Naze's POV
Nagising ako sa amoy ng pagkain. Hindi ko alam kong galing iyon sa kusina ngunit bakit tila lumalapit ito. Ang sarap ng amoy. Hanggang sa binuksan ko ang mga mata ko. Si Daddy, may dala dala siyang tray ng pagkain. Omelets, tocino and milk.
Napangiti ako at umupo. Sinandal ko sa headboard ng bed ang likod ko."Breakfast is ready." nakangiting sabi nito.
"Thanks Dad." nangingilid nanaman ang luha ko. Siguro parte na sa pagiging buntis ang nagiging emosyonal."Come on. Kumain kana." sabi naman nito. Sinandok ko ang tocino. Napansin ko naman ang mini shot glass na may lamang kulay orange.
"Dad, ano toh? Juice ba toh?" nagtatakang tanong ko. Kinuha ko ito at inamoy. Ang tamis ng amoy nun.
"ah, vitamins daw yan anak. Binigay ng Mama mel mo. Good for the baby." paliwanag nito.
"Si Mama Mel? Andito ulit siya?" tanong ko dito.
"Dumating sila kanina ng Daddy Jack mo pero tulog ka pa. Ayaw naman nilang maistorbo ka kaya di kana namin ginising. Siya pa nga ang nagluto niyan ee."
nakangiting sabi naman ni daddy."Sayang, di ako nakapag thank you. Itetext ko nalang ko sila mamaya."
"Bumabawi lang sila sa pagkukulang ni Vin anak. Alam kong mahal ka ng mga magulang ni Vin. Lalo na ngayun at magkakaroon sila ng apo sayo. Alam nilang nahihirapan kana."
"Daddy, ayaw ko pong sumuko. Naalala niyo po si bella yung kaibigan ko dati. Sabi niya, kapag pagod kana, magpahinga ka lang pero wag kang susuko. At yun ang ginagawa ko ngayun." hinawakan ni Daddy ang kamay ko at pinisil ito.
"Ang laki ng pinagbago mo anak. Mas naging bukas ka sa lahat ng responsibilidad at pagsubok sa buhay. Pero anak, tama naman ang sinabi ni Bella, kaya lang, kung pagod kana at gusto mo nang sumuko, sumuka ka dahil ang pagsuko ay hindi pagkatalo kundi pagtanggap ng bagong pagkakataon sa buhay mo. Andito lang ako lagi sa tabi." Alam kong naiiyak na si Daddy pero pilit niya itong pinipigilan. Niyakap ko siya.
"Daddy, ayaw ko lang pong maging katulad ni mama na sumuko satin at hindi man lang tayo pinaglaban. Gusto ko pong lumaban hanggat may nakikita akong pag asa. Ayaw ko pong lumaki ang anak ko na walang makikilalang ama." kumalas ako sa pagkakayakap kay Daddy at pinunasan ang mga luha.
"Kumain ka na nga... Lalamig na yang niluto ng Mama Mel mo ee."
Vin’s POV
Nagmadali akong nagdrive papunta sa mansyon. Tumawag si Mama. Alam kong galit na galit ito sa tono niya. Hindi ko alam kung bakit pero masamang pinaghihintay si Mama. One word is enough for her. Siguro nga sa kanya ako nagmana.
Pagpasok ko palang binati na ako ng mga katulong doon. Alam kong nasa library si Mama kaya doon ako dumeretso. Pagpasok ko palang agad na akong sinalubong ng mga librong nagsisiliparan papunta sa akin."Ma, stop! Ano ba?" tanong ko dito. Isa pang libro ang iniwasan kong ibato niya bago ito tumigil.
"Anong karapatan mong paalisin ng bahay niyo ang asawa mo hah! How irresponsible husband you are!? Hindi kita pinalaki para maging iresponsableng ama at asawa sa mgiging pamilya mo! Vin! Kahit yun man lang ang matutunan mo sa buong buhay mo." bulyaw nito sakin. Nanginginig na si Mama sa galit pero galit din ako. At mas may karapatan akong magalit.
"At sana inisip niyo rin na hindi niyo ako Pinalaki to choose a women to merry. You let me merry the women I don't even know who she is. The women I never fell in loved!" humogot ako ng malalim na hininga. Sorry but I need to spill this anger. Galit sila dahil pina alis ko siya. Mas galit ako dahil sinira nila ang plano ko para sa kinabukasan ko.
"Siya lang ang babaeng para sayo Vin. I can feel it because I’m your mother."
"Ina kita, pero ma! Puso ko to. Ipinakasal niyo ako sa babaeng sinungaling at malandi. Yun ba ang babaeng para sakin ma? Hah? Yun ba?" sagot ko dito."Don't you ever call her that way Vin. Not in front of me, not to anyone. Or else, I will make you suffer from this. At hindi mo itutuloy ang annulment niyong dalawa. Bukas na bukas, kukunin mo siya bahay nila. Iuuwi mo siya. And that’s final." umupo ito at huminga ng malalim.
"Ma, that’s insane. Buntis siya, at ang mahirap doon, hindi ko anak ang dinadala niya." tila nagulat naman si Mama sa sinabi ko agad itong tumayo. Lumapit siya sakin. Akala ko nakuha ko na ang simpatya niya pero sinampal lang niya ako.
"Ganyan ka na ba talaga kawalang kwenta Vin hah! Ganyan ka na ba talaga kawalang puso at pati bata idadamay mo sa galit mo sa nanay niya? Walang pwedeng sumira sa kasal niyo. Dahil hindi pwedeng ikaw ang sisira sa reputasyon ng Fontavilla. Kukunin mo siya, iuuwi sa bahay niyo. Dahil kapag hindi mo yun ginawa, ako mismo ang gagawa ng paraan para parusahan ka!" Tinalikuran ko si mama at galit na lumabas ng mansyon.
Pinatakbo ko lang ng mabilis ang kotse ko. Hindi ko alam kung saan na ako nakarating. Basta gusto kong maglayas, gusto kong lumayo. Oras na nagbanta si mama gagawin niya. I just remember when I was in college, he doesn't want me play basketball dahil gusto niya mag focus ako sa academic pero nagpumilit ako. Nalaman niya ito agad at pinarusahan ako. Pinutol ang allowance ko, at hindi pinauwi ng mansiyon. Di ko madala ang sasakyan ko at mas lalong hindi ko alam kong saan ako pupunta. Nakitira ako sa bahay ng kaibigan ko for almost 1 year. Nagtrabaho sa Coffee shop para magkapera, magkaroon ng baon.
Pero hinarangan nanaman niya ako doon. Isang buwan palang akong nagtratrabaho dun pero pinatanggal na niya ako. My mom is always be Mel Fontavilla. Lahat gagawin niya para magtino ka. Hanggang umabot sa puntong kelangan kong mamalimos sa barkada ko mga pinsan ko. Pero lagi niyang pinagbabantaan ang mga ito na kapag tutulungan ako, mawawala din ang lahat ng kung anong merun ang pamilya nila. Hanggang sa ako na mismo ang umuwi ng mansiyon at nagmakaawa. Isang taon niya akong natiis. At kakayanin niyang gawin yun muli sakin.
Kinabukasan, Sinunod ko agad si mama. Pinuntahan ko agad si Naze. Hindi na ako kumatok dahil nakabukas ang gate. Its almost 4 and half months na hindi kami nagkikita. Dumeretso ako sa living area ngunit walang tao duon. May narinig akong nagtatawanan sa kusina, sumilip ako. Si naze at ang pinsan niya. Gumagawa ata sila ng cake. Ito ata ang unang pagkakataon na makita ko siyang ngumiti ng hindi pilit. Humahalakhak ng walang problema. She was just beautiful in her messy hair at long size t-shirt. Napansin ko din ang tiyan niya. Halatang halata na ito. Hindi gaya nung una kong nalaman dahil maliit palamang ito at naitatago. 7 months. Yes 7 months na ang baby sa tiyan niya.
"Vin?" nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko. Nagtingin naman ang dalawa sa kusina na tila nagulat din sakin na makita ako.
"Ammm, Susunduin ko lang po sana ang asawa ko." sabi ko kay Daddy Paul. Naze's dad. Lumabas naman si Nase sa kusina. Ang dumi niya. Ang daming flour na nagkalat sa damit at kamay niya. Dagdag pa ang mga kunting dumikit sa mukha niya. It's cute. She's really cute... Wait? What did you just say Vin! No, hangover lang yan buddy.
"A--anong ginagawa mo dito?" tanong naman ni Naze.
"Iuuwi na kita." sabi ko dito. Tila nagulat naman siya sa sinabi ko. Lumabas ang pinsan niya galing kusina.
"Hindi siya sasama sayo." sagot niya sakin. Hindi ako umimik. Hinihintay ko ang sagot ni Naze. Nakatitig lang siya sakin.
"Anak?” tanong ng Daddy niya sa kanya.
---------------------------

BINABASA MO ANG
Unseen Love (Complete)
RomanceThis is not the marriage I dreamed. Kung gaano ako kasaya sa panaginip ko habang naglalakad papunta sa altar. Kung gaano ako ka excited habang inaabot ng mapapangasawa ko ang aking kamay. At... Kung gaano ko gustong maiyak sa tuwa... Kabaliktaran an...