Vin's POV
Isang malakas na suntok ang pinakawalan ni Daddy Jack sakin pagbukas ko palang ng room ni Naze. Kinaladkad ako nito palabas. Pangalawang suntok hanggang sa umawat si Mama. Kulang pa ang suntok na yun Dad. Kulang pa sa lahat ng ginawa ko. Pumikit lang ako at kusang nahulog ang luha sa aking pisngi.
"You don't deserve her. Kung alam ko lang na mangyayari to Vin, I shouldn't push her to merry you. I shouldn't let her to love you. Kung alam ko lang Vin..." doon ang unang beses na nakita kong umiyak si Daddy. Doon ko unang beses na nakita ang sobrang pagsisisi. Sa buong buhay niya, wala siyang naging desisyon na pinagsisihan niya. Pero ito siya ngayon sa harap ko. Umiiyak at puno ng emosyon.
Inakay siya ni Mama para maka-upo sa bench malapit saamin. Niyakap niya si Daddy Jack at pilit itong pinapakalma. Umalis ako at pumunta sa rooftop ng hospital na ito. Doon ako sumigaw. Doon ako nagwala. Doon ko ibinunton lahat ng sama ng loob at galit sa sarili ko. I want all this pain out. Gusto ko nalang tanggalin ang puso ko para mawala ang sakit."I'm sorry Babe... I'm sorry..." yan ang paulit-ulit kong sinasabi sa gitna ng aking paghikbi.
Ilang oras din akong nanduon at nag isip, umiyak. Hindi ko na alam kong paano haharapin ang lahat ng tao sa paligid ko. Hindi ko na alam kong paano ko sila titingnan.
"Natatakot kang mawala siya. Natatakot kang ipakita ang totoo." napatango nalang ako sa sinabi nito pero hindi ko parin siya tinitingnan. "Bakit hindi mo harapin ang kinatatakutan mo anak? Bakit hindi mo ipakita at iparamdam ang totoo? Kailangan kanya ngayon. Kailangan mong magpakatatag para sa kanya." tumabi siya akin at hinaplos ang likod ko.
"I don't know Ma. Hindi ko na alam kong paano." niyakap niya ako habang sinusuklay ng kamay niya ang buhok ko.
"Vin Fontivilla is good for hiding his feelings, alam ko yan. But you need to show and tell them about it. Dahil hindi lahat ng bagay at nararamdaman ay naitatago. Pj needs you. He needs a father." he also need a mother at hindi ko kakayanin kong mawawala ang mama niya dahil sa akin.
--------------------------
Ilang linggo na ang lumipas pero hindi parin nagigising si Naze. Daddy Paul was here also. Pero kahit isang salita wala akong narinig sa kanya. Wala akong na nakuhang suntok o ano pa man galing sa kanya. Hindi ko alam kong paano siya kakausapin.
Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Pero gaya ng dati, kalmado lang siya. Siguro kailangan niya din maging kalmado dahil sa sakit niya.
"Puntahan mo si Pj sa bahay. May klase ngayon si Ed. Walang magbabantay sa kanya." bilin nito. Tiningnan ko siya pero nakatitig lang siya sa mukha ng anak niya.
"Yes Dad." sagot ko. Aalis na ako ng biglang magbukas ang pinto. Si Jiro.
"Ako din Vin, before you I have Jiro na laging anjan para protektahan ako, na handang tanggapin ang lahat kahit ang anak ko. But I choose you. I choose you for no reason but to love you. Sana alam mo din yun. Sana naintindihan mo din yun." biglang bumalik ang sinabing iyon ni Naze bago mangyari ang lahat ng ito. Nanliit ako sa sarili. Iniwas ko ang tingin sa kanya at lumabas na nang kwarto.
Jiro's POV
Naiyak ako nang makita ko ang kalagayan ni Naze. Hindi dapat nangyayari sa kanya ang lahat ng ito. Wala siya dapat dito. Lumapit ako para mahawakan ang mga kamay niya. Nilagay ko yun sa aking mukha at sinimulan ng luha ako ang malaglag.
"Naze, wake up. Sabi mo bibilhin ko pa lahat ng libro mo sa bookstore diba? Sige na. Bibilhin ko na. Gumising ka lang." pinisil ko ng bahagya ang palad nito.
"Gigising siya Jiro. Gigising siya pero wag nating asahan na makikita pa tayo ng mga mata. Ihanda natin ang sarili natin sa pagkakataong iyon." hindi makikita ng mga mata niya? Palstanung ang sinabing iyon ni tito Paul.
"Tito? Anong ibig niyong sabihin?" tanong ko sa kanya.
"Her eyes was affected because of strong impact when her head bump. Sabi ng doctor may kumalat na dugo sa mga mata niya." nanlumo ako sa balitang iyon ni tito Paul. Napaiyak ako lalo at napahagolgol.
"Jiro, alam ko kung gaano mo kamahal si Naze. Alam ko kung gaano mo siya gustong protektahan sa lahat. Maraming salamat." tumango ako sa sinabi niya. If Naze just give me the chance to love her. Hindi ako papayag na mangyari ito sa kanya. Pero ano pa ba ang gagawin ko kung nangyari na.
"Kung hindi ko po siya pinilit noong gabing yun, hindi mangyayari ang lahat ng ito. Kasalanan ko ang lahat..." yumuko ako para maitago ang hiya at pag iyak.
"Nangyayari ito dahil may gustong iparating ang Diyos sa atin Jiro. Alam mo kung ano ang pinakamalaking natutunan ko kay Naze, yun ang lumaban kahit alam mong talo kana. Yun ay ang maging mapagpatawad sa laht ng pagkakamali. At sana ganun din ang natutunan mo Jiro." tumango ako lumapit sa kanya para yakapin siya.
Vin's POV
Nakatitig lang ako sa batang naglalaro ngayon sa harap ko. Tinitingnan siyang mabuti. Ang mga mata, ilong at labi, Pj... Vin de second. Ngumiti ito habang nilalaro ang mini -car toy. Lumapit siya sa akin at nagpabuhat. Binuhat ko siya at nilagay sa lap ko.
"Miss mo ba si Mama?" tanong ko sa kanya.
"Ma..m..." bigkas niya. Parang Mama ang gusto niyang sabihin. Niyakap ko siya dahil alam kong hinahanap na rin nito si Naze.
"Just wait baby okay. Uuwi din si Mama. You will going to hug her tight. Like this." hinigpitan ko ang yakap ko dito. Yumakap naman ito pabalik.
"Sorry baby. Sorry for being stupid. Napaka gago ng Daddy mo ee. Baka nga hindi ako karapatdapat maging Daddy mo." Hinalikan ko ang baby ko sa pisngi. Pinatulog ko siya sa kwarto ni Naze dito sa bahay nila.
Napatayo ako dahil nahagilap ng mata ko ang isang picture frame sa side table ng bed. Nilapitan ko ito at tiningnan. Maybe this is Naze when she was a kid.
Buhat-buhat siya ng Mama niya. She look so happy. Ang ganda ng mga ngiti niya dito. Inilapag ko ulit ito sa ito sa table. Napansin ko ang drawer ng table na ito at parang may nagtular sa mga kamay ko para buksan ito.May nakalagay ulit ditong mga picture. Kiniha ko ang mga yun at isa-isang tinitigan. Pero napatigil ako sa isang picture. It was her graduation picture sa R.M.Q University. Pero hindi yun ang tinitigan ko. Kundi ang kamay niya at ang suot nitong bracelet. It was a simple bracelet yet beautiful. Manipis ito na kulay silver at may design na hugis puso sa gitna.
"Noong gabing yun nasa bar kami. Katatapos lang ng aming graduation and it's my first time to hang-out with my friends. Unang beses kong sinuway ang Daddy ko, unang beses kong tinikman ang alak. Lasing ako, hindi ko alam ang ginagawa ko. Nasa dance floor ako habang sumasayaw pero hinila ako ng isang lalaki. Wala akong lakas para pigilan siya. Hanggang maipasok ako sa kotse niya..."
Bumalik sa isip ko ang sinabi niyang iyon. Napayuko ako pilit na inalala ang lahat. Ang bracelet na yun. Totoo ba ang iniisip ko? Tama ba ang kutob ko? Pero napaka imposibleng hindi. Hindi ako pwedeng magkamali.Ibinalik ko na ang mga picture sa loob ng drawer. Nakita ko ulit ang isang box doon. Binuksan ko yun at nakita ko ang bracelet sa picture. Kinuha ko ito at tinitigan. Hindi... Hindi ako pwedeng magkamali... Napahigpit ang hawak ko sa bracelet na yun at umiyak. Umupo ako sa sahig at doon ako yumuko para ibinulos lahat ng luha na meron pa ako sa mga sandaling ito.
Napakalaki kong tarantado!

BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...