Chapter Twenty

11 1 0
                                    

Naze's POV

Nasa bahay si Daddy Paul kasama si Pj. At saktong lunch time na kaya naisipan kong dalhan si Vin ng pagkain sa office niya. Medyo hindi kasi kami okay this past few days dahil pinag awayan pa namin ang pagpunta niya ng Singapore. May project daw kasi sila doon ni Mr. Grey. Pero naisip ko, why not? It's their business kaya bakit ko naman hindi papayagan diba.

Binati pa ako ng secretary niya bago ko buksan ang pinto ng office nito. Kaya pala ganun nalang ang mukha ng secretary niya na bumati sakin dahil ganito ang maabutan ko. Ano to? Bold scene?

"Vin, makakasama mo naman ako sa Singapore ee. Let's not do this here." narinig kong sabi ni Beverly sa gitna ng halikan nila ni Vin sa chair niya. Hindi naman siya nito pinakinggan at patuloy lang ang paghalik nito sa babae. Nakaupo si Bev sa lap ni Vin. He kiss it on her neck and put some traces on it. Bev is already half naked. Buti nalang nakatalikod ito.
Hindi ko na kinaya ang nakikita ko kaya nabitawan ko ang hawak kong paper bag. Nabigla naman ata ang dalawa kaya napatigil ito sa ginagawa nila.

"Im sorry." nahihirapan akong magsalita. Tumayo si Vin at nag ayos naman si Bev. Lumapit ito sa akin.

"Naze... Naze..." hinawakan nito ang mga kamay ko pero nanginginig itong binitawan siya. Dahan-dahan akong tumalikod at lumabas ng opisina. Hindi ako makatakbo dahil nanginginig na ata ang buong katawan ko. Hirap akong maglakad at parang gusto ko nalang umupo at umiyak ng umiyak.

Sinundan ako ni Vin hannggang parking lot. Bubuksan ko na ang  kotse ko para umalis pero pinigilan niya ako. Doon ako napayuko at humagolgol.

"Naze, hindi ko sinasadyang makita mo kami ni Bev ng ganon." paliwanag niya. Yumakap siya sa likod ko pero hinarap ko siya at itinulak.

"At kung hindi ko kayo naabutan itinuloy niyo? Kung hindi ko kayo naabutan sa Singapore niyo gagawin? Kung hindi ko naabutan tanga ko parin?" pinunasan ko ang mga luha kong kanina pa hindi tumitigil. Bakit kasi ayaw maubos ng luhang to putik!

"Vin... Ang tagal kong inintindi. Ang tagal kong sinubukang intindihan na ang asawa ko may mahal na iba. Ang asawa ko, hindi ako ang gusto niya. Pero bakit mas masakit pala na makita if my husband having sex with the one he loved." napahawak ako sa dibdib ko para makahinga.

"Naze, before you I have beverly that I want to merry. And I'm sorry if I hurt you this way." sinubukan niyang lumapit pero lumayo ako.

"Ako din Vin, before you I have Jiro na laging anjan para protektahan ako, na handang tanggapin ang lahat kahit ang anak ko. But I choose you. I choose you for no reason but to love you. Sana alam mo din yun. Sana naintindihan mo din yun." bakit ba kasi ganito kahirap mahalin siya? Bakit kong sino pa ang mahal ka yun pa kasi ang hindi mo kayang mahalin. Why so unfair?

"Please let's talk about it later. Umuwi na tayo."

"No!" tatalikod na siya pero napatigil ito sa pagsigaw ko. "Wala ng uuwing Naze sa bahay mo Vin."

"Wag mo akong sinusubukan Naze." mahinahon yun na may galit pero hindi ako natakot sa kanya. Galit ang nararamdaman ko ngayon at wala akong paki alam kong ano ang kaya niyang gawin.

"Hindi Vin. Hindi kita sinusubukan dahil matagal ko nang sinubukan ang lahat. Ang ipilit ang sarili ko sayo at ipilit si Pj sa buhay mo. Sa lahat ng ipinakita mo at sa pagpapaka-ama mo kay Pj, narealize ko, hindi totoo ang lahat nang yun. Dahil ang tingin mo kay Pj anak ng ibang lalaki." yumukom ang mga palad ko at napakapit ng mahugpit sa bag na hawak ko.

"Hindi ko anak si Pj pero wag mong nilalagyan ng kahit na anong tanong ang pagiging ama ko sa kanya." nakita ko ang pagsalubong ng kanyang mga kilay.

"See, paano ko hindi kwekwestyunin ang pagiging ama mo kung hindi mo man lang masabing anak mo si Pj. Kahit si Pj nalang sana ang tanggapin mo sa buhay mo Vin. Kahit siya nalang." napahilamos ito sa kanyang mukha at ginulo ang buhok.

"Paano? Hah? Paano Naze kung ni hindi ko alam kong kanino man lang siya galing? Kay Jiro ba? Patay na ba tatay niya?" napasipa ito sa kawalan. Umiling ako at napaiyak nanaman ulit.

"Noong gabing yun nasa bar kami. Katatapos lang ng aming graduation and it's my first time to hang-out with my friends. Unang beses kong sinuway ang Daddy ko, unang beses kong tinikman ang alak. Lasing ako, hindi ko alam ang ginagawa ko. Nasa dance floor ako habang sumasayaw pero hinila ako ng isang lalaki. Wala akong lakas para pigilan siya. Hanggang maipasok ako sa kotse niya..." umiyak ako ng umiyak habang binabalikan ang agabing yun. "Aalis na kami Pj. I will give you the freedom you want. Para wag na ninyong idahilan ang Singapore ni Beverly." tumalikod ako at sumakay na sa kotse. Isinara ko agad dahil hinabol ako ni Vin. Kinatok niya ang bintana at pilit na binubuksan pero pinaandar ko na yun at pinatakbo.

"Naze, sandali... Naze we need to talk..." yun ang huling narinig ko bago makaalis. Sobra akong umiiyak ako at halos matakpan na ng luha ang mga mata ko. Bumilis ang patakbo ko ng hindi ko namamalayan.  Sa sobrang bilis, isang 10 Wheeler ang nakaharang sa kanto. Sinubukan kong umiwas pero.....

Everything went black....

Vin's POV

Matapos ang kwento ni Naze, gusto ko siyang hilain at yakapin. Pero bago ko pa yun magawa ay pumasok na siya sa kotse niya at pinatakbo iyon. Hinabol ko siya pero ang bilis ng patakbo nito. Agad ko naman kinuha at susi ng kotse at hinabol siya sa daan.

Sobrang bilis ng pagpapatakbo. Gustohin ko mang mag overtake pero hindi ko siya maabutan. Hanggang makita ko nalang ang sasakyan nitong umiba na ng dinadaanan at bumunggo ito sa malaking poste. Nagulat ako kaya dali dali akong bumaba at lumapit dito. Nawalan siya ng malay at duguan ang mukha at ulo. Binuhat ko siya at sinakay sa kotse.
Itinakbo ko siya sa Hospital.

Hindi ko alam kong sino ang unang tatawagan ko sa pamilya namin. Sigurado akong lahat sila magugulat at masasaktan sa nangyari. Lalong lalo na si Daddy paul. Baka maatake pa ito sa puso. I called Ryle at dumating naman ito agad.

"Ano ba kasi ang nangyari? Vin?" tanong nito pagkadating niya.

"Nakita niya kami ni Bev... At..." bigla naman akong sinuntok nito ng malakas. Which is I deserve. Kaya di ako lumaban.

"Fuck you man! Hindi yan robot at mas lalong hindi yan cctv na makikita lang ang pangyayari at wala nang paki-alam. Tingin mo kay Naze, plaka? recording tapos kapag nasira itatapon?" Napasuntok pa uli ito sa pader. "Vin, I am your friend, pero hindi sa lahat ng pagkakamali mo inuunawa ko. Kapag may nangyaring masama jan sa asawa mo, baka lahat ng tao sa paligid mo iiwan ka."

Napaupo lang ako sa sahig at yumuko para umiyak. Ganon na ba talaga ako kawalang kwenta? Dahil sa akin nangyayari ang lahat ng ito. Dahil sakin, andun ngayon ang asawa ko at nag aagaw buhay dahil sa kagagawan ko.

Ilang oras kaming naghihintay sa labas ng ICU bago pa lumabas ang doktor. Tumayo ako agad at lumapit dito.

"Hindi maganda ang kondisyon ng asawa mo Mr. Fontivilla. Masyadong malakas ang impact ng pagkakabunggo niya. And one thing is, may kumalat na dugo sa parte ng kanyang mga mata. If we do the operation of her eyes, posible parin ang pagkabulag niya." para akong nilamon ng mundo sa narinig ko. Hindi ako gumalaw sa kinatatayuan ko. Everything was in freeze. My heartbeat at ang galaw ng mundo. Hindi ako makapaniwalang nangyayari ang lahat ng to. Gusto kong gumising pero hindi ako tulog.

"We need to see her." binuksan ni Ryle ang pinto ng ICU. Pagpasok palang namin huni lang  ng isang aparatos ang naririnig ko.

Tiningnan ko siya. Parang patay na katawan ni Naze ang nakikita ko. Na kong huhugutin mo lang ang tubong nakalagay sa bunganga nito ay titigil na ang mundo. May bandage sa noo, oxygen sa ilong, tubo sa bunganga dagdag pa ang dextros sa kamay. Lumapit ako dito at hinawakan ang isang kamay niya.

Unseen Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon