Chapter 1- Ang Krimen

50 0 0
                                    

Taong 1995....

Isang madilim at abandonadong warehouse ang pinuntahan ng mag-asawa. kulay berde and dingding, mga lumang karton at drum and nasa paligid. Marumi at basang lapag ang kanilang nilalakaran, liwanag lamang ng buwan ang tanging ilaw dito.

Lalaki: Mahal wag kang mag-alala imimeet lang natin siya dito pagkatapos nito uuwi na tayo ha? Wag kang matakot.
Papel na to lang naman hinihingi niya at okay na ang lahat.
Babae: kinakabahan ako.. WALA AKONG TIWALA SA LALAKI NA YUN!

**Napalakas ang sigaw ng babae

Lalaki: Huwag kang maingay! Tahimik tayong pumasok rito at tahimik din tayong lalabas.
Umiiyak na lang ang babae..
Lalaki: huwag kang matakot.. Kasama mo naman ako eh? Pangako sayo, maging okay rin ang lahat... Pakiusapan ko lang siyang maayos.
*Napatingin siya sa bag ng kanyang asawa*
Lalaki: Ano ba yang dala mo? Diba sabi nya wag tayong magdadala ng iba liban sa papel na ibibigay natin?

Kinuha ng lalaki ang bag at nakita niya ang laman nito.. Laking gulat nya at nanghina kukunin na niya sana ang bagay na iyun nang biglang dumating ang lalaking kanilang inaantay. Lumakad ito papalapit sa kanila at sinabi "Dala niyo ba ang papel?"

Lalaki: Ahh oo... Wag kang mag alala.. Wala kaming tinawag na pulis.. Kami lang dalawa ng asawa ko.
**Pangiting sinabi ng lalaki at inabot ang papel.

"sige umalis na kayo ng tahimik.. Patas na tayo.. Binigay ko na ang gusto niyo at nasa akin na ang papel..."

Lalaki: Oo.. Salamat Hector... Ahmm alis na kami ha?
Hector: Teka.. Anong laman ng bag na yan?
Kinakabahan nitong sinabi...
Lalaki: Ahhh.. Wala wala nalimutan lang naming iwan sa kotse.
Nagmadaling naglakad ang mag-asawa... Nang malapit na sila makaalis.. Dinukot ng babae ang baril galing sa bag at pinaputok ito. Hindi natamaan si Hector dahil hindi naman ito marunong humawak ng baril..

Biglang may pumasok na mga armadong lalaki tinutukan sila at sinabi ng isa na..
Bodyguard: ibaba mo baril mo.
Hector: pambihira ka Elena. Kailan ka pa naging matapang ha?
Nagulat rin si Elena dahil hindi niya akalain na magagawa niya ito.
Hector: Roberto?? Ito ba isusukli mo sa akin? Sinabi ko na nga sayo na papel lang ang dadalhin at wala ng iba? Ngunit ano itong dala niyo at may baril kayo?
Roberto: Hector... Pagpasensyahan mo na si Elena.. Nasa yo naman na ang papel. Huwag mo kami sasaktan.
Hector: Alam mo Roberto.. Hindi ko na sana ito gagawin eh.

Sumenyas siya sa Bodyguard at binaril si Roberto.
Elena: ROBERTOOO!!
Tinamaan siya sa dibdib, siya'y natumba at hirap na huminga..
Elena: Wala ka talagang puso HECTOR!
Hinawakan siya ng mga armadong lalaki at kinuha ang baril sa kanya...
Hector: Ikaw! Alam mo, hindi magkakaganito ang lahat kung ako lang ang pinili mo.
Dumura ang babae at sinabing
Elena: Baliktarin man ang mundo.. Ha?? Mabuhay man akong muli.. Si Roberto pa rin ang pipiliin ko at hindi ikaw! Balang araw... Sinusumpa ko makukulong ka ren!
Nagpupumiglas si Elena at iyak ng iyak.
Hector: Kunin niyo na ang katawan ni Roberto at dalhin niyo tong si Elena.
Elena: Roberto!!!! Asawa kooooo... Patawad mahal kooo.

Sinuntok si Elena ng mga lalaki sa tyan kaya't nawalan ito ng malay.

Tauhan: Boss, Ano po ang sunod na gagawin namin.
Hector: Iuwi niyo sila sa kanilang bahay, at sunugin ito, palabasin niyo na nagpatayan sila at may naiwang plantsa o ano na nakasaksak kaya nasunog ang bahay.
Tauhan: Boss, paano po ang anak nila?
Natauhan si Hector at naalala ang bata...
Hector: Kunin niyo ang bata, at ipaampon niyo.. Iwan niyo sa may bahay ampunan sabihin niyo nakita niyong iniwan ito sa kalsada..

Itutuloy....

Sa Likod Ng Mga LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon