Chapter 37

349 10 2
                                    


Confusion.

Kinahapunan ay dumating na rin ako sa bahay, sa bahay na ako nagpasya na tumuloy dahil natatakot ako na wala'ng kasama sa dorm. Ayoko lang rin na maalala pa lester sa dorm na tutuluyan ko. Sila minzy ay sa university pa rin tumuloy kasama ang iba samantalang si lester ay sa bahay nila tumuloy kasama ang fiancé nito, maging si miguel ay nasa university rin ay inayaya pa ako na siya na lang daw ang ka-dorm ko.

"Mabuti naman at dito ka muna, pansamantala."Nakangiti na sabi ni mama habang pinagsasandok ako ng makaka-kain.

"Opo ma, tyaka na lang ako babalik kapag may kasama ako sa dorm."

"Nakabuti rin naman pala ang pag-alis ng ka-dorm mo."Natatawa na ani ni papa.

"Papa naman..."Nakanguso ko na sabi.

"Oh, e kung hindi siya umalis ay wala ang baby girl naman dito."Natawa ako sa sinabe ni papa, naiintindihan ko na na-mimiss ni papa ang lambing ko sakan'ya tulad ng dati nung di pa ako nag do-dorm. Sa aming tatlo kase na mag-kakapatid ay ako na lang ang nalalambing ni papa si kuya kase ay masungit samantalang si ate naman ay puro alis dahil nga sa trabaho nito.

May kumatok sa labas kaya naman ay nag prisenta na ako ang mag bubukas ng pintuan. "Jason..."I murmured when i see my cousin standing infront of our door. "Ano ang ginagawa mo rito?"

"Puwede na papasukin mo muna ako?"Hmp! Sungit. Nakapamulsa ito habang nakababa ang tingin sakin pakiramdam ko tuloy ay napakaliit ko ng tao. Binigyan ko siya ng daan para tuluyan na siya'ng maka pasok sa loob ng bahay, nag mano siya kaila mama at papa at bumati sa mga kapatid ko.

"Mabuti at napasyal ka jason."

"Hindi kase busy, tita."Nilingon ako ni jason at tinitigan mabuti na animo'y may inaalam tungkol sakin, nag iwas ako ng tingin at saka umakyat sa kuwarto ko dala dala ang aki'ng bagahe. Nag palit lang ako ng damit at saka pagod na bumagsak sa aking higaan. Habang nakatingala ako sa kisame ay tumunog ang cellphone ko kaya naman ay inabot ko yun gamit ang paa ko.

From:Miguel

     Let's date.

Buang, binalewa ko ang kan'yang text messages kahit na paulit ulit iyon tumutunog ay di ko na muli pang binasa, gusto ko na mapag isa. Gusto ko na makapag isip, lalo na sa inaalok ni miguel malaking companya ang meron sila at gusto rin makapag trabaho agad after ko na mag-aral pero nahihirapan ako na mag desisyon lalo na at komplikado pa para sakin.

Sa pag iisip ko ay di ko namalayan na nakaidlip na pala ako kung hindi pa ako pinalo ni mama sa puwetan ay di pa ako magigising.

"Gumising ka na jan, kakain na tayo."

"Hmm."Inaantok pa na tugon ko, bumangon ako at saka nilingon muli ang cellphone, 6:00 p.m na pala ng gabi. Bumababa ako at naabutan ko na nag-iinuman sila papa, kuya at si jason sa may bandang salas.

Nag tungo ako ng kusina at sinabayan kumain sila ate at mama, nang matapos ako na kumain ay pumunta ako ng salas kung saan nag iinom sila papa at saka nanood ng tv, katabi ko si jason na kanina pa ako sinisiko.

"What?"Pabulong na asik ko.

"Ako ang mag babantay sayo sa dorm."

"At sino naman nag sabe sayo na sa dorm ako matutulog?"Nakataas ang kilay ko ng tignan ko siya ng mabuti.

"Ako."

"Whatever."Umirap ako at muling binalik ang attention ko sa panonood. Pero sadya yata na makulit ang lahi nito si jason at di pa rin ako tinantanan.

"C'mon shaira, don't tell me hindi ka na papasok dahil lang sa nagyare?"

"Then, i dont."

"Really, huh?"Tumaas ang gilid ng labi nito at saka bumugtong hinga. "Don't missed the opportunities, shai.."

Accidentally Inloved With A Mafia King ( MAFIASERIES #1 ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon