Natigil sa pagdukot si Harold sa bag niya nang marinig ang sinabi ni Bea.. Nagtataka siya kung paano ito nalaman ni Bea. Naiisip niya "Masyado ba akong halata?"
....
Bea: At saka bakit ka sumama sa amin ngayon at hindi sa tropa mo?Lalong kinabahan si Harold.. Hindi niya alam ang gagawin.. Ano ang kanyang gagawing palusot...
Bea: Ano? Sumagot ka.
Harold: Ahmm..
Naghihintay ng sagot si Bea... Hanggang sa nainis na ito.
Bea: Mahirap ba aminin? Okay lang yan!.......Hindi pa umuwi sina Harold at Bea.. Sila'y nag usap sa food court ng mall...
Tahimik pa rin si Harold at kinakabahan... Nagkukuyakoy ng binti at pinag papawisan...
Bea: Anong nangyayari sayo? Simpleng tanong lang.... Hmmmm totoo no?!!
Nagulat si Harold at sinabing
Harold: Ano?? Ahmmm..
Bea: Ayos lang yan Harold.. Hay nako. So totoo nga...
Harold: Natatakot ako eh... At least sa ngayon magkaibigan kami ni Carol...
Bea: Bakit ka natatakot?
Harold: Ang taba ko kasi... Sobrang taba... Hindi naman ako magugustuhan ni Carol....
Tumawa si Bea.... At pinalo si Harold sa balikat.
Bea: Hmmm totoo nga na mataba ka... Hahahaha pero.... Sa totoo lang may itsura ka eh..
Nabuhayan si Harold nang marinig ang sinabi ni Bea.. Pero ayaw niyang maniwala..
Harold: ahhhh oo lahat naman tayo may itsura...
Bea: Hindi! Talagang may itsura ka naman.. Meaning ahmm pogi..
Nagulat si Harold sa sinabi ni Bea.
Harold: oh? Si mama lang kasi nagsasabi nyan sakin...
Bea: totoo nga pero ooopss wag ka mainlove saken ha.. Sinabi ko lang.. May iba akong gusto.. Hmmm pero totoo nga pre.. May itsura ka.. Alam mo magpapayat ka lang.Natuwa si Harold sa mga sinabi ni Bea at tila nagkaroon siya ng pag asa na magka crush din sa kanya si Carol...
Harold: totoo ba yan Bea?? Ibig sabihin may pag asa ako.
Bea: Oo naman may pag asa ka.. Yun lang ay kung magpapayat ka.. Hmmm lalo na kung haharap ka sa magulang ni Carol? Naku!! Kaya umayos ka na..
Harold: Kaya lang huli na ang lahat... Gagraduate na tayo..
Bea: Di yan! Sa graduation natin umamin ka kay Carol..
Harold: Ha??? Hala nakakahiya..
Bea: sus!! Wala masama umamin.. Dali tutulungan kita.. Gusto mo ba maunahan ka ng iba...
Natigilan si Harold at tila nag aapoy ang kanyang damdamin.. Ayaw niyang makuha si Carol ng iba...
Bea: Basta sa Martes ha???........
Nang malapit na si Carol sa kanilang mansyon nakita niya na bukas ang gate nila.. Dali dali siyang tumakbo at sumilip... Ang buong mansyon ay patay... Walang ilaw.. Hindi gumagana ang fountain.. Bukas ang pinto nila papasok sa mansyon.. Tanging ilaw lang sa labas ng gate ang bukas... Dali daling sinara ni Carol ang Gate. ... Natatakot din siya.. Hindi niya alam kung anong meron... May narinig siyang putok sa loob... Hindi niya mawari kung ano yun kaya naman nilabas niya ang cellphone niya at ginamit ang flashlight... Takot niyang hinawakan ang cellphone...
Carol: Daddy? Mommy?? Luke??
Asaan na kayo?? Natatakot ako...
Naglakad siya ng marahan at umakyat sa kaunting hakbang papuntang kanilang pintuan papasok ng mansyon... Nang biglang may bumukas na ilaw sa loob...
Gulat na gulat si Carol sa kanyang nakita.....Itutuloy..