Mel's POV
I'm on my way going to Doctora Hop office dito sa hospital. Pagbukas ko ng pinto andun na si Vin na nakaupo. He look serious about this. And I don't have any reason to stop his decision. Umupo ako sa tabi niya habang hinihintay ang resulta sa Doctor.
"Are you really sure for this son?" tanong ko at tumango lang siya. "Wala na akong magagawa sa desisyon mo anak. This is the first time I saw you like this."
"I love you Ma. Always remember that. Kayo ni Dad. Ngayon naiintindihan ko na kung bakit ako ipinakasal sa isang di ko kilalang babae. Alam ko na kung bakit kailangan kong hindi hiwalayan ang asawa ko. Ngayon, alam ko na ang totoo sa sarili ko. Kung una palang nagpakatotoo na ako sa nararamdaman ko ma, hindi to mangyayari. Mahal na mahal ko si Naze. Hindi ko kayang nakikita siyang nahihirapan ng dahil sa akin. Kaya kong magtiis." Umiyak siya at nahihirapan akong makita siyang ganon.
"Bago matapos ang graduation niyo noon, hindi ko alam kong anong regalo ang ibibigay ko sayo. Halos kaya mong bilhin ang lahat, kaya mong gawin ang lahat. Ano pa ba ang ibibigay ko sa anak ko. Then I heard you and Ryle are talking inside your office. Narinig ko ang pinag-uusapan niyo, isang babae na itinakas mo sa bar at hinahanap mo siya. Nagwawala ka pa dahil sabi mo gusto mong makita ang babaeng yun at papakasalan. Kaya ako ang gumawa ng paraan para mahanap siya. Pinuntahan ko ang bar na yun at nakita sa cctv kung sino ang tinutukoy niyong babae ni Ryle---" pinutol niya ako sa pagkwekwento.
"Kaya pinaimbistigahan mo siya at nalaman na buntis si Naze. Pinuntahan mo siya sa bahay nila at nalaman mong anak siya ni Ninang Zy at Daddy Paul. Yun ang pinakamagandang regalo na binigay mo ma. And thank you for convincing her to marry me at hinayaan niyo akong maging ama sa anak ko. Masaya akong nandun ako noong ipanganak siya. Masaya akong nandun ako noong first birthday niya, masaya ako noong andun ako na karga karga siya habang binibinyagan. I didn't tell you to fix my life but you did it. Dahil una palang, alam mo na kung ano ang mas nakakabuti para sakin. Ikwenento ni Jiro sakin ang pagsugod niyo sa bahay nina Naze. Thank you ma."
"Vin, anak... Mahal na mahal kita." I cried and hug him. Until the Doctor come.
"It's good to know na pwede po si Vin, Madam Mel. And we will start as soon as possible." sabi ni doctora Hop. Tumango lang ako at tiningnan si Vin. Inside that smile, I see a hiding pain.
Naze's POV
It's been one month since I recover from blindness. May nag donor na kasi sakin ng mata. Gusto ko sanang pasalamatan ang pamilya ng taong yun pero sabi ni Mama Mel nasa Davao na daw sila kaya nagpadala nalang ako ng sulat pasasalamat.
Andito kami ngayon sa terrace ng bahay at dala-dala ang mga maleta. It's about time to move on from everything. Siguro ito na ang panahon para magsimulang muli. Forgetting and forgiving is the best way to start a new life. Palabas na kami ng gate ng makita na namin ang sasakyan niya. Agad naman niya kaming sinalubong at binuhat si baby Pj.
"Are you guys ready?" tanong nito. Tumango naman ako at inilabas na ang mga maleta sa gate.
"Mag-iingat kayo dun hah? Ingatan niyo ang baby Pj namin." naluluha namang paalam ni Daddy. Ngumiti naman ako at niyakap siya.
"Babalik naman kami Dad ee. Bibisita kami sa inyo. Ayaw niyo kasing sumama ee." pagtatampo ko naman sa kanya.
"Wag na magtampo. Mahina na ang puso ni Daddy kaya okay na ako dito. Andito naman si Ed ee." kinuha niya ang isa pang maleta na natitira at ihibatid na kami sa labas.
"Don't forget to drink your med okay. Tatawag kami lagi sayo." bilin ko dito bago humalik sa pisngi niya at niyakap siya ng mahigpit.
"Sige na. Baka malate kayo sa flight." for once, niyakap ko siya ng mahigpit bago sumakay ng kotse.
BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...