Chapter 24

380 17 0
                                    


Gang's Night.

Tahimik ako sa buong kalase namin. Naiilan ako kapag lalapit sakin sila elli at jasmine. Kung kailan ready na ako'ng mag mahal ay bakit bigla na lang nag ka ganto? Nakanguso ako habang nakikinig sa tinuro ng lecturer namin.

"Hangang edsa na ya'ng nguso mo, Ano ba ang problema?"Tanong ni elli sa tabi ko. Nilingon ko siya ngunit di ako makatitig sa mata niya. "Kanina ka pa kase balisa."Dagdag nito.

"Mhmm, Wala... Masama lang pakiramdam ko." Lies! Lies! Lies!

"Gusto mo samahan na kita sa kuwarto niyo ni king?"Tanong ni elli. Mabilis ako'ng tumungo sa sinabe niya. Pagod na den kase ako. Kailangan ko muna mag pahinga. Nakakaloka ang araw na 'to, jusq!

Pinagpaalam ako ni elli sa prof namin para makalabas kami. Na-ko-konsensya tuloy ako sa ginawa ko, kahit hindi naman talaga masama ang pakiramdam ko ay nag pahinga ako sa kuwarto.

Nagpa alam si elli sakin na may bibilhin lang daw siya kaya siya lalabas. Naiwan ako sa kuwarto mag isa. Nag palit muna ako ng damit bago umupo sa sofa. Nanood ako ng kung ano ano para malibang ang sarili ko. Kumuha den ang ng ice cream para may mangatngat ako habang nanonood.

"May sakit ka, Pero bat ka kumain ng ice cream?"Halos mapatalon ako ng may magsalita sa likuran ko. Nanlaki ang mata ko at nalaglag ang panga ko ng makita ko si lester. May dala siya'ng paper bag sa isa'ng kamay niya.

"A-ano'ng...Diba may klase ka?"

"Pumunta ako para..."Napa kamot ito ng batok. "Muka ka naman wala'ng sakit."

"Meron."Tinignan niya ako ng mabuti. Nanliliit ang mata niya habang sinusuri ang bawat sulok ng muka ko. "May sakit ka pero nagagawa mo pa'ng kumain ng ice cream? "

"Concern ka?"Tudyo ko.

"May lugaw ako na dala, Imbes na ice cream ang kainin mo. Lugaw ang kainin mo."Nakakaloko ako'ng tumitig sakan'ya.

"Kainin kita."Ngisi ko'ng sabi.

"Sira na ulo mo."

"Hmp, Sungit!"Inilagay niya ang  lugaw na dala niya sa may kusina at lumabas na ng pintuan. Problema 'nun? Pumunta ako ng kusina para isalin ang lugaw na binili niya.

Tumikim ako ng isa'ng kutsara. "Ang sarap.."Kumento ko. Nagpatuloy ako sa pag kain hangang sa maubos ko 'yon. Katulad kanina ay wala naman ako'ng kasama. 7 o'clock na pero wala pa din si lester. Galit ba yun? Kanina pa ang labasan pero bat wala pa den siya?

Hindi ko na na-antay si lester. Nakatulog na lang ako sa may sofa. Hindi ako comportable na matulog sa sofa pero nakatulog ako dahil sa pag aantay sa alien na yun. Isang makinis na kamay ang humaplos sa uluhan ko.

"Bakit ka ba jan natulog, May kama naman sa taas."Batid ko na si lester ang nag salita pero kahit gusto ko na idilat ang mata ko ay di ko magawa. "Pasaway talaga."Inilagay niya ang palad niya sa noo ko para tignan kung mainit ako. Paano ako iinit e, wala naman talaga ako'ng sakit.

Binuhat niya ako ng pa bridal style para maipanik sa taas at maihiga sa kama. Napa inat ako ng maramdaman ko na nakahiga na ako sa malambot at comportable na kama.

HINDI ko na naabutan si lester sa tabi ko nung magising ako. Nakikita ko siya at nag kakasalubong kami pero di niya ako pinapansin, tsk! Ang sungit kala mo may regla!

"Shai!"Tawag ni minzy sa likuran ko.

Nilingon ko siya na may ngiti sa labi. "Mhmm?"

"Sama ka sa hideout."

"Andun si lester? "Ayaw ko kase muna siya na makita. Naguguluhan ako sakan'ya ang sabi niya girlfriend niya ako at mahal niya ako pero bat parang... di ko maramdaman? O sadyang di ko lang makita ang ginagawa niya na maliit na effort para sakin? Arghhh! Napaka demanding ko naman!

Accidentally Inloved With A Mafia King ( MAFIASERIES #1 ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon