Chapter 39

332 13 4
                                    


Leaving

After that night ay isinama ako ni miguel sa rest house niya dito sa antipolo, hindi gaanong kalakihan ang bahay niya rito sa antipolo tulad nga ng sabi niya sakin ay good for two people lamang ito at bahay bakasyunan lamang kaya hindi ganun kalakihan tulad sa mansion nila sa manila.

Tulad ng napag usapan namin ni miguel ay dito muna ako mag-sstay sa bahay niya sa antipolo sa loob ng dalawang araw para naman ay makapag pahinga ako at gumaan gaan ang pakiramdam ko, tama nga ang sinabe niya dahil hindi na ako umiyak kagabi dahil tumabi siya sakin para mahiya naman daw ako na mag-emo!

"I'll cook."Aniya. Habang na sa sofa ako.

Tumayo ako at lumapit sakan'ya."Ako na, its a girl thing."Maarte na sabi ko, at saka inagaw ang apron na hawak hawak niya.

"Baby, i want to cook for us."

"Baby, baby mo muka mo."Napa-irap ako, last day na namin ngayon sa bahay niya at kahapon pa niya ako tinatawag na baby!

"Bakit?"Sinulyapan ko ang nakangisi na si miguel, bahagya siya'ng natawa ng makita na sumama ang muka ko. "Ayaw mo ba na ikaw ang baby ko?"Lumapit siya sakin kaya naman ay naiilang ko na nilayo ang ulo ko. "O gusto mo ng iba'ng baby? Gawa tayo?"

"Loko!"Hinampas ko ang braso niya dahilan para tumuwid ito ng tayo at nag hugas ng kamay. "Ang manyak mo, parehas kayo ng pinsan mo."

"Don't mention him, kung gusto mo na makalimot."May diin na sabi nito.

"Expert?"Pinagtaasan ko siya ng kilay.

"Kind of, thats what i do, but at the very end of the day my heart still choose you."

"Sira."Inirapan ko ito "Diba may asawa ka?"I remember that he leave me because he want to marry another girl, just like lester did to me.

"Dati, nilayasan ako e."

"Manyak ka kase."

"She said i didn't love her."Ramdam ko ang pait sa tono nito.

"Totoo ba?"

"Of course i do!"

"Then, why are you here?"Pinagtaasan ko ito muli ng kilay. "Why are you chasing me, like you won't stop loving me."

"Change topic."Nag iwas ito ng tingin.

"Im asking why."

"Kailangan."

"Kailangan?"

"Kailangan kita para bumuo sakin."Kumindat ito sakin kaya naman ay napa-irap ako, nagiging hobby ko na talaga yan pag-irap na yan!

"Whatever!" Padabog ako na umupo sa silya niya sa may kusina at nanlumbaba habang tinignan siya, he said he want to cook for us so i let him. Nagluto lamang si miguel ng sinigang at saka nag timpla ng sawsawan naming patis na may kalamansi. Yummy! Pakiramdam ko ay nanubig ang bagang ko sa nakahain sa harapan ko.

Natapos na ang pagkain namin kaya naman ay naghanda ako para sa pag-alis namin mamayang hapon pauwi sa manila.

Iniligpit ko ang gamit na binili niya sakin at saka ang mga gamit na ginamit ko sa silid niya bago tuluyan lumabas ng silid niya at sumakay na sa kotse niya.

Here i came again, another heart ache.

Naging matagal ang byahe namin dahil sa traffic, dumaan muna kami sa school bago tuluyan umuwi ng bahay. Kinuha ko ang module na sasagutan ko bago kami mag exam next week. After namin sa school ay agad kami na nagtungo sa bahay namin.

Si mama ang bumungad samin ng makapasok kami. "How is your stay?" Excited na tanong ni mama ng makaupo ako sa may sofa namin, hinilig ko ang ulo ko at saka marahan na pumikit para pakalmahin ang sarili sa mahabang byahe.

Accidentally Inloved With A Mafia King ( MAFIASERIES #1 ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon