Naze's POV
Paalis na si Mama Mel nang biglang dumating si Bella and Jiro to visit me and my baby. Tuwang-tuwa naman sila nang makita ang cute baby boy ko. Binuhat ito ni Bella at nilalaro.
"Anong pangalan niya Naze?" tanong nito sakin.
"He is Vin Fontivilla II. But we used to call him P.J pangalan ni Daddy Paul at Daddy Jack." natulala naman sila sa sinabi ko t nakita ko sa mukha nila pagtatanong kung bakit Vin de second ang anak ko. "Hey. Why not diba? We don't like junior kaya de second nalang. And one thing ee si Mama Mel ang naglagay ng pangalan niya.
Mabuti na din yun kasi hindi ko alam kung paano sasabihin kay Vin kung ano ipapangalan namin sa bata." paliwanag ko."Alam mo Naze, ang bilis ng utak ng Mama Mel mo aa." natatawang pang aasar ni Bella. Nagkwekwentohan lang kami tungkol sa panganganak ko when someone enter in the room. Nagulat kami at sabay-sabay pa kaming napatingin kong sino yun.
"Ah... Bibisitahin ko lang si Naze." sabi nito at inilagay ang dala niya fruits sa side table.
"Thanks for coming Ryle." I know Ryle. Siya ang lagi kong nakikitang pumupunta noon sa bahay pagkatapos ng kasal namin ni Vin. Kaibigan niya kasi to. At kung makita ko silang mag usap ni Vin noon sa bahay, they looked very close. Maybe he's one of Vins' trusted friend.
"Can I see the baby?" tanong nito.
"Sure. Here oh!" sabi naman ni Bella. Iniabot niya si baby kay Ryle pero hindi niya kinuha. Tinitigan lang niya ito. "I guess di ka pa nakakahawak ng baby and I'm sure, wala ka pang asawa. Maybe a playboy?" prangkang sabi ni Bella. Tumawa naman si Ryle ng malakas.
"You're right. But not for the last part of your sentence. Playboy? Baka pag binuhat ko na si baby maisipan ko na din anakan yung limang babae ko." sobrang napatawa naman kami sa sinabi ni Ryle. Akala ko ba mali si Bella sa last part ng sentence niya. Pero bakit limang babae ang aanakan niya.
"Is that how you drive your girls to make them feel like a princess in bed? Dinadaan sa pambobola?" tanong ulit ni Bella. Inabot naman ni Ryle si baby na parang nangingig pa ang kamay.
"I don't use metaphor word to get a girl. My charm is enough" mayabang naman nitong sagot at tumawa habang sinasayaw si baby. Napailing nalang si Bella sa kayabangan ni Ryle.
Maya-maya ay nagring ang phone ni nito. Someone text him. Napangiti pa ito sa pagbabasa ng message.
"By the way Naze. I have to go. Vin will come later. May kasama ka naman na kaya sila muna dito." sabi nito at inabot na si baby kay Bella.
"Hey, were going home na din. Wag ka nga feeling may anak jan na uuwian..." nagsasalita palang si Bella pero lumabas na siya. Hayst. Kung wala lang asawa si Bella iisipin kong bagay sila.
"Naze, 10:30 na pala. I need to go. Baka hinahanap na din ako ng baby ko sa bahay. Jiro please, ikaw muna bahala dito." ibinigay nito si baby kay Jiro na kanina pa tahimik.
"Sure... Antayin nalang namin si Vin." lumabas na si Bella at pinatulog naman ni Jiro si baby bago ito ilagay sa tabi ko.
"Jiro, baka malate ka sa pasok mo bukas. Okay lang kami ni baby dito. Baka mamaya darating na rin si Vin." may pasok pa kasi siya bukas nakakahiya naman.
"I can't leave you here nang walang kasama Naze. Uuwi nalang ako pag meron na si Vin. Wala kang kasamang maiiwan dito. What if you need anything?" pagtanggi niya.
"Salamat hah. Kahit anong nangyayari anjan parin kayo sa tabi. Ikaw, si Bella. Thank you." naiiyak ako tuwing nagpapasalamat sa lahat ng kabaitan nila. I can't help myself but to cry.
"Naze, will you stop that drama. We are your friends. Off course, andito lang kami anytime you need."
Vin's POV
Nagising nalang ako sa pagpasok ng P.A ni Bev sa kwarto. I get my phone at tiningnan kong anong oras na. Napatayo ako bigla at inayos ang sarili. God, umaga na...
"I'm sorry Sir Vin. Kinailangan din kasi ako sa bahay. May anak din po kasi ako." paliwanag nito. Shit. I called Ryle but he did not picking his phone. Lintik...
"Just take care of her okay. Paki sabi umalis na ako paggising niya." hindi pa kasi gising si Bev kaya umalis na ako agad. Hindi na ako pumunta sa bahay para magpalit. Shit! Shit! mura ko sa sarili ko. Dapat kagabi pa ako pumunta sa hospital at samahan si Naze, but such a jerk. Nakatulog ako kakahintay ng P.A na yan.
Dali-dali kong tinungo ang kwarto ni Naze. It's already 3:30 in the morning. Lakad takbo akong pumunta doon. Pagbukas ko ng pinto napanatag ako ng makita kong nakatulog pa si Naze at ang baby sa tabi niya.
Nakita ko rin si Ryle sa may paanan nito na nakayuko at natutulog... But wait, no this is not Ryle. Si Jiro? Where is that fucking Ryle? Lumapit ako sa bed ni Naze.
Tinanggal ko ang mga buhok na tumatakip sa kanyang mukha. She was peacefully sleeping. Pero tila naramdaman niya ako kaya gumalaw ito at unti-unting binuksan ang mga mata."Vin?" mahinang tanong niya.
"Sorry. Did I wake you up?" umiling naman ito. "Come on, maaga pa. Matulog kana ulit." Inayos ko ang unan sa likod niya.
"Where is Jiro?" tiningnan ko naman ang paanan niya kung saan nakatulog si Jiro. Nakita ko naman siyang ngumiti. Why is she smiling? And what the heck? Ano ba kasing ginagawa ng Jiro na yan dito? Asan ba si Ryle?
"Si Ryle?" tanong ko sa kanya.
"Dumating siya kahapon pero umalis din. May lakad daw kasi ata." lumabas ako saglit at sinubukang tawagan si Ryle. And there he is… Ngayun lang niya ako sinagot.
"Where the fucking hell are you?" sigaw ko sa kanya. Ang ingay sa kinaruruonan niya. Sa bar? Shit! He's on the bar! "Can you please get out on that place for a minute? I can't hear you!"
"Sorry Vin, anjan naman kasi ang mga kaibigan niya kahapon kaya iniwan ko nalang siya. Wala ba siyang kasama nung dumating ka?" paliwanag niya.
"How dare you to leave my wife with this Jiro? Sabi ko ako ang hintayin mo."
"Dude, anjan naman si Jiro ee. Alam ko kasing hindi siya iiwan ng mga kaibigan niya. Can you please relax? Bye, babalik na ako sa loob. Kung wala kang asawa, edi nandito ka sana." pang-aasar pa niya. Napasuntok nalang ako sa pader dahil sa inis. Kinalma ko ang sarili ko bago muling pumasok sa kwarto. Nakita kong nagpapaalam na si Jiro sa kanya. Gising na pala ang tao.
"Naze, just call me when your home. Aalis na ako." paalam nito.
"Bye." agad ko namang sabi. Ngumiti pa ito ng nakakainsulto bago tuluyang lumabas. Ngumisi lang ako sa kanya and give him thanks but no thanks looks. Umupo ako sa sofa malapit sa side table, hinihintay na magsalita si Naze.

BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...