Vin's POV
Nagising ako dahil parang may gumugulo sa buhok. Iniangat ko ang ulo ko para tingnan yun kung sino. God, she's awake. Tumayo ako at nilapitan siya para yakapin. Sobrang higpit ng yakap yun.
"Vin, hindi ako makahinga." daing nito. Napakalas naman ako sa pagkakayakap sa kanya.
"I'm sorry. I--I'm just happy to see you awake." hinawakan ko ang mukha nito at hinaplos. "Are you okay huh? Is everything okay with you? May masakit ba?" I tried to everything in her body pero kinuha niya ang kamay ko pinisil iyon.
"Vin, I'm fine. Medyo masakit lang yung sugat ko pero ayos lang ako." huminga ako ng malalim. Lumapit pa ako sa kanya at hinaplos muli ang pisngi niya. Tiningnan ko siya sa mata hanggang haplosin ng isang daliri ko ang mga labi niya. Yumuko ako para halikan siya ng biglang bumukas ang pinto.
"Ma'am, Sir... Andito na po si baby. Kelangan niya po kasi ng first morning breastfeed." sabi ng pumasok na isang nurse. Nakita ko naman sa mukha ni Naze ang tuwa. Naiiyak pa itong inabot ang baby.
"Ang baby ko..." she said before she carry the baby. "Thank you." pasasalamat niya sa nurse.
"Just call us when you need something Ma'am. Maiiwan ko na po kayo." paalam nito. I just watch her feeding the baby in her breast milk. I love the view. I mean, the baby. Manyak niyo aa. Kakapanganak palang ng asawa ko.
"Vin!" nabigla ako ng may tumawag sa pangalan ko. "What are you looking there?" tanong nito. Ganon na ba katagal kong tinititigan ang dib--ang baby at hindi ko namalayan ang pagtawag niya sakin.
"Ah, Si---si baby. Na- ang cute niya kasi. Are you done feeding him?" pag iiba ko sa usapan.
"Yes. Kanina pa. Ah..." inda nito. Nataranta naman ako.
"Naze, are you okay?" tanong ko dito.
"Mmmm, siguro na ngawit lang ang kamay ko sa pagbuhat kay baby.""Let me carry him. Akin na." actually hindi ko talaga alam kong paano mag buhat ng bata kaya medyo nanginig yung kamay kong inabot ito.
"Are you sure kaya mo? Vin, marunong ka ba?"
"No, but I'm sure. I can do it." kinuha ko na ang bata. Huminga pa ako ng malalim bago nawala ang panginginig ng kamay at napalitan iyon ng lakas. Tumawa ako na parang nanalo sa isang Challenge.
"Vin, thank you." I'm busy playing with the baby when i heard her saying thank you.
"Did I told that I don't---" napatigil ako. Hindi na ako makapagsalita dahil dinampihan na ng bibig niya ang labi ko. Napangiti naman ako habang tinugon ang halik niya. Hindi pa sana ako titigil at mas lalo ko pang ididiin ang halik na yun ng gumalaw ang baby na hawak ko. Natawa naman ako. "Pinigilan ata ako ni baby."Naze's POV
Medyo matagal na din ako dito sa hospital. Maybe 3 weeks. Ayos naman na ako at pwede na akong madischarge bukas. 3 pm na pero wala parin si Vin. Si Mama Mel lang ang andito kasama si Daddy Jack at ang isang katulong nila sa masiyon.
"Ma, anong oras po darating si Vin?" tanong ko kay Mama mel.
"Hindi pa siya nag tetext iha. But I'll try to call her later. Baka busy nanaman yun sa opisina."
"Anong oras po ba kayo uuwi ma? Baka kailangan niyo din magpahinga."
"Don't worry about me iha. Ang mahalaga, may kasama ka ngayun dito. Kahit may edad na ako, malakas pa ako. " natawa naman ako sa sinabing yun ni Mama. Nasa 50's na kasi siya pero parang bata parin ng itsura.
"Ma, salamat po aa." hinawakan ko ang kamay ni Mama. Pakiramdam ko kasi ang dami kong gustong ipagpasalamat sa kanya.
"Iha, kung meron man dapat nagpapasalamat dito, ako yun. Alam mo ba? Dahil sayo, nakita ko kung paano maging depende ang anak ko sa lahat ng bagay. Nung nanganak ka, halos gibain niya ang pintuan ng room na to para makapasok at tingnan ka. Nung nakita niya ang baby niyo, nakita ko kung paano niya, kagustong maging ama para dito. Dahil yun lahat sayo Naze." naiiyak ako sa kwento ni Mama Mel. Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit papano ay nag-alala at nagkaroon kami ng halaga sa mga mata ni Vin.
"And thank you parin dahil pinanganak niyo ang isang Vin na pwede kong makilala Mama Mel. Thank you."
Vin's POV
4 pm na. Nakita ko ang napakaraming missed call ni Mama. Nagulat pa ako dahil hinding hindi mangungulit tumawag si Mama kung hindi mas yadong importanting bagay ang sasabihin niya. Kinakabahan pa ako dahil siya ang pumunta ngayun sa Hospital para bantayan saglut si Nazw. I call her back.
"I called you many times and yet you’re not picking up your phone!" nagagalit na bungad nito sa kabilang linya. Ang lambing talaga ni Mama. Galing magsabi ng hello.
"Ma, what happened?" tanong ko nalang agad para di na dumami pa ang galit niya.
"Aren't you coming? Anong oras na? Bukas na bukas madedescharge na ang asawa mo. Kailangan nandito kana mamaya dahil wala siyang kasamang uuwi pagnagkataon. I need to go home for now. Marami pa kaming gagawin ng Dad mo." oh shit. Yes I forget it. Bukas pala pwede na siyang umuwi.
"Yes ma, I'll be there in a minute. Aayusin ko lang tong gamit ko--"
"You should, we'll wait you here." nag-aayos na ako ng gamit ng biglang pumasok ang secretary ko.
"Sir, tumawag po si Mam Beverly. Di ka daw po ma'contact ee." sabi nito.
"Ah, yes, tumawag kasi si Mama. Bakit daw?" tanong ko dito."Sir, nasa hospital daw siya ngayon." nabigla naman ako at natarantang kinuha ang mga gamit ko para mapuntahan siya agad.
"Saang hospital?"
"Sa H.M hospital daw sir..."
Tinungo ko ang parking lot at pumunta sa nasabing hospital. Habang nasa biyahe tinawagan ko muna si Ryle.
"Ryle... I need you help..."
"Me? Your help? Wait, kaylan pa humingi ng tulong ang isang Vin Fontivlla? May nakai--"
"Ryle, just do me a favor."
Naratibg ko ang H.M hospital at pinuntahan agad si Bev. Nakita ko siyang inaasikaso ng isang nurse. Niyakap naman ako agad at umiyak sa mga bisig ko."Vin, natatakot na ako. Natatakot ako." sumbong nito sakin. Kitang-kita ko sa kanya ang takot at bahagya pang nanginginig ang mga kamay niya.
"What happened?" nakita ko ang ilang sugat sa mga kamay niya. Merun ding sugat sa pisngi nito.
"They tried to kidnap me. Pauwi na ako pero may humarang sakin. Nakamotor sila. I--don't know who they are. Nakaka--" napahagol-gol nalang ito at niyakap ang sarili. Hinaplos ko ang likod niya at niyakap siya.
"It's okay. Nandito lang ako. You're be safe here now. Stop crying..." Pilit ko siyang pinapatahan para maibsan ang takot niya. Tatayo na sana ako para tawagan si Mr. Mac ng oigilan ako nito.
"Vin, please don't leave me here."
"I'm just going to call your Dad. Kaylangan niyang malaman ito." umiling lang siya kaya binigyan ko siya ng palatanong na emosyon. "Ayaw kong mag-alala si Dad. Baka kung mapano pa siya. Vin, may sakit si Dad. So, please wag mu munang ipaalam."
"Okay. Dito lang ako. Magpahinga kana. Hintayin nalang natin ang personal assistant mo. Siya nalang tatawagan ko." humiga na ito at ipinikit ang mga mata. Umupo ako sa sofa malapit sa bed niya habang hinihintay ang P.A niya.
Ilang oras na akong naghihintay doon pero wala paring dumarating.
BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...