Stay.DUMATING kami sa ospital ng namumugto ang mga mata ko kakaiyak, Sa pinaka malapit na ospital dito sa palawan namin sila dinala. Ngayon ngayon ko lang din nalaman na sa palawan pala nila kami dinala. Tinawagan nila ivan ang parents at kapatid ni lester para ipaalam kung ano'ng nagyare.
Pakiramdam ko ay kasalanan ko lahat 'to, e. Papaano kaya kung hindi ako dumating sa azolea? Paaano kaya kung di ako nakilala ni lester? Hindi kaya siya mapapahamak? Magiging sila ba ni cassy? Napa sabunot ako sa sarili ko'ng buhok dahil sa kahibangan.
Tinapik ni minzy ang balikat ko. "Okay ka lang?"Nag aalalang tanong niya. Nag angat ako ng tingin at tyaka marahan na tumungo ako bilang sagot, Hindi ko alam pero wala ako'ng gana na magsalita ng magsalita. Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako mentally, emotionally and physically. "Gusto mo ba na kumain? Or tea? Coffee?"Sunod sunod na tanong nito. Hinawakan ko ang kamay niya at ngumiti.
"Okay lang ako, Kahit tubig na lang."
"Sigurado ka? Wala pa tayo'ng kain simula kahapon."Muli ako'ng ngumiti sakan'ya.
"Hindi pa naman ako nagugutom, e."Wala ng nagawa pa si minzy nung sinabe ko na tubig na lang ang gusto ko. Hindi rin ako nakakaramdam ng gutom dahil mas nangingibabaw sakin ang kaba, Kaba na baka mapahamak si lester. Tuwing iisipin ko siya ay di ko maiwasan na umiyak.
Nung bumalik na sila minzy at andrie galing sa cafeteria ng ospital ay agad niya ako'ng binigay ng tubig at isa'ng cup noodles.
"Kumain ka, Sige ka. Magagalit ako." Aniya. Kaya naman wala ako'ng nagawa kundi ang kainin 'yun, Masama naman ang tumangi sa grasya tyaka magtatampo si minzy kapag hindi ako kumain.
"Paparating na sila tita."Sabi ni ivan habang tutok ang mata niya sa cellphone, Siguro ay kinakamusta niya din ang kalagayan ni elli. Kamusta na kaya yu'ng isa na yun?
Lumipas ang Ilang oras bago tuluyan lumabas ang doctor sa ER. Agad kami na tumayo at tyaka lumapit sa doctor, Nasa unahan ako kasama sila minzy. "Mr. Lester Lim parents?"Tanong ng doctor.
"Paparating na po do- -"Hindi natapos ni ivan ang pag sasalita nung bigla ay may tumawag sa pangalan ko.
"Ate shai?!"Umalingawngaw ang malungkot na tinig ni monica, Malungkot niya ako'ng tinignan bago tumakbo at yakapin ako ng mahigpit. "A-asan si kuya?"Hinagod ko ang likod niya bago sumagot. "Nasa loob pa."
"I'm the mother."Nag taas ng kamay si tita na kakadating lang din, Nasa likod nito si tito na seryoso ang muka.
"What happen doc?"Seryoso na tanong ng papa ni lester.
"The operation is successful,"Nakahinga ako ng maluwag sa sinabe nung doctor, Kumalas sakin ng yakap si monica. Tumingin muna ito sa chart bago tuluyan magasalita. "Pero kailangan pa din natin mag hintay na gumising si Mr. Lim, Sa utak ang tama ng bala kaya may possibility na magkaroon siya ng mild amnesia."Sa sinabe ng doctor ay bigla akong natigilan. Naghihina ang tuhod ko sa mga katagang binitawan ng doctor kaya napaluhod ako sa tapat niya at nagsimula naman tumulo ang luha sa mga mata ko. Makakalimutan niya kaya ako? Pero wala pa'ng isa'ng taon mula nang magkakilala kami!
"Malalaman lang natin ang resulta kapag nagising na siya, Maybe 2 days is enough to get back his strength, Babalik ako bukas ng umaga para I - check siya." Anang doctor, "I'll take my leave ma'am and sr, Ililipat na siya mamaya sa kuwarto niya." Pag papaalam ng doctor tyaka tuluyan ng umalis sa harapan ko.
"H-hindi...."Mahinang daing ko, Paulit uli ako na umiling. Hindi matangap ang sinabe ng doctor. Kinapitan ko ang dibdib ko na naninikip dahil sa sakit na dulot nito. Anytime ay puwede ng sumabog dahil sa sakit na nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Accidentally Inloved With A Mafia King ( MAFIASERIES #1 )
Storie d'amore(MAFIASERIES#1) COMPLETE Shaira Mae Mendoza was just a simple transferee girl in Azolea University, her life was peaceful not until she accidentally meet Mark Lester Lim. Ayaw na ayaw niya na muling sumugal sa pag-ibig dahil sa naranasan nito but sh...