United states...
Naze’s POV
"Pj... Gising na anak." lumapit ako sa bed nito at hinalikan sa noo. Pero tila parang ang init niya. "Baby?" hinawak hawakan ko ang kanyang noo pero ang sobra ang init niya sa pati sa katawan. Binuhat ko siya at nilagyan ng jacket. Dali-dali ko siyang ipinasok sa kotse at itinakbo sa hospital. Nanginginig ako kakahintay sa resulta na sasabihin ng Doctor. Ano ba ang nangyayari sa kanya? Napano ba ang anak ko.
"Your child is having a high fever Madam. But you don't have to worry, later on he will be okay. He just need to take a rest. I will give you a med later for his faster healing. Excuse me." tumango lang ako sa Doctor at pinuntahan na si Pj sa bed niya. Hinawakan ko lang ang kamay nito at kusa nang lumabas ang mga luha sa mata ko.
"Baby, Mama is here okay. Magpagaling ka." tanging sabi ko sa gitna ng aking paghikbi.
"Naze, what's going on?" napalingon ako sa pinanggalingan ng tono. Nilingon ko ito. Si Krisha pala. Siya kasi ang natawagan ko dahil may trabaho ngayon si Bella at kakarating lang naman ni Krisha dito nung makalawang araw kaya siya ang tinawagan ko.
"Mataas ang lagnat niya ee. Pero ayos naman na daw siya sabi ng Doctor." sagot ko sa kanya. Lumapit naman ito at hinaplos ang likod ko.
"Relax. Malakas kaya tong si baby Pj. Siya nga nag aalaga sayo ee." napangiti nalang ako sa sinabing iyon ni Krisha. Maya-maya ay napabuntong hininga siya. "What if, sabihin natin to sa Dad niya?"
Nagulat pa ako sa tanong na yun. Ano naman ang nakain nito at biglang naalala ang ama ni Pj. Umiling naman ako bilang sagot dito.
"Naze, maybe he needs his Dad. Alam mo kasi, noong bata ako sabi ni Mama nilalagnat daw ako pag ilang araw akong hindi nakakaramdam ng yakap ni Papa. Baka ganyan din si Pj." tumayo naman ako at binatukan siya. Hindi naman masakit yun I guess.
"Hoy, Krisha Makariwa Sumban aa. Kung anu-ano pumapasok sa kokote mo at dinadamay mo pa ang anak ko sa paniniwala ng mama mo. Ilang buwan na kami dito sa US ngayon lang nagkasakit ang anak ko. Di sana noon pa yan naghanap ng yakap ng ama." kinamot pa ang ulo nito na umaaktong masakit ang batok ko sakanya.
"Ikaw aa. Hindi naman masama ang paniniwala ni Mama ee. Effective kaya yun. Maliban nalang kong ikaw ang nakakamiss ng yakap ng asa----"
"Tama ba na ikaw ang tinawagan ko dito?" nakakarindi na kasi mga banat nito ee. Kulang nalang ata mag-broadcast sa media.
"Fine! Eh kasi naman ang tagal ko nang walang balita jan sa asawa mong haliparot. Ni anino di mo man lang makita. Ni kamusta galing sa kanya wala ka naman sabi mong natatanggap. Hindi ba niya naalala na may anak siya." parang galit na galit gustong manakit aa. Daig pa ako kung maka react. Hayst Krisha. "Wag mo akong tingnan ng ganyan Naze. Concern lang ako sa baby Pj natin. Mayaman nga ang pinanggalingan at bumuo sa kanya wala namang kwenta!"
Tiningnan ko naman siya ng masama kaya tumigil siya."Nagtetext naman si Mama Mel kung kamusta si Pj and noong birthday niya nagpadala ito ng gift for Pj. At allowances for his needs. Ayaw ko namang isipin nila na nereredject ko ang binibigay nila kasi karapatan din naman nila yun. Kaya kinukuha ko nalang at inilalagay sa banks ni Pj para sa future niya." paliwanag ko dito.
"Alam mo, ayos lang naman sakin ang parents ng asawa mo ee. They really like you as their manugang. Pero ang hindi ko maintindihan yang asawa mo. Noong nasa hospital ka dahil sa coma nagkasagutan pa kami nun ee. Pero nakita ko kung gaano siya mag alala sayo. Lagi siyang nandun sa tabi mo. Eh halos Pj, Companya at hospital nalang umiikot ang oras niya. Pero nung gumising ka hindi man lang naisip na magsorry sayo. Suyuin ka ulit. He just let you go away at wala man lang paalam kung ayaw na niya sayo dahil sumuko na siya at sumama sa kabit niya. Alam mo wala na din akong balita sa Beverly na yan ee. Isang beses ko nalang siyang nakita sa news, at sa Europe siya ngayon aa." napatitig ako kay Krisha dahil sa huling sinabi niya. Beverly is in Europe? Baka nga magkasama talaga sila ni Vin at hindi na nagpapakita sa Media to live in private life. So cool.
"Tama na Krisha. Kung nasaan man sila, baka nga yun na ang desisyon nila... So let’s just pray for everyone's happiness." ibinalik ko nalang ang paningin ko sa anak ko at masayang tinititigan siya. Masaya akong nasa akin siya. Masaya akong kasama ko siya at binigyan ng pagkakataon para magawa ang mga bagay na gusto ko para sa kanya. Watching him grow up. Watching him to play. To see his smile every day. So thankful sa matang ibinigay sakin.
-------------------------------------------
It's been a week mula noong magkasakit si Pj. Thanks God he is okay now. Nakakapaglaro na ulit. Naglilinis ako ngayon sa apartment dahil naging busy ako this past few weeks. Mas binantayan ko pa kasi ang anak ko to make sure na wala na talaga ang sakit niya. And hopefully masisimulan ko na ang magsulat ng bagong libro as soon as possible para mai-submit na ito sa leader namin.
Nagvavacum ako ng marinig kong mag ring ang phone ko. Narinig din ata yun ni Pj at agad tumayo para abutin ang phone na yun sofa at tumakbong ibinigay sakin. He's so cute. Alam na niya ang ilang bagay. Well, I’m his mother. At ako ang nagturo nun sa kanya. Hahaha so proud mama here.Tiningnan ko kung sino ang caller. Ah si Ed. Buti naman naka alalang tumawag to. Tatawagan ko palang sana mamaya ee para mangamusta at ikwento kay Dad ang nangyari kay Pj. Hindi pa ito nagsasalita at inunahan ko na siya.
"Ed, kamusta na. Nasa bahay ka ba ngayon? Alam mo tatawagan ko sana kayo mamaya ee. Pero naglilinis pa kasi ako dito sa apartment. Ikwekwento ko kay Dad ang nangyari kay Pj. Hindi siya maniniwala sigurado ako. Anjan ba siya?" sunod-sunod kong tanong. Pero nagulat nalang ako dahil hikbi ni Ed ang narinig ko.
"Ed, umiiyak ka ba? May problema ka ba?" itinigil ko ang pag vavacum dahil parang kinakabahan ako sa kabilang linya.
"Ate... Kasi..." hirap niyang paliwanag. Kinalma ko ang sarili ko at humugot ng malalim na hininga.
"Ma...may problema ba sa school niyo? Hindi mo ba masabi kay Dad?" yun nalang ang naisip kong problema niya para hindi ako mahirapan at sobrang kabahan.
"Ate si Tito...si Tito kasi..."
Nabitawan ko nalang ang cellphone ko at bumagsak iyon sa sahig. Nanginig ang buong katawan ko. Hirap akong huminga. At bumagsak na ang mga luha na kanina pa gustong lumabas sa mga mata ko. Napaupo ako sa sahig at niyakap ang sarili. Humagogol hanggang maramdaman ko ang yakap ng maliit na bisig ni Pj. I open my arms to let him hug me and let me hug him. Magkayakap lang kami ni Pj hanggang sa mahimasmasan ako at nag empake. Inasikaso ko ang lahat, trabaho at passport. Binigyan naman nila ako ng 2 weeks leave.
Wala sa oras na bumalik kami ni Pj sa Pilipinas...
Philippines
Ed's POV
Pagkatapos masabi ito kay ate Naze, nandito na siya ngayon. Isang araw ang lipad bago nakabalik ng Pilipinas.
Nagui-guilty ako dahil andito siya ngayon sa harap ng kabaong ni Tito Paul at iyak ng iyak. Gusto ko siyang lapitan at yakapin. Sabihing tama na pero hindi ko magawa dahil inilihim ko sa kanya ang matagal na pananatili ni Tito sa hospital.Ilang oras pa ang nakalipas at tumahan narin ito kakaiyak. Pinaupo ko siya at binigyan ng tubig. Ako muna ang umasikaso sa mga bisitang dumarating. Maya-maya ay tumayo ito at lumabas. Sinundan ko siya.
"Anong nangayari Ed? Bakit biglaan ang pagkamatay niya?" nakatalikod ito ngunit naramdaman niya ang presensiya ko.
"Ate, I'm sorry. Hindi ko sinasadyang hindi mabantayan si Tito. Sabi ng mga kasamahan niya inatake daw siya nung nasa bukid siya. Bigla nalang natumba. Nasa school ako nun ng bigla silang tumawag sakin at nasa hospital na siya. Ate sorry..." nagpaliwanag ako kay ate Naze. Humahagolgol na ako dahil hindi niya ako tinitingnan. Natatakot ako sa galit niya.
"Ed, hindi mo kasalanan ang nangyari. Hindi kita sinisisi. Naiintindihan ko at alam kong hindi mo ito ginusto." lumingon ito at hinawakan ang mga kamay ko. Nakokonsensiya ako. Gusto ko ring sabihin na nanatili ng matagal si Tito sa hospital pero nangako ako kay Tito na kahit anong mangyari, hindi ko sasabihin sa kanya.
"Ate... Ang dami pong nagawang bagay ni Tito sa akin at lubos ko pong ipinagpapasalamat yun. Babawi po ako sa lahat ng kabutihan niya. Babantayan ko po kayo ni Pj gaya ng pangako ko sa kanya." napayakap nalang ako kay ate Naze bilang pasasalamat sa lahat ng nagawa nila.
"Tara na sa loob. Walang mag aasikaso sa mga bisita." nauna na siyang pumasok ulit sa loob at nakipag kwentohan sa mga tao doon.

BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...