Naze's POV
"Hello Ed? Pwede ko bang maka-usap si Dad. Miss ko na kasi siya ee." hindi kasi ako nakatawag sa kanya noong birthday ni Pj. Dalawang linggo na din ang lumipas."Ah, ate. Nasa Farm field kasi si Tito ee." sagot naman ni Ed sa kabilang linya.
"Ganon ba. Hindi ko rin siya ma-contact ee." mukhang nakapatay pa ang cellphone niya.
"Baka busy lang po talaga siya ate. Alam niyo naman si Tito napa ka hard working." napabuntong hininga nalang ako at napakamot sa ulo.
"Sige sige... Sabihin mo kay Dad tumawag ako ha. Salamat." kung sabagay tama naman si Ed. Sobra-sobra kasi kung magtrabaho si Dad. Akala mo naman may binubuhay na sampong anak ee wala naman.
Kinuha ko ang laptop ko para mag edit ng design para sa mga libro. Nasa kalagitnaan ako ng pag-eedit ng biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Krisha noong gabi bago ang birthday ni Pj. Hindi na si Vin ang nagpapatakbo ng companya kundi si Daddy Jack. Hindi na rin siya nakikita sa mga cover magazine. Eh asan ngayon si Vin? Bakit walang balita sa kanya?
I try to research for V company. May mga nakita akong latest news about them pero tungkol lang ito sa signing of contract sa Europe at Africa... Tiningnan ko ang picture kong sino ang nandun para mag-sign ng contract. Hindi ito si Vin kundi ang Daddy niya. Pero ang sabi ni Mama Mel noon sakin after my Eye transplant operation, Vin go to Europe for their project. Bakit si Daddy Jack naman ang nag-sign ng contract together with Vin's secretary.Nasa ganong pala--isipan ako nang may marinig akong yabag papunta sa desk ko. Si Jiro pala. Naka tour Visa lang kasi si Jiro for 15 day's kaya siguro uuwi na to bukas.
"Bakit parang ang lalim ng iniisip mo?" tanong nito at umupo sa front desk.
"Wala. Yung ine’edit ko. Iniisip ko lang kung anong magandang kulay." sagot ko at muling nagfocus sa laptop.
"I'll be leaving next day." sabi niya. Tumingin naman ako dito at nababasa ang lungkot sa mga mata nito.
"Buti pinayagan kang papasukin dito." pag iiba ko muna ng usapan para hindi muna siya malungkot.
"Yes. Sabi ko bibisitahin lang kita." tipid niyang sagot.
"Jiro, actually... Iniisip ko kung nasaan na nga ba talaga si Vin." nagulat naman ito sa sinabi ko at napatitig pa siya saakin.
"Naze... Hinanhanap mo siya?" tanong nito.
"No... I wonder kung nasaan siya ngayon. Kasi sabi ni Krisha si Daddy Jack ang nagpapatakbo ng companya. Wala namang sinabi sa interview ni Daddy Jack na nasa Vacation lang si Vin." paliwanag ko.
"Secret vacation maybe." napaisip ako. Siguro nga nasa secret vacation kasama si Beverly. Kung na contact ko lang si Dad isa sana sa mga itatanong ko kung napirmahan na ba ni Vin yung annulment napinadala ko noon.
"Ammm, Jiro. Thanks for coming sa birthday ni Pj. Salamat din kasi sobra kong nakitang nag enjoy siya kasama ka." ngumiti lang ito bilang sagot sa mga sinabi ko. I really appreciate Jiro's kindness especially when it comes to Pj.
"Oh, I need to go. Mag eempake pa ako. Pupuntahan ko nalang si Pj sa apartment nina Bella para magpaalam." tumango naman ako dito. He just give me smile, ngiting may lungkot. Nalulungkot siguro ito dahil kailangan na niyang umuwi.
PhilippinesMel's POV
Hindi ko na alam kong anong gagawin ko. Hindi ko na rin alam kong paano ko itatago ang lahat. Lalong lalo kay Naze at Pj. Napapaisip ako kung kasalanan ko ba ang lahat ng ito? Mali ba na ginawa ko ang lahat ng mga bagay na akala ko makakabuti para sa kanila? Pinakasal ko ang anak ko kay Naze. Pinakasal ko ang dalawang tao na hindi makita kong gaano nila kamahal ang isa't-isa. Pilit na binubura ang nararamdaman dahil sa takot at pangamba.
Ang annulment nila noon. Pinigilan ko dahil pilit ko pa rin silang pinagkaayos. Bago ko pa sila ipakasal, sana sinabi ko na kay Vin na buntis si Naze at siya ang babaing hinahanap nito. Hindi ko sinabi sa kadahilanang gusto kong siya umalam. Akala ko bago sila ikasal kilala niya ang babaeng hinahanap niya. Akala ko namumukhaan niya ito. Pero mali parin ako. Hanggang sa maaksidente si Naze. Mawalan ng paningin. Doon ko nakitang nahihirapan ang anak ko saa lahat.
Nahirapan sa mga bagay na ipinilit ko para sa kanila. Dahil kahit ramdam kong mahal nila ang isa't isa, hindi nila yun makita."Wag mong sisihin ang sarili mo sa lahat Mel." nasa kaisipan akong ganun nang abutan ako ni Jack.
"Hindi ko maiwasang sisihin ang sarili ko. Dahil sa akin nagsimula ang lahat ng ito. Dahil sa kasal na akala ko magpapadali sa lahat para sa anak ko." Kinuha ko ang baso ng wine sa table at ilagyan yun para inumin.
"Hindi mo kasalanang hindi nila makita kong gaano nila kamahal ang isa't-isa Mel. Pilit nilang itinago yun sa mga sarili nila. Pride at takot ang kumain sa anak mo para ipakita yun kay Naze." tumayo itong muli at kinuha ang larawan ni Vin sa table. Inabot ko ito sa kanya.
"Ang anak ko..." hindi ko alam pero sa sobrang dami ng pinagdaanan ng anak ko, ito na ata ang pinakamasakit. Ang ngiti niya, ang pagpasok niya sa opisina.
Umiyak lang ako ng umiyak habang yakap ang larawan niya. Miss na miss ko si Vin na anak ko. Ang Vin na pinakamamahal ko. Hindi ko namalayan sa kakaiyak ko, nakatulog na pala ako sa sofa...
Ed's POV
Palakad-lakad lang ako dito ngayon sa kwartong ito. Hindi ko alam kong ano ang gagawin ko. Naguguluhan at natatakot sa pwedeng mangyari. Gusto kong tawagan si ate Naze pero ayaw niya at mahigpit niyang ibinilin na kahit anong mangyari, wag na wag ko siyang tatawagan. Pero hindi ko na ata matutupad ang bilin niya.
"Ed, anong ginagawa mo?" ida dial ko palang ang number ni ate Naze pero bigla siyang nagsalita."Tito, sorry po. Baka kailangan nating sabihin to kay ate Naze." naiiyak ko nang sabi kay tito Paul.
"Tumigal ka Ed. Wag na wag mong sasabihin sa ate mo ang nangyayari dito." galit niyang sabi. Hindi na ako nagpumilit dahil baka lumala pa ang sakit nito. "Imbes na ate mo ang tawagan mo. Kunin mo ang number ni Mel sa phone ko. Siya ang tawagan mo at papuntahin mo dito. Gusto ko siyang makausap... Pati si Jack." hindi ko alam kong ano ang pag-uusapan nila pero sinunod ko nalang ang utos ni Tito.
Tinawagan ko sila at agad naman silang pumunta ngayon dito.

BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...