Chapter Eight

14 1 0
                                    

Naze’s POV

Nabigla ako sa pagdating niya at ipinapaalam na sunduin ako. Tinitigan ko lang siya. Hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayun sa harap ko. Miss na miss ko na siya. Gusto ko siyang yakapin pero pumipigil ang utak ko. Nandito na kami ngayun sa bahay at buong biyahe kaming walang imikan.

"Don't expect na ako ang nagdisiyong bumalik ka dito sa bahay. Kagustuhan ito ni mama. At hindi ko ma intindihan kong bakit ipinipilit ka niya sa kin." seryoso siya. Alam ko na to. Pinagalitan nanaman siya ni Mama Mel at tinakot. Ganun si Mama.

"I'm sorry." sabi ko lang at yumuko.

"Ano bang pinakain mo at ganun nalang ang  pagkampi nila sayo. Even I told her that your baby is not mine. Sabihin mo nga sakin? Ano bang ginagawa mo sa mama ko?" tanong nito. Nagagalit na siya alam ko. Hindi ko maiwasang manginig ulit sa takot dahil ano mang oras pwede na ulit akong saktan. Natatakot ako para sa baby ko.

"Hindi ko alam----" yun lang ang sinabi ko ng bigla niyang hawakan ang braso ko. Umiwas ako. Natatakot ako.

"Wag ka ngang mag iinarte jan dahil tutulungan kitang umakyat ng hagdan." sabi nito. Napanatag ako sa sinabi niya. Nagpaubaya  akong akayin niya para makaakyat ng madali sa hagdan papunta sa kwarto.

"Thanks." sabi ko nalang at bumitaw narin sa kanya. Naglakad ako papasok ng kwarto pero sumunod siya. Umupo ako sa gilid ng bed umiwas ng tingin sa kanya.

"You should rest. Papasok pa ako." sabi nito at umalis na. Hinawakan ko ang tiyan ko. Sumisipa ang baby ko. Siguro ramdam  niyang nandito na siya ulit sa bahay.
Humiga ako hanggang mahatak na ako ng antok.

-----------------

Umaga na nung magising ako. 4 am. Gaya ng dati, hindi nanaman umuwi si Vin. Bumaba na ako para magluto. Nagluto ako ng abodo at vegetable salad. Bumalik ako sa taas upang maligo at mag ayus sa sarili.

Pasado 7 am na nung matapos ako. Nag ayus ako at kinuha ang maliit kong bag. Bumaba ako at kumain. Inilagay ko nalang sa Tupperware ang natira at kakainin ko nalang pag uwi. Hindi naman siguro ito mapapanis.. Sa isip ko. Lumabas na ako at pumunta sa bookstore. Pagdating ko doon nakita ko si Jiro.

"Kanina ka pa ba dito?" tanong ko.

"Ang laki na ng tiyan mo aa. Kelan lang yung huli mong bisita dito ang liit pa at hindi halata." masayang tanong sabi nito.

"Ou ee. Excited atang lumabas si baby."  Natahimik naman ito na tila nag isip.

"Naze, I’m sorry. Kasalanan ko ang lahat. Naze, handa naman sana akong akuin ang batang yan kasi kasalanan ko naman talaga ang lahat. Pero---"

"Pero hindi ako pumayag and I’m sorry Jiro for not loving you back. Alam kong mabuti kang tao." putol ko sa gusto niyang sabihin.
"Andito lang ako kahit anung mangyari." tinitigan ko lang siya habang nakangiti. "Can I touch?" sabi nito.

“Sure... Ou naman. Gumagalaw nga ee. Parang kilala ka niya."  Kinuha ko ang kamay niya at inilagay ito sa tiyan ko. Tumawa naman siya dahil sumipa ang baby ko.

"Okay yan baby. Good.. Ganyan nga magwala ka sa tiyan ng mama mo. Pero wag mo sasaktan si mama okay. Just wait for a few months. Lalabas kana din jan." napangiti ako kay Jiro. Kinakausap niya ang tiyan ko. Alam kong naririnig siya ni baby dahil sipa ito ng sipa. 

"Thanks Jiro. Nakikinig ata si baby sayo"
"Maybe we become partners soon… Ah, may klase pa ako. Una na ako okay. Ingat. Call me when you need anything. Malapit lang naman yang school. I can leave my students." sabi pa nito at tumawa. Umalis na nga ito at pumasok na din ako sa mini office ko dahil marami pa akong gagawin.

Vin’s POV

Pauwi na ako ng madaanan ko ang bookstore ni Naze. Papasok sana ako dahil nakita ko siyang papasok palang doon. Aagahan ko sana talagang umuwi to check her pero nakita ko na siya dito. Pero hindi pa ako nakakababas ng kotse ay nakita ko ang isang lalaki. I saw this man before. Oh yes! Sa isang bar. After my graduation.
Umupo si Naze sa tabi nito. Nakasuot yung lalaki ng uniform ng teacher. So, teacher siya sa university kung saan ako nag graduate. At dito iyon malapit dito sa Bookstore ni Naze. Nagulat ako ng hawakan nito ang  tiyan ni Naze na tila tuwang tuwa pa silang dalawa. Gusto kong pumasok at kompruntahin ang dalawa pero pinigil ko ang sarili ko. Agad kong pinaandar ang sasakyan at umalis papuntang bahay. Baka hindi ako makapagtimpi sa dalawa at masipa ko sila. Naisip ko lang kasi, minsan ko nang muntik mapatay ang baby ni Naze kaya kailangan kong magtimpi ng galit.

-----------------------

Nasa sala ako habang nanunuod ng maramdaman kung nagbukas na ang pinto. Hindi ko pinansin kung sino ang dumating dahil alam kung si Naze yun. Halos 6 pm na. Narinig ko ang mga yabag niya paakyat ng kwarto. Ilang minuto pa ang lumipas at bumaba na rin ito.
Pumunta ito ng kusina. Narinig ko ang palampang ng ilang pinggan doon. Pasimple ko siyang tiningnan. Naghuhugas ata. Nilakasan ko naman ang tv.
Ilang monuto pang muli ang lumipas at naramda man kung papalapit siya sakin. Nakita kong dinampot niya ang remote ng tv at pinahinaan ito.

"Anu bang problema mo?" galit kong sigaw dito.

"Kinain mo ba ang ulam sa ref?" tanong nito ng may pagkairita

"Yes, yun ba ang problema mo?" Nakita ko ang pagtitimping galit sa kanyang mukha kaya umiwas ako ng tingin at itinuon ang panunod ng tv.

"You can cook your own food. Pag kain ko yun." mahinahon niyang sabi.

"So bawal na akong kumain sa bahay ko? Ganun ba?" seryoso kung tanung dito. Tumayo ako nat hinarap siya.

"No! Ang sabi ko lang naman sana nagluto ka ng sayo at di kaya nagtira man lang." pilit nitong pag papaliwanag.

"What for na naging asawa kita kung ayaw mo lang din naman palang magluto? Such a useless wife." saad ko dito at umalis. Nasa kalagitnaan na ako ng hagdan papuntang kwarto ng nakita ko siyang umupo sa sofa at yumuko.

Naze’s POV

Nagutom ako at hinanap yung pagkain na inwan ko sa ref pero nakita ko yung lalagyan sa may lababo. Ang daming pinagkainan na hindi nahugasan. Baso blender at iba pa. Jusko! Dumating ba ang barkada niya at nag inuman dito? Pero wala naman akong maamoy sa mga basong amoy ng alak. Hinugasan ko ang mga ito ng marinig ko ang paglakas ng tv sa sala.

Tinapos ko ang  hugasin at lupait sa kanya. Kinuha ko ang remote at pinahinaan ang tv. Tinanung ko na rin kung kinain niya ang ulam na iniwan ko at nagulat ako sa sagot niya. Hanggang sa nauwi lang kami sa pag-aaway... Paakyat na siya ng kwarto pero bumalik siya at pumunta sa kusina.
Hindi ko na tiningnan ang ginagawa niya sa kusina at ako naman na itong umakyat sa kwarto para magshower. Nagugutom ako pero ayaw ko siyang makaharap sa kusina. Kung ano man ang ginagawa niya dun wala na akong paki alam.

Ilang minuto pa ang lumipas habang Nagbabasa ako ng libro ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Hindi ko siya pinansin pero naramdaman kung lumapit siya sakin.

"You need to eat. Hindi pwedeng magutom ang baby mo." baby mo…Baby mo... Parang paulit ulit yun na pumasok sa utak ko. Siguro nga baby ko lang to. And don't expect na sasabihin niyang baby NATIN!

"I'm okay." sabi ko dito at hindi parin siya tinitingnan.

"Here…" nilingon ko kung ano ang ang iniabot niya sakin. Dalawang slice ng pizza at isang chicken joy with ketchup at tubig. Tiningnan ko lang siya at hindi yun inabot. "Wag mo akong ginagalit Naze. Kung sinabi kung kakain ka, kakain ka!" medyo galit nitong tono. At dahil kumakalam nadin ang sikmura ko inabot ko nalang ito.

"Thank you." pabulong kong pasasalamat dito.

"What?" tanong nito.

"Thank you." ulit ko sa medyo may malakas na tono.

Unseen Love (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon