Chapter Thirty-five

14 1 1
                                    

Naze’s POV

Tumayo lang ako dun habang pinagmamasdan ang tubig. Napapikit pa ako at napabuntong hininga. Wag kang iiyak Naze! Wag kang iiyak! Suway ko pa sa sarili ko dahil ramdam kong malapit nanaman babagsak ang luha ng mata ko.  Ilang minuto pa ang lumipas ng maramdaman kong yumakap sa akin mula sa likuran.

"I'm sorry Babe." bulong nito sa tinga ko. Tinanggal ko naman ang pagkakayakap nito at lumayo sa kanya.

"Wag mo akong yayakapin. Wag kang pa-sorry sorry jan. Ikuha mo nalang kami ng bagong schedule para maka flight kami bukas. Kung ayaw mo, ako gagawa." umalis na ako sa harap nito at padabog na bumalik sa kwarto.

Kinuha ko na din ang bag ko para umalis. Babalik din ako pagkatapos kong magbook ng flight pabalik ng US. Sa ayaw at gusto niya, kukunin ko ang anak ko. Pababa na ako ng hagdan pero nakita ko siyang nakatayo sa dulo nito. Hawak ang, hawak ang passport ko. I check my bag kong andun ang passport ko pero ayun nga at hawak niya talaga. Agad akong bumaba para kunin yun pero itinaas nito ang kmay niya para di to yun maabot.

"Akin na yan!" pagpupumulit ko ngunit mas matangkad ito sakin kaya di ko yun maabot.

"Walang aalis kung ayaw mo tong masunog." banta pa nito. Tumalon ako konte para makuha yun ngunit mas lalo lang akong nabigo dahil natumba pa ako at napahawak sa dibdib niya. Lalayo na ako pero kinulong ako nito sa bisig niya.

"Jen!" sigaw ko. Habang tinutulak siya. "Jen please help me get my passport." sigaw ko dito. Naramdaman ko naman ang pagtakbo ni Jen papalapit sa amin.

"Naku Ma'am, ayaw ko baka masisante pa ako. Bantayan ko nalang dun si Pj." sagot nito at umalis na.

"Let me go!" sigaw ko. Naitulak ko naman ito ng konte dahilan para makawala ako sa yakap niya. "Why are you doing this to me? Ano ba? Vin pwede ba! Wag na tayong maglokohan dito. I give you the freedom you need. Nagpadala na ako ng annulment noon sayo. Pinirmahan mo man yun o hindi wala na akong pakialam dun. Pabayaan mo na kami."

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Hindi ko pinirmahan ang annulment na yun. Kaya asawa mo parin ako. At walang aalis dito. Subukan mong umalis Naze at dalhin ang anak ko." banta pa niya at iniwan ako. Bagsak ang katawan kong umupo sa hagdan. Vin always make a way. Kahit itakas ko ngayon si Pj paniguradong sa airport palang di na kami makakapasok.

Kahit saan kami pumunta siguradong hindi kami papatahimikin at magtatago lang ang gagawin namin habang buhay. Magihing kawawa lang ang anak ko. Lumaoit sa akin si Jen at umupo sa tabi ko.

"Ma'am, bat pa po kayo aalis ni Pj. Sayang naman gusto ko pa man din siyang alagaan." nakita ko sa mukha nito ang lungkot.

"Jen, may mga bagay kasi na kailangan mong gawin para makalimot." sagot ko naman dito.

"Hah? Makalimot? Anong kakalimutan niyo? Yung nararamdaman niyo kay Sir? Eh mahal na mahal ka kaya ni Sir. Kaya nga ayaw ka niyang umalis kasi mahal na mahal ka nun. Alam niyo ba na noong isakripisyo niya ang mga mata niya para sa inyo Ma'am, iyak yun ng iyak sa kwarto niya." kwento naman nito.

"He sacrifice his eyes for me dahil sa konsensiya. Ni hindi ko nga narinig yun minsan na sabihan akong mahal ako. Sabi niya importante, may nararamdam siya para sakin. Pero Jen, iba parin yung pakiramdam na marinig mong mahal ka ng isang tao." tumango naman ito na parang sumang ayun sa sinabi ko.

"Eh Ma'am, yung 6 months na walang makitang donor noon para sa mata ni Sir, lagi niya kayong ipinapakamusta sa tauhan niya. Lagi niyang kausap noon si Diane para kamustahin kayo at malaman ang kalagayan niyo doon sa US." nagulat naman ako sa sinabi nito.

"Si diane?" tanong ko.

"Opo Ma'am. Si Diane ay kaibigan ni Sir. Pinalipad niya si Ma'am Diane sa US para pabantayan kayo ni Pj. Noong birthday ni Pj inutusan niya si Ma'am diane na bumili ng pizza at ipagawa sa car toy designer na kaibigan nila ang regalo ni Sir Vin kay Pj." naalala ko ang regalo ni diane noon kay Pj at ang pizza na dala niya sa birthday ng anak ko. Kaya pala ganon nalang kasaya si Diane. "Nako Ma'am napa kwento nanaman ako. Sorry po. Wag niyo nalang sabihin kay Sir. Baka pagalitan ako nun." tumayo na ito at umalis.

Vin's POV

Ilang linggo na ang lumipas at hindi na nagpumilit si Naze na pumunta sa US pero hanggang ngayon ay hindi parin ako kinakausap. Pagdumadating ako ng bahay wala siyang pakialam. Pagkumakain kami hindi siya nagsasalita. Nagtatanong ako pero isang tanong at isang sagot lang siya.

Sa kwarto din ito ni Pj natutulog at halatang umiiwas siya tuwing nagkakasalubong kami ng bahay.
Binuksan na rin nito ulit ang bookstore niya malapit sa University. Ayaw ko sana noong sabihin niya dahil sigurado akong magkikita sila doon ni Jiro pero baka madagdagan na naman ang galit nito sa akin.

"Babalik na ako sa company and we will be having a welcome party tomorrow." sabi ko dito habang nasa garden ito at busy na nagbabasa ng libro.

"Okay." yun lang ang sagot niya at hindi man lang ako nilingon nito.

"Sasama ka. Kailangan andun ka."  tinignan konsiya pero wala pa rin itong balak tingnan ako.

"As your loving wife? Okay, I'll go." sinubukan kong kunin ang libro na hawak niya at kunin ang atensiyon nito pero tumayo siya at umalis.

Pumunta ako sa kusina para kumuha ng beer pero nakita ko ang isang box doon ng cookies.

"Jen, sino ang gumawa ng cookies?" tanong ko dito habang naghuhugas ng plato.

"Ah, Si Ma'am po. Binabaon po ata pagpumupunta sa bookstore." sagot nito. Napakunot naman ang noo ko at kinuha yun mula sa ref.

"Natikman mo na ba? Parang masarap ee." binuksan ko yun para kumain ng isa ngunut nagaw yun ni Jen.

"Sir, magagalit sa akin si Ma'am. Sabi kasi niya wag gagalawin. Kaya hindi ko din tinikman to." takot ata to kay Naze. At bakit naman ipagdadamot ni Naze ang cookies. Eh sa pizza lang naman yun mahilig.

"Akin na. Wag kang mag-alala kong magagalit siya, sabihin mo ako kumain." sagot ko dito at kinuha yun ulit sa kanya. Kinuha ko ang isa at tinikman.

"Masarap ba Sir?" tanong ni Jen. Tumsngo naman ako dito.

"You should try. Marunong pala siyang magbake ng cookies." umiling naman siya.

"Come on. Kung magagalit siya ako isumbong mo." ngumiti naman ito at kumuha para tikman niya.

"Kaya pala ayaw magshare ni Ma'am. Ngayon ko lang to natikman Sir, eh halos tatlong beses sa isang linggo gumawa ng ganito si Mam at baunin sa bookstore. May binibigyan din kaya siya doon?" nagulat ako sa sinabi ni Jen at napatigil sa pagkain.

"Ah, ilagay mo nalang ulit sa ref pag ayaw mu na." utos ko dito.

Pumunta ako sa pool. Parang gusto kong mag swimming kanina pero nagbago ang isip ko dahil wala na akong ibang inisip dito ngayon kundi ang sinabi ni Jen.

"May binibigyan din kaya siya doon?" paulit-ulit yang bumubulong sa tenga ko. Alam ng utak ko ang sagot pero pilit ko yung iginigiit. No! Hindi siya. Hindi pwede.

Unseen Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon