Chapter 19- Pagbabalat Kayo

14 0 0
                                    

Umakyat si Hector... At inantay ni Carol na makapasok si Hector sa kanyang kwarto saka nagtanong.

Carol: Mommy Sino po si Roberto?
Irish: Mula bata pa sila magkaibigan na talaga sila ng daddy mo.
Carol: Asaan na po siya? Bakit hindi bisitahin ni daddy eh birthday niya po pala ngayon.
Irish: Ang kulit mo Carol.. Si Daddy mo na tanungin mo!
Luke: Ihhh Mommy sabihin mo na..
Irish: Hay nako. O sige.. Si Roberto ay nasa Heaven na.
Nagulat sina Carol at Luke
Luke: Hala? Ano po nangyari?
Irish: Namatay sila mag-asawa.. Si Roberto at Elena.. Nagpatayan sila.
Kinilabutan sina Carol at Luke
Irish: Pero alam kong hindi magagawa nila yun sa isa't isa.. Mahal na mahal nila ang isa't isa ehhh at inggit nga ako.. Ang daddy niyo hay nakuuu... Hmmmm nevermind..
Carol: Mommy.. Bakit hindi inayos ng mga pulis?
Irish: Kung ano na ang itsura sa crime scene ayun ang pinaniniwalaan.. Kelangan ng ebidensya. Sinubukan naman ng daddy mo na buksan muli ang kaso at magimbestiga muli sila.. Kaya lang ahmm. Nakalimutan ko na eh basta biglang sinara na uli ang kaso..

FLASHBACK***
taong 1996 Muling pinabuksan ni Hector ang kaso dahil na rin sa paki usap ng pamilya nito.. Dahil naniniwala sila na may pumatay sa mag-asawa..
Siya ay dinumog ng mga media reporters sa harap ng kanilang kumpanya..
Media1: Bakit po ninyo muling binuksan ang kaso?
Media2: Ano po ang masasabi ninyo sa pagkamatay ng inyong matalik na kaibigan?
Media3: Mayroon po ba kayong isisiwalat sa buong mamamayan?
Hector: Hindi ko na po kaya... Aamin na po ako...
Paawang sinabi ni Hector
Hector: Bago po nangyari ang insidente, kinausap po ako ni Roberto na nahuli niya si Elena na may kabit.. Matagal na pala itong itinago ni Elena.. Kaya sumama ang loob nito..
Biglang umiyak si Hector...
Hector: at ang kanilang anak ay anak raw ni Elena sa kabit nito... Kaya nga sila'y nagkasiraan..
Media1: Sino po ang lalaking sinasabi ninyong kabit ni Dr. Reyes?
Media4: Nabanggit po ba niya ang pangalan?
Media2: Ito po ba ang dahilan ng kanilang pagpaslang sa isa't isa?
Patuloy na umiiyak si Hector at nagsalita..
Hector: hindi na po nabanggit ni Roberto kung sinong lalaki ito.. At I believe ito po ang dahilan ng kanilang patayan.. Patawarin niyo po ako.. I should have told the media earlier.. At ngayon ko lang po ito nabanggit.. Ayaw ko rin po kasing masiraan ang ating butihing Beterinaryo at ang asawa nito... Lalo na at kaming dalawa ang bumuo ng aking kumpanya ngayon... Siya po ang aking naging katuwang.. Pero ang inyong lingkod ho ay taos pusong humihingi ng paumanhin...
Media3: Yung anak po ni Mr. And Mrs. Reyes may balita po ba kayo?
Hector: Hindi ko na po alam ang impormasyon tungkol dyan.. Excuse me...

Umalis si Hector at siya'y sumakay na sa kanyang sasakyannn.. Umandar na ito at Habang nasa kotse ayyy.. Pinunasan niya ang luha niya at sinabi sa kanyang bodyguard..
Hector: Tara na.. Nakakasakal tong mga media..

At sila'y umalis na.

Sa Likod Ng Mga LihimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon