Naze’s POV
Ipapahatid pa sana ako ni Mama sa driver nila pero hindi ko na tinanggap ang alok nito at nagtaxi na agad. Pinuntahan ko si Vin sa dati naming bahay. Ilang sunod-sunod na doorbell ang ginawa ko at hindi ko tinigilan hanggang binuksan yun ni Jen. Binati pa ako ni Jen na sobrang saya pero hindi ko siya pinansin at dali-daling pumasok sa loob.
"Vin! ...Vin akin na si Pj." sigaw ko sa sala. Sisigaw pa akong muli ng makita ko na itong pababa ng hagdan. "Where is Pj?"
"Natutulog." tipid na sagot nito.
"Iuuwi ko na siya." lalagpasan ko na sana ito at pupunta sa taas nang humarang siya sa hagdan.
"Pj stays here. He's not going to US with you." tiningnan ko ito at walang emosyong nakikita sa kanyang mukha.
"We already talk about this Vin." pilit kong tinatanggal ang mga kamay niya nakasara sa dadaanan ko pero hindi siya nagpaubaya.
"I didn't tell you YES." mabigat ang tono ng pananalita nito at pinandiinan pa ang YES!
"Vin, pwede mo namang siyang bisitahin anytime sa US. Marami kang pera, kaya mong pabalik-balik doon para tingnan siya." sinunggaban ko ang pagkakataon na tumitig ito sa akin at biglang tinangkal ang kamay na nakaharang sa dadaanan ko bago tumakbo. Pero kapag minamamalas ka nga naman at paglagpas ko palang ng hagdanan naabutan na ako nito at binuhat na parang sako ng bigas bago dalhin sa isang kwarto. Kung saan siya natutulog noon.Hindi ko naman inaasahan ang biglaan niyang pagbagsak sa akin sa bed. Be gentleman naman. Ikaw nagbuhat-buhat ikaw pa walang modo. Buti nalang malambot tong kama ee.
"I don't give a shit time of travels just to go in US and visit my son kung pwede ko naman siyang makasama dito araw-araw at oras-oras kong hindi mo siya ilalayo. Damn it Naze! You are taking away Pj from me. Alam mo ba kung ilang oras, araw at buwan na hiningi na sana kahit wala akong makita noong panahon na umalis ka ay maalala mo ako at nang mahawakan man lang ang anak ko." pinipilit nitong ikalma ang boses pero kitang kita ko ang galit.
"Dahil hindi mo sakin sinabi. Hindi mo sinabing ibibigay mo sakin ang mga mata mo. Kung sana sinabi mo, naintindihan ko. Sana hindi na kami lumayo." sagot ko sa kanya na mataman siyang tinititigan.
"Kung sinabi kong ibibigay ko sayo ang mga mata ko, papayag ka ba Naze? Hindi ko sinabi dahil alam kong hindi ka papayag. Hindi ko sinabi dahil sabi mo gusto mo pang makakita at gawin ang lahat ng pangarap mo para kay Pj. Hindi ko sinabi dahil ibinigay ko sayo ang pagkakataon na yun." napahilot pa ito sa kokote niya na parang nahihilo.
"Vin, are you okay?" tumayo ako para lapitan siya ngunit nilayuan niya ako.
"Sana bigyan mo din ako ng pagkakataon na gawin ang mga pangarap ko para kay Pj. Dahil kung pangarap mo noon na binabasahan siya ng libro bago matulog, if you dream na makita siyang lumalaki. Pinangarap ko din yun Naze... At laking pasasalamat ko kay Daddy Paul dahil binigyan niya din ako ng pagkakataon para makita ulit ang ngiti ng anak ko." aalis na sana ito pero pinigilan ko siya.
"Pareho tayong may pangarap gawin para sa kanya. At parte ng pangarap natin ang makita siyang lumalaki habang nasa tabi natin. Pero isa sa atin ay hindi matutupad ang pangarap na yun." hindi ako nito nilingon ngunit napabuntong hininga ito.
"If you want to go, just go and leave Pj with me."
Napaupo akong muli sa kama at napahilamos ang kamay sa mukha bago bumuga ng malalim na hangin.
Hindi ako lumabas ng kwartong iyon. Nag-iisip kong ano ang dapat gawin. Oras na lang ang binibilang bago ang flight namin bukas. Humiga ako at tumitig lang sa kisame. Kakaisip ay alas dose na pala ng gabi. Tumayo ako at lumabas ng kwarto.
Dahan-dahan akong pumunta ng kusina para kumuha ng maiinom. Napatapik nalang ako sa noo ko nang mapansin siyang nasa mini-stole bar na nakaupo at may kaharap na alak. Babalik na sana ako sa taas pero narinig ko siyang magsalita."Hindi ka umiinom? Sa pagkaka-alala ko lasing ka noong gabing may nangyari sa atin kaya hindi na natin nakilala ang isa't-isa." ang lakas naman pakiramdam niya at alam na nandito ako ngayon sa likuran niya. "Nakikita kita sa reflection ng salamin."
Lumingon ulit ako sa kanya at nakita ko ang salamin sa gilid papunta sa kusina. Kaya pala. Lumapit naman ako dito at umupo sa isang stole bar doon malapit sa kanya.
"Umiinom ako!" pagmamayabang ko. Kinuha ko ang nasa shoting glass at itinungga yun lahat. Hindi parin ako sanay kaya napapikit ako sa lasa nito. Tumingin naman siya sa akin na parang nang-aasar.
"Weak." bulong nito pero dinig na dinig ko. Nilagyan ko ulit ang shooting glass at pinuno pa iyon bago itungga lahat. Gusto kong isuka pero pinilit kong nilunok.
"Hindi ako mahina!" sabi ko habang iniinom pa ang natira sa bunganga ko.
"Kung sinabi mo lang sana sakin noon na ikaw yun, sana nakita ko agad ang pagmamahal mo at naamin sa sarili ang nararamdaman ko." siya naman ang kumuha ng shooting glass at nilagyan lang yun ng alak.
"Bakit? Kung hindi ako yun mamahalin mo parin ba ako. Alam mo bang natakot akong sabihin sayo na ako ang babaeng yun dahil tingin mo sa kin, slut, whore!" sagot ko sa kanya habang hinihintay na inumin ang alak na inilagay niya sa shooting glass.
"No! Dahil kahit noong hindi ko pa alam na ikaw nga talaga yun, alam kong may nararamdaman na ako sayo. Pero tinatakpan ko yun ng galit at pride. Noong panahon na hinawakan ko ang sanggol sa sinapupunan mo, hinalikan kita habang nagluluto, at balak angkinin kang muli habang nanunuod ng TV. Alam kong gusto na kita nun. Alam kong especial ka sakin na ayaw kong mawala." kakahintay kong iinumin ba nito ang alak ay ako na ang gumawa.
"Mahal mo si Beverly?" tanong ko ditto at tumitig sa kanya.
"I love Beverly. I do. Noon. Noong hindi ka pa dumating sa buhay ko." sagot niya. Napatitig naman ako dito. Hindi ko na rin namamalayan kung ilang beses na akong naglagay sa shoting glass at uminom.
"Alam mo ba? Pumayag akong magpakasal sayo dahil gusto kong bigyan ang anak ko ng buong pamilya. Ayaw kong matulad sa akin ang anak ko na iniwan gaya ng Mama ko. Sabi ko, baka matutunan din naman kitang mahalin. At tama naman yun dahil paghawak mo palang sa mga kamay ko at sumumpa sa harap ng Diyos at maraming tao… pakiramdam ko mahal na kita. At lumalim pa yun nung tumira na tayo sa bahay na to. Wala pang dalawang buwan noon… kahit hindi mo ako pinapansin, pilit parin akong nagluluto ng breakfast para sayo para lang mapansin mo." tumawa naman ito sa kwento ko at parang alam na alam ang nararamdaman ko.
"I know. Hindi pa ako na bulag alam kong papansin kana. Ililipat mo kung saan ko nilalagay ang susi ng kotse para hanapin ko sayo, kakalimutan mong ilaba ang favorite necktie ko para ipasuot ang gusto mo. Bubuksan mo yung cr kahit alam mong naliligo ako. At yung mga niluluto mo, tinitikman ko yun pag umuuwi ako. Sinisilip kita pagtulog kana. Akala mo, hindi ako umuuwi pero natutulog ako sa kabilang kwarto o di kaya sa guest room at aalis ng maaga." nagulat naman ako sa mga sinabi nito. Kung ganon matagal na niyang alam. Natagal na niyang napapansin yun? Binuksan ko ang isang can ng beer at ininom yun. Kahit pait na pait ako ay pinilit ko paring lunukin.
"Alam mo lahat pero di ka parin namamansin at hindi mo parin ako minahal." inirapan ko pa ito para ipaalam ang pagkainis ko.
"Like I said, kinain ako ng pride at galit. Pagka-torpe. Pero kung noon ko pa inamin ang nararamdaman ko, sana hindi nangyayari ang lahat ng ito." gusto ko pa sanang magsalita pero parang naiinitan na ako. Pinagpapawisan ako kahit may aircon. Parang ang bigat din ng ulo ko. Tatayo na sana ako para pumunta ng kwarto pero para akong lumilitaw at hindi ko maapakan ang sahig.
Isang hakbang palang ay hindi ko na kaya. Lumuhod ako at kinapa ang sahig para doon nalang sana humiga. Hindi ko na kasi kaya. Nabigla nalang ako ng maramdaman kong may bumuhat sa akin. Hinaplos ko pa ang kanyang mukha. Dinala ako ni Vin sa kwarto. Ramdam ko ang pagdikit ng kama sa aking likod.
"Ang init." reklamo ko dahil sa para akong nakalunok ng apoy. Umupo ako at tinanggal ang damit ko. Alam kong nilalamig ang balat ko pero ang init ng lalamunan hanggang sa tiyan. Nakita ko naman si Vin na nakaupo lang sa gilid ng kama habang walang reaksiyon makikita. Lumapit ako sa kanya at walang sabing hinalikan siya.
BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...