat ng tiyan niya upang makapantay ito. Unti unting umangat ang kamay ko para hawakan ito. Nanginginig.
Natatakot na baka maramdaman ni naze kapag hinawakan ko ito. Ngunit bago ko pa maisipang wag hawakan ay naipatong ko na ito sa bandang puson niya.
Bakit parang hinahanap ng kamay ko ang baby at tinatawag ng utak kong gumalaw ito. Nasa ganun akong posisyon habang hinihintay ang paggalaw niya. Pero wala parin akong naramdamang galaw. Baka tulog na...
Tumayo akong muli at umalis...
Naze’s POV
Nagising ako nang wala si Vin sa tabi ko. Ganun naman talaga ee. Lagi naman yun. Halos isang gabi sa isang linggo ko lang siya makatabi sa pagtulog. Minsan wala pang isang beses. Tumayo ako at pupunta sana ng sala ng makita kong medyo naka awang ang pinto ng kagabi naming kwarto. Lumapit ako dito at binuksan iyun. Si Vin.. Dito siya sa kabilang kwarto natulog. Hindi siya umalis kagabi.. Napangiti naman. Okay na yun. Kahit dito na siya matulog sa kabilang kwarto. Atleast, alam kong hindi niya kasama si beverly kagabi. Lumabas na akong muli para pumunta ng kusina. I'm drinking my coffee when I heard him coming down stairs. Nagulat nalang ako ng umupo siya sa tabi ko sa dining table at uminom sa kapeng tinimpla ko. Napatigil ako sa pagkain ng bread at tinitigan siya.
"What's on that look?" tanong neto.
"It’s my coffee." sagot ko naman dito.
"And so? You had me here, may asawa ka pero kape mo lang ang tinitimpla mo?" sabi nito.Nakakagulat na ang kinikilos nito simula nung sinundo ako neto sa bahay. Ano kayang pagkain ang ipinakakn ni mama mel dito at biglang nagbago ang ihip ng pakikitungo.
"Kasi dati kahit tintimplahan kita at pinagluluto, ginagawan ng bread di mo naman ginagalaw, hindi mo kinakain o tinitikman man lang." prangka ko dito. Saglit siyang napatitig sakin. Parang sinusuri kong bakit ko nasabi ang mga yun ngayun.
"Sabi ni mama may checkup ka ngayun. I'll come with you." pag iiba nito sa usapan at muling humigop ng kape.
"Wag na. Alam kong may pasok ka. At nakakahiya naman kung maistorbo pa kita. Ako nalang mag isa ang pupu----"
"Wag mo akong turuan. I'm the boss of my own company. I can be there anytime I want. Kaya sa ayaw at gusto mo kasama mo ako sa checkup." Tumayo na ito at umalis ng kusina dala dala ang kape ko. Bakit parang ang hilig niya ngayun na umagaw ng pagkain ko. Ano ba talaga ang nangyayari kay Vin ngayun?
-------------------------
Mga ilang minuto din kaming naghintay sa pagdating ni Doktora Suason dahil may pinaanak daw ito. Siya kasi ang kinuha ni Vin na doctor ko. Matapos niyang icheck ang tiyan ko kinuha niya ulit ang ultrasound para makita namin ang baby... Na excite tuloy ako kaya siguro ako napaluha. Tiningnan ko naman si Vin na tila titig na titig sa pinapanuod niyang utrasound. Napangiti tuloy ako dahil parang nakikita ko rin sa kanya ang excitement. Pero nasa kabilang utak ko rin ang pagsasabi na bakit siya ma-eexcite ee hindi nga niya tanggap ang bata sa tiyan mo.
"Be ready Mrs. Fontivilla, 2 months nalang manganganak kana. Kelangan mo din maghanda dahil kapag nasa 7 or 8 months ang baby, nagkakaroon tayo ng false alarm jan. Kaya wag kang mag panic kung may mararamdaman ka." payo naman samin ni doc.
"How is the baby?" tanong ni Vin.
"He is Good Mr. Fontivilla. The baby is holding strong to her mom. Kaya wala kayung dapat ipag alala. Napa ka healthy ng bata." sagot nitong muli…"HE?" nagtatakang tanong ni Vin.
"Yes, he is a baby boy. Parang magkakaroon kayo ng Fontivilla de second." napayuko naman ako sa sinabing iyon ng doktor. Hindi ko kasi mabasa kung ano ang nasa utak ni Vin sa sinabi nito. De second Fontivilla? Hindi ko nga alam kung gusto niyang isunod sa apelyedo niya ang batang ito.
"Thanks Doc. Suason. I guess we have to go." paalam nito.
"Salamat po" sabi ko at sumunod na rin kay Vin palabas ng Clinic.
Nasa loob kami ngayun ng kotse. Walang imikan. Siguro iniisip niya parin ang sinabi ni Doctora tungkol sa pangalan niya.
"Ah, Vin… Idaan mo nalang muna ako sa bookstore, doon muna ako." sabi ko dito. Hindi ako nilingon at hindi rin ito sumagot. "Titingnan ko lang kung may mga bagong stock nang dumating nag-order kasi ka----""No..." putol niya sa pagpapaliwanag ko.
"Kami para sa BS collage book, mahirap na kung kulang yung dumating uuwi d---""I said NO! Alin doon ang hindi mo naintindihan?" medyo pasigaw nitong sabi. Tiningnan ko siya na parang naiirita papunta na sa galit na emosyon. Yumuko nalang ako.
"Okay NO." sabi ko nalang dito at hindi na muling nagsalita.
Kasalukuyan kaming papasok ng bahay ng maisip kong itext muna si Jiro para siya na muna ang umasikaso sa orders namin. Nagtatype palang ako ng mensahe habang naglalakad papasok ng bahay ng bigla akong may nabunggo. Yung tiyan ko naman kasi ang tumama dito kaya napahinto ako.
"Who are you texting?" tanong nito. Napaangat naman ako ng mukha. Si Vin pala. Magkasalubong ang mga kilay nitong nakatingin sa cellphone ko. Lumayo naman ako dito konte para makapagsalita.
"Si Jiro… Siya nalang itetext ko para siya nalang muna ang bahala sa lahat." sagot ko dito. Pumasok na siya sa loob at sinundan ko. Ipinagpatuloy ko ang pagtatype ng minsahe habang nakatayo malapit sa pintuan.
"Who is that Jiro." tanong neto. Hindi ko na siya nilingon dahil busy ako sa pagtatype.
"One of my friend when I was in college. Kami kasing dalawa ang omorder ng mga librong para sa mga studyente niya. Teacher kasi siya ngayun sa University" paliwanag ko dito.
"Bakit hindi nalang mga staff mo ang utusan mo tungkol jan at hindi yang kaibigan mo?" muling tanong nito pero hindi ko parin siya nililingon. Mahaba haba din kasi tong ibinibilin ko jay Jiro kaya mataga-tagal akong mag type.
"Meron pero hindi ko nasabi sa kanila. Si Jiro lang nakaka alam kung ilan ang orders at kung ano pa yung mga na order na iba..." isesend ko palang sana ang mga na itype ko nang bigla niyang inagaw ang cellphone ko at itinago yun sa bulsa niya. Nagulat naman ako sa ginawa niyang iyon. Maya-maya ay iniabot niya ang kanyang cellphone.
"Here, call my secretary and send her the details. Siya na gagawa ng ipapagawa mo sa Jiro na yun." naghihintay ata ito na abutin ko.
"Hindi na… Kay Jiro nalang. Na type ko naman yung details kay Jiro ee. Isesend ko nalang yan. Mapapagod nanaman akong magtype kapag yung secretary mo---"
"You don't?" kinuha nito ang cellphone ko mula sa bulsa niya at binura lahat ng text ko kay Jiro pati na rin ang number niya. So what kung binura niya. May messenger naman, may email... Topak ba siya? Pero wait... Akala ko ibibigay na niya yung phone ko pero binulsa niya ulit ito at pumunta na sa mini office niya. Sinundan ko naman siya doon.
"Akin na ang cellphone ko." sabi ko dito. Kumuha ito ng mga ilang libro mula sa bookshelf at ibinigay sakin. At dahil addict ako sa libro kinuha ko naman yun. "Bakit toh?" tanong ko.
"Umupo ka at walang lalabas ng office nato hanggat wala akong sinasabi. You're going to read that book while in doing my work." Ma’autoridad nitong utos. Umupo lang ako sa sofa doon at binuklat ang mga librong binigay niya. Wow! Just wow!! Ito yung librong matagal ko nang hinahanap pero lagi akong nauubusan ng stock. The book of writter. At ang author nito ay si GEORGE HUNGURTIN ang sikat na manunulat sa buong mundo. Nasa 2,555 pages ang libro kaya matagal tagal din ito bago ko siguro matatapos basahin. Naaliw ako sa pagbabasa dahil sobrang gustong gusto ko talaga itong basahin. Kung alam ko lang na may libro siyang ganito sana noon ko pa hiniram. Hays!
Ilang minuto pa ang lumipas at hinikab ako. Sakto naman na napansin ng mata ko si Vin sa table niya. Busy na busy sa pagtipa ng laptop habang nerereview ang mga papel sa harap niya. Tumitig ako saglit sakanya at tinuloy ang pagbabasa.
BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...