Martes... Ika-8 ng Marso 2011
Sa school.. Sa kanilang Physics Subject.
Nagsulat ang Kanilang guro sa blackboard ng isang problem...1. Figure 1 shows a wheel (grey) with a central hub (green). It can roll freely on the flat, level tabletop. A beam (yellow) is pressed on the bottom of the hub and pulled to the right with force F. The radius of the large wheel is 13, the radius of the hub is 3. The beam, hub, and wheel all roll without slipping.
Which direction does the large wheel roll along the table?
How fast does it roll relative to the speed of the yellow beam?
......
Si Leticia, ang top 2 ng klase ay nag-iisip... At inuunawa ang problem...Teacher: Ok.. You have 5-10mins to answer on your notebook.. After neto may isang sasagot dapat sa board...
Lahat sila ay kinopya ang problem at sinubukang sagutin ang problem.. Matapos ang sampung minuto nag tawag ang kanilang teacher ng sasagot...
Teacher: Carol.. Pakisagutan naman nito.
Tumayo si Carol at nagsulat sa board...sinagutan ito ni Carol at isinulat ang Final Answer... Pinalakpakan si Carol dahil tama ang kanyang sagot..Si Leticia ay nainis at hindi pumalakpak dahil tama ang sagot ni Carol... At pagtingin niya sa kanyang papel ayy mali ang kanyang sagot... Masama ang tingin niya kay Carol na siya namang inapir- an nila Bea at Jadie.
Recess time...
Leticia: Harold?
Lumapit ang isang lalaking mataba kay Leticia at sumagot..
Harold: Ano yung Leticia?
Leticia: Bumaba ka nga sa canteen... At bilhan ako ng fries.. Dali masakit ulo ko eh.
Ito naman si Harold na may gusto kay Leticia ay pumayag..
Harold: Sige Leticia.. Pero asaan ang pera?
Leticia: Ayy.. Oo teka ha?
Pacute na sinabi ni Leticia na siyang tumingin sa kanyang wallet...
Leticia: Oops! Pasensya naaa.. Kulang na pala pera ko.. Pwede ba sagutin mo nalang yung fries?Babalik na sana si Harold sa kanyang upuan upang kumuha ng pera nang may naglapag ng P100 sa desk ni Leticia...
Pagtingin ni Leticia, ito ay si Carol..
Ngumiti si Carol at tinapik si Harold sa balikat... Nag salita ang mga kaklase nila at sinabing "Woww! Astig..."Leticia: WOW Carol? Bumalik ka nga rito..
Hindi siya pinansin ni Carol kaya si Leticia na ang lumapit..
Leticia: ano tingin mo sakin? May pera ako kaya di ko kelangan ng pera mo!
Carol: May pera ka naman pala bakit kelangan mo huthutan ng pera si Harold?
Leticia: Ano? Huthutan??! Yabang mo ahPinipigilan si Leticia ng kanyang mga alipores
Leticia: PhP100 lang pala pera mo? Kawawa ka naman..
Tumayo si Carol sa kanyang kinauupuan at sinabing
Carol: Tara Harold.. Kain tayo sa baba..
Paanyaya ni Carol..At sila ay bumaba, tumingin pa si Harold kay Leticia ngunit siya'y sumama nalang kay Carol. Sumunod naman si Bea at Jadie na hindi makapaniwala sa ginawa ni Carol...
Nasa canteen na sila at naglalakad.. Naghahanap ng mabibiling pagkain..
Jadie: WOW CAROL! Astig mo ah
Harold: Salamat pala.. Pero kelangan bilhan ko pa rin si Leticia eh..
Jadie: ano? Wag ka nga magpa-uto don! Halata namang ginagamit ka lang niya..
Harold: Eh kasi.. Don lang yung paraan na napapansin niya ako eh..
Jadie: kung ako sayo, wag mo na i-crush yun sama kaya ugali non..! Di tulad ni Caro--
Carol: Naku Jadie.. Tigilan mo nga akooo... Hmmm.. (Sabay tingin kay Harold) Alam mo kung ako sayo.. Wag ka nang magpaalipin sa kanya..
Bea: Kami bahala sayo..
Huminto sa pag lalakad si Carol....
Carol: Ahmm.. Jadie bili muna kayo pagkain.. Bilhan mo na rin kami ni Bea at siya nga pala Bea.. Usap tayo...Nagtaka si Jadie pero umalis din sila ni Harold para bumili.. Kinabahan si Bea....
Itutuloy...