Chapter Eighteen

11 1 0
                                    

Naze's POV

Hinihintay ko siyang magpaliwanag kung bakit late siyang nakarating dito sa hospital. Hindi ako nagsalita. Ayaw kong magtanong. Kakahintay ko, naramdaman ko ang paggalaw ni baby. Gising na ata siya.

"Baby, gising kana? Mmm." umupo ako at binuhat siya. Hindi pa niya masyadong mabuksan ang mga mata pero bihira lang umiyak si baby. In three weeks limang beses ko palang narining ang iyak niya.
Bumaba ako ng bed para maglakad-lakad lang saglit sa loob ng kwarto, napagod na ata ang likod ko kakahiga pero biglang bumukas ang pinto.

"Ma'am, pinapunta po ako ni Madam Mel dito para tulungan kayo sa pag-uwi." isang medyo batang babae ang nasa pinto ngayon. Siguro ka edad ito ni Ed.

"Ah, talaga. Halika. Mamaya pa naman kami uuwi ee." parang napakabait na dalagita. Pumasok naman ito at dumeretso siya sa sakin para tingnan ang baby ko.

"Naku Ma'am, ang cute ni baby. Kanina pa po ako excited nung sinabi ni Madam Mel na ako ang papapuntahin niya dito. Ang cute-cute niya po." nanggigil nitong pinisil ang pisngi ng anak ko. Ngumiti naman ako sa kanya.

"Gusto mo siyang buhatin?" alok ko naman dahil parang sobrang gustong gusto niya ang bata.

"Pwede po ba?" hinilamos pa nito ang sarili siyang kamay sa kanyang mukha na parang hindi makapaniwalang ipapabuhat ko sa kanya si baby.

"Oo naman. Eto, dahan-dahan lang aa." napabuga pa ako ng hangin ng maibigay ko na sa kanya si baby. Nakangiti lang ako habang pinagmamasdaan ang dalagita ng mahagilap ng mata ko si Vin sa sofa. Kaya pala hindi nagsasalita. Ganon na ba siya kapuyat at dito itinuloy ang tulog.

Lumapit ako sa kanya at marahang tinapik
ang balikat. Uuwi na kami pero natulog pa.

"Mmmmm." daing pa nito.

"Vin, wake up." pilit na bangon sa kanya. Minulat naman nito ang mga mata. Parang di pa handa sa paggising niya at tumitig lang siya. "Vin, you okay?"

"No, I need hug." bago pa ako tatayo ay niyakap na niya ako. Gumanti naman ako dito ng yakap. Ewan ko ba. Parang namiss ko kasi siya.

"Uuwi na tayo." kumalas naman ako sa pagkakayakap niya. Umupo na ito at inayos ang sarili.

"Where is P.j?" tanong nito. Tinignan ko naman ang dalagita na nakaupo sa bed habang hawak-hawak si baby.

"Oh, Jen. Who brought you here?" katulong siguro ito sa mansiyon kaya kilala niya. Sabagay si Mama mel din ang nagpadala sa kanya dito. At Jen pala ang pangalan niya. Hindi ko na din kasi naitanong kanina.

"Ah, Sir... Si Madam Mel po pinahatid ako dito. Tulungan ko daw kayo dito para sa pag -uwi ninyo." sagot naman niya.

"Ah, okay. Akin na si P.j, antayin ko nalang kayo sa labas." kinuha niya si baby at inilabas na para makapag-ayos na din ako ng sarili at maayos na ni Jen ang mga gamit namin. After a few minutes natapos din kami at umuwi na.

Vin's POV

Kagagaling ko lang sa Bacolod dahil binisita namin ang construction site para sa bagong building na ipinapatayo namin. Ito ay ang sport complex para sa darating na Sports Competition ng buong lugar. Wala akong naabutan na tao sa sala kaya dumeretso ako sa kwarto. Nakatulog na ang mag-ina at magkatabi sila sa kama. Nagshower ako at tumabi sa kanila. Nasa gitna namin si Pj. At mas madali kong makukuha ang tulog ko, pagniyakap ko siya.

Makukuha ko na ang tulog ko ng biglang gumalaw si Pj at narinig ko ang konting pag-iyak nito. Hinayaan ko lang ito at hinaplos ang likod nagbabakasakaling tumigil.

Nabigo naman ako dahil mas lalong lumakas ang pag-iyak niya. Minulat ko ang mga mata ko at tiningnan si Naze kung gising ba siya. Pero parang ang sarap naman ata ng tulog niya. Bumangon ako at binuhat si baby. Naglakad-lakad dito sa loob ng kwarto para mapatulog ito.
Ilang minuto na akong palakad-lakad, pumunta na din ako sa kusina nagbabakasakaling makatulog siya pero wala parin. Nang-aasar pa ata si baby dahil pangiti ngiti lang ito habang pinapatulog ko.

"Pj, do you still have plan to sleep. Daddy is tired." Paki-usap ko. Lokong bata dahil ngumiti-ngiti lang ito.

"Hey, don't fool me. What are you smiling at? It’s already midnight. You need to sleep okay." itinaas nito ang maliit niyang kamay at tumama ito sa aking mukha.

"You want to play with Daddy hah?" binaba ko muna siya sa kama. Umiiyak ito pero hinayaan ko nalang muna haggang mailatag ko sa sahig ang comforter. Kinuha ko siya ulit at duon ko siya pinahiga.

"Ah, you wanna sleep here. Are you not comfortable in bed?" pinalitan ko na din ang diaper nito dahil parang basang basa na. Actually nahirapan akong ilagay yun dahil hindi ko alam paano. Haha, one thing secret, kinuha ko ang phone ko at pinanood sa you tube kong paano. Well that's a trick kung hindi mo alam ang gagawin mo.

"Okay buddy, let's sleep. Daddy is tired. You should sleep too okay..." natuwa ako dahil parang naintindihan naman niya ako. Niyakap ko ulit si Pj hanggang makuha na ang tulog namin.

Naze's POV

Nagising ako at kinapa si Pj sa tabi ko. Naimulat ko sa gulat ang mga mata ko dahil wala siya. Kinabahan na ako at tumayo. Isinuot ang tsinelas ko at tatakbo na sana palabas ng kwarto ng makita ng mga mata ko ang dalawang nakatulog sa sahig. Napaupo ulit ako sa kama at huminga ng malalim sa sobrang kaba.

Ang sarap ng tulog nila sa sahig. I get my phone and take picture of it. Nakayakap pa si Vin kay Pj. Ang saya ko na makita sila sa ganong ayos. Lumuhod ako sa tabi ng anak ko at hinalikan ito sa noo. It's my morning vitamins. Hindi kasi buo ang araw ko pag hindi ko siya hinahalikan sa noo.

Tumayo ako at pupunta na sa kusina ng makita ko sa table ang diaper na ginamit niya. Napangiti pa ako. Hindi ko kasi pinalitan si Pj kagabi kaya posibleng si Vin ang nagpalit sa kanya. Kinuha ko na yun para maibasura.

Nagluto ako ng breakfast. 7 am na kaya pumunta na ako sa taas. Nagtataka na rin kasi ako dahil sa ganitong oras dapat gising na si Vin para maaga siyang pumunta ng bacolod. Pagdating ko sa kwarto nakatulog pa lang siya. Nagulat pa ako dahil nasa dibdib nito si baby na nakadapa. He is crawling in his Dad chest. Nauna pa itong nagising sa Daddy niya.

"Buddy, stop. Your being imps. Daddy is still sleeping." pinalo pa niya ng mahina ang pwet ni Pj na kanina pa pinipilit abutin ang mukha ni Vin. Nairita ata siya kaya dahan dahan niyang kinuha si Pj sa dibdib niya at ikinulong sa kanyang bisig. Kumakawala si Pj ngunit hindi niya ito hinayaang makawala hanggang sa umiyak nalang ito.

Lalapit na sana ako para kunin si Pj pero agad niya itong pinakawalan kaya tumigil din ito sa pag iyak at biglang tumawa. Ang cute ng munti niya halikhik. Minulat naman ni Vin ang mga mata niya. Nabigla ata siya sa pagtawa ni Pj. Kinuha niya ito at pinaupo muli sa dibdib niya.

"Why are you kidding me huh?" tanong nito pero tinawanan lang siya. "Come on, gisingin natin si Mommy." binuhat niya si baby at tumayo na.

"Kanina pa ako gising." nilapitan ko sila at hinakin ulit si Pj sa pisngi. "Goodmorning baby." bati ko sa cute na baby ko.

"Goodmoring..." sagot naman ni Vin. Tiningnan ko siya. Nakangisi itong inilapit ang mukha sakin. "Where is my goodmorning kiss?" inirapan ko lang siya. At kinuha na sa kanya si Pj.

"Vin, late kana. I prepare breakfast. Sumunod kana lang sa baba." lumabas na ako sa kwarto at pumunta sa kusina. Nilagay ko si baby sa baby chair niya para magtimpla muna ng kape.

"Where is my kiss?" Vin is already hugging me back habang tinitimpla ang kape niya. Humarap ako sa kanya and give him smack on chick. " That's it?" tumaas kilay nitong tanong.

“Vin, kung gagawa pa tayo dito ng ilang eksena baka guguho na yung bacolod project niyo kakahintay sayo." sabi ko dito. Tinanggal ko na ang pagkakayakap niya ngunit mas lalo lang niya akong kinulong sa bisig niya.

"I can cancel my schedule to do some scene her if I want. Ikaw, gusto mo?" bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi. Kinabahan yata ako dun.i cleared my throat at pinanlakihan ko siya ng mata.

"Okay, fine. Let's eat." Tumawa pa ito ng bahagya. Umupo siya sa tabi ni Pj at kinuha ko na rin ang coffee niya para makakain na.

Unseen Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon