Chapter Twenty-three

12 1 0
                                    

Paul's POV

Pumunta ako ng ospital at iniwan muna si Pj sa Tito Ed niya. Dadalawin ko lang si Naze at ako muna ang magbabantay sa kanya. Alam kong malaki ang kasalanan ni Vin pero naaawa ako sa kanya tuwing nakikita kong iginugugol niya lahat ng oras niya sa anak, asawa at companya. Wala na siyang ibang pinuntahan kundi bahay, companya at hospital. Papauwiin ko muna siya para makapagpahinga.

Pumasok ako para tingnan siya pero si Jack ang naabutan ko kasama ang asawa niya na nagbabantay doon.

"Oh, anjan ka pala balae. Kami na muna ang nagbantay kay Naze. Magpapahangin lang saglit si Vin." bungad naman ni Mel. Tinanong ko naman kong saan nagpahangin si Vin kaya pinuntahan ko siya sa rooftop ng hospital. Nakita ko itong nakaupo lang sa kahoy na nandoon. Malayo ang tingin nito. Malalim ang iniisip. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

"You need a rest Vin. Alam kong pagod kana." sabi ko sa kanya pero umiling lang siya.

"Kaya ko pa Dad. Kakayanin ko pa. Kung si Naze nakayanan akong pagtiisan sa lahat ng sakit na ginawa ko sa kanya, Anong rason para magpahinga ako ngayon?" sagot nito na nakatingin parin sa malayo.

"Noong umuwi si Naze ng bahay, hindi ko na tinanong kung bakit. Umiyak lang siya saakin at tinanong kung pwede ba siyang magstay kahit saglit lang. Sabi ko Oo naman, kahit habang buhay pa. Naze never tell her problem to me. She is very independent to handle her own pain. Pero alam ko kungg kelan siya nagiging masaya at kung kaylan siya nasasaktan. Ama niya ako." lumingon siya sa akin na tila binabasa ang emosyon sa aking mukha.

"Sabi niya, Dad sabi sakin ni Bella kung pagod kana magpahinga ka pagkatapos laban lang ulit. Pahinga laban, pero hindi susuko. She was crying that time knowing that she is tried but choose to fight. Pero sabi ko, hindi pagkatalo ang pagsuko. Minsan mas mabuting sumuko para makita ang ibang magbubukas na opurtunidad para sayo." tumango ito at humogot ng malalim na hininga.

"Hindi ko alam kung mapapatawad pa ako ni Naze Dad pagkatapos ng lahat ng ito. Sobra sobrang sakit ang ibinigay ko para sa isang babaeng walang ibang ginawa kundi mahalin ako." nangingilid ang luha sa mga mata niya at pinipigilan ang pagpatak nun.

"Hindi mo ba itatanong Vin kung bakit ikinasal ka kay Naze? Alam kong galit ka sa kanya dahil ipinakasal namin siya sayo." tumingin ito sakin at nagtatanong kung bakit.

"Naze doesn't also like the idea of getting marriage to a man who stole her and took advantage for being drunk. I know everything." umayos ng upo at tinitigan ako na parang handa siyang makinig sa lahat ng sasabihin ko.

"After their graduation, palihim silang lumabas ng mga barkada niya. Sobrang higpit ko kay Naze, hindi ko siya pinapayagang lumabas ng bahay kahit school project pa man yan. Kaya ang mga schoolmates niya ang pumupunta sa bahay. As a father I just want to protect her. She is only my daughter. Pero dahil sa pagiging mahigpit ko, tumakas siya para makasama ang barkada niya. Si Jiro, Bella, Krisha at Randy. Tinulungan siya para makatakas..."

Vin's POV

"After their graduation, palihim silang lumabas ng mga barkada niya. Sobrang higpit ko kay Naze, hindi ko siya pinapayagang lumabas ng bahay kahit school project pa man yan. Kaya ang mga schoolmates niya ang pumupunta sa bahay. As a father I just want to protect her. She is only my daughter. Pero dahil sa pagiging mahigpit ko, tumakas siya para makasama ang barkada niya. Si Jiro, Bella, Krisha at Randy. Tinulungan siya para makatakas..." tumingin ako kay Daddy Paul at pilit na pinagtutugma ang lahat. Gusto kong pigilan siya sa pagkwekwento pero gusto ko rin malaman ang bawat laman ng nakaraan.

"Umuwi siyang umiiyak kinaumagahan. Pilit na nagsosorry. Hindi ko alam kong bakit siya humihingi ng tawad. Dahil ba tumakas siya sa gabi at umuwi na ng umaga o dahil may ibang nangyari. Hanggang sa isang linggo siyang nagkulong sa kwarto niya. Imbes na pagalitan ko siya ay naawa ako dahil hindi ko alam ang nangyayari sa anak. Hanggang makita ko siyang nagsusuka sa lababo. Alam ko na. Alam ko na ang nangyayari sa kanya at alam kong alam na rin niya. Pero hindi ko pinalagpas ang pananahimik niya. Tinanong ko kung sino ang ama ng bata pero umiling lang siya hanggang sa masampal ko siya. Yun ang unang beses na masaktan ko siya sa mga kamay ko Vin." hindi ko alam pero parang kinakabahan ako sa mga sinasabi ni Daddy Paul, parang bumibilis ang pagpintig ng puso ko.

Unseen Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon