Vin's POV
"Babalik na kami ni Pj sa US sa susunod na araw." napatigil ako sa sandok ng pagkain sa sinabing iyon ni Naze. Napabuntong hininga ako dahil hindi ko alam ang isasagot dito. "2 weeks lang ang... binigay nilang bakasyon sakin."
"Naze, give me time to think of this please. Ilang oras ko palang nakakasama ang anak ko." napayuko ito. "I want some time to be with Pj."
"You can get him here tomorrow. Pwede pa naman yun. May oras pa para makasama mo siya." sagot nito na siyang dahilan ng pagkunot ng aking noo.
"Sa tingin mo Naze, kakayanin ng isang araw ang bagay na gusto kong gawin kasama ang anak ko? Sa tingin mo yung 24 hours na yun maipapasyal ko si Pj sa lugar na gusto niya? 24 hours Naze is just a second if I'm with my son." tumayo ako at iniwan siya sa kusina. Pagkatapos niyang umalis babalik siya at bibigyan ako ng parang isang sigundong oras para sa anak ko.
"Vin, nasa US na ang buhay namin ni Pj. Hindi ko naman pwedeng iextend ang vacation ko dahil mawawalan ako ng trabaho." hindi ko siya nilingon. Umiling ako. Hindi ako papayag.
"I don't care with your job Naze.. Kung gusto mong bumalik, bumalik ka! Iwan mo sa aking ang anak ko." hinarap ko siya pero sampal ang bumungad sa akin.
"How dare you! Wala kang alam Vin. Ang lakas ng loob mong sabihin sakin ngayon na iiwan ko sayo si Pj. Ilang beses mo siyang ipinagkait bilang anak mo tapos ngayon sasabihin mo sakin yan. Wala kang karapatan." umiwas ako ng tingin sa kanya dahil nangingilid na ang luha nito.
"Tinanong ko sayo noon kung sino ang ama ni Pj, Naze. Pero anong ginawa mo, nanahimik ka. Lasing ako nun. Ni hindi kita nakilala at namukhaan dahil iniwan mo akong tulog sa kama na yun. Hinanap kita, pero hinanap ka rin ni Mama. Anong alam ko na ang babaing papakasalan ko ay ang babaing ipinapahanap ko." napahilamos ang mga palad ko sa aking mukha. Hindi ko inaasahan na babalikan ko nanaman ang pangyayaring yun.
"Hindi ko na alam Vin. Hindi ko na alam ang gagawin ko." laglag na ang mga luha nito. Nilapitan ko siya at niyakap. Hindi sa ganitong paraan natin to pag-uusapan Naze. We can fix this without turning back.
"Look at me, Look at my eyes." hinawakan ko ang kanyang mukha at iniangat para tingnan ako sa mata. "Kakalabas palang ni Pj sa tiyan mo, kahit nagtatanong ako kung sino ang ama ng batang yun, ramdam kong galing siya sa akin. Ramdam kong anak ko siya. Mahal na mahal ko ang anak natin Naze."
"Kahit gusto kong bigyan kayo ng mas maraming oras ni Pj, hindi ko alam kong paano. Buo na ang desisyon ko. Aalis kami sa susunod na araw Vin." pabalik na siya ng kusina ngunit pinigilan ko ito.
"I will come here tomorrow. Susunduin ko si Pj para sa isang segundong oras na ibinibigay mo." alam kong hindi maganda ang iniisip ko ngayon pero iyon lamang ang naisip kong paraan para hindi na sila umalis. Magalit na kung magalit siya. Maiintindihan man niya o hindi, wala na akong magagawa pa kahit isumpa at kamuhian niya ako.
Kahit gabi na ay umuwi ako at pumunta sa dating bahay namin bilang mag-asawa. Matagal na din kasi akong hindi bumibisita doon. Tinawagan ko na rin ang driver sa mansyon para dalhin muna dito si Manang Lyda at Jen. Nakakahiya man dahil oras na nang pahinga nila ngunit naintindihan naman ako ng mga ito kaya tinulungan nila akong mag-ayus.
………………………………………
Andito ako ngayon sa harap ng bahay nina Naze. Waiting for Pj. May pupuntahan kami ng anak ko. Bukas na nang umaga ang flight nila but I have to do something para hindi yun matuloy. And I’m sorry for this Naze.
"Sasama sana ako pero mag-iimpake pa ako ee. Ingatan mo si Pj aa." tunango naman ako bilang sagot.
"Okay lang kung hindi ka makakasama." sinakay ko na si Pj sa front sit nang kotse at kumaway pa ito sa mama niya. "Enjoy with Daddy." pahabol nito.
Dumeretso kami ni Baby sa grocery para mamili ng gamit at pagkain sa bahay. Kasama ko din si Jen para hindi ako masyadong mahirapan kay Pj at sa pamimili.
"Sir, uuwi po ba si Mam Naze sa bahay niyo? Nakakamiss na din po kasi yung ganda niya ee." tanong ni Jen habang papunta na kami sa counter.
"Yes. Kaya pinalis ko yung bahay sa inyo kagabi. Thanks nga pala sa pag-tulong Jen. I disturb your rest just for it." hingi ko ng paumanhin sa kanya.
"Okay lang yun Sir. Basta para kay Mam." tumango naman ako dito bilang sagot. "Ah Sir, baka gusto niyo ng yaya ni Pj. Ako nalang po." tumawa pa ito sa sariling biro. Pero habang hinihintay namin ang bill at resibo, napapa-isip ako sa sinabi niya.
"Jen, you're right. Bakit di nalang kita ipaalam kay Mama na dun nalang sa bahay magtrabaho para alagaan si Pj." nanlaki ang mga mata nito sa sobrang gulat. Parang hindi makapaniwala."Talaga Sir? Aalagaan ko si Pj?" tumango ako sa kanya at napatalon pa ito sa sobrang tuwa.
4:30 pm na nang makauwi kami sa bahay. Dumaan pa kasi kami ng mansyon para ipaalam si Jen kay Mama. Oo naman siya kaya walang naging problema. Natuwa pa siya dahil daw ayos na kami ni Naze at uuwi na siya ng bahay. Well, let's see.
Naze's POV
Maggagabi na pero wala parin si Vin at Pj. Maaga ang flight namin bukas at hindi ako mapakali na tanaw ng tanaw sa gate. Bakit wala pa sila? Anong nangyari? Sinabihan ko si Ed na tumawag kay Daddy Jack pero nasa opisina pa daw ito kaya ako na ang pumunta sa mansyon.
"Ma, Vin..." tawag ko sa kanila pagpasok ko palang ng living area. Binuksan ko lahat ng kwarto sa bahay. Sunod ng sunod ang mga katulong sa akin at pinipigilan ako sa pagpapanic. Hanggang marating ko ang music room ni Mama Mel. Naabutan ko pa itong nag pia-piano.
"Naze, napasugod ka? Anong nangyayari sayo?" tanong nito at kitang kita sa kanyang mukha ang pagkabahala.
"Ma, si Vin... Usapan kasi namin iuuwi niya ng maaga si Pj sa bahay ee. Wala pa po sila... Ma-..ma baka may nangya-nangyari--" hirap kong sabi dahil naiiyak ako na hindi ko maipaliwag. Dagdag mo pa ang pagod na ko na nagbukas sa lahat ng kwarto dito."Iha, akala ko ba uuwi na kayong dalawa ni Pj sa bahay niyo sa A-L Village. Yun ang sabi ni Vin kaya kinuha pa niya si Jen para mag-alaga kay Pj." nakaramdam ako ng konting ginhawa sa narinig ko. Ginhawa dahil walang nangyaring masama at pagkabwisit dahil pinag-alala ako ni Vin, plus galit dahil balak niya atang itago ang anak ko.

BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...